Epilogue

395 6 0
                                    


CHAPTER 67 ( EPILOGUE )

Unedited...
"Thank you," walang humpay na pasalamat ni Aron kay Mandy. Sa effort nito, sa lahat-lahat.
"Wala kang dapat na ipagpasalamat dahil ikaw naman ang nagplano ng lahat," sagot ng dalaga. Kulay lang naman ang pinaiba niya.
"Paano mo pala nalaman?" tanong niya. Alas otso pa lang ng gabi at ang ibang bisita ay nag-iinuman pa sa baba.
"Huwag mo nang alamin," sagot ni Mandy.
"Please, kailangan ko lang malaman kung paano," pakiusap ni Aron. Alam niyang matalas itong mag-isip pero hindi niya alam kung paano. Kaya pala hindi na ito nag-usisa pa at umalis din noong pinuntahan niya ang mga barkada.
"Teka, may kinalaman ba rito ang barkada ko?" nagdududang tanong niya. Nang dumating siya kahapon, mukhang tapos na silang mag-usap. Baka nagplano na sila bago pa siya dumating? "Shit! Sino sa kanila?"
"Wala nga!" naiinip na sagot ni Mandy at naghubad ng damit.
"Seryoso, Mandy ko, sino?" pangungulit niya. Hindi siya titigil hanggat hindi nito inaamin.
"Magpasalamat ka na lang sa kaniya. At least hindi ka na nag-effort pa na i-surprise ako," ani Mandy.
"Mandy ko naman, hindi ako titigil hanggat hindi ka umaamin. Si Sky ba? Si Blue? O si Black?" usisa niya saka napaisip. Nandiyan lang 'yan sa tatlo dahil sila lang naman ang kakilala ni Mandy.
"Ang tsismoso mo!" nakasimangot na sabi ni Mandy at naupo sa kandungan niya na wala nang saplot.
"Please, aminin mo na," sabi niya saka hinalikan ito sa leeg.
"Hindi ka magagalit?" malambing na tanong ni Mandy pero ang mga kamay ay sa ilalim na ng puting tshirt ng fiancè na pumipisil sa abs nito.
"Hindi," sagot niya at marahang kinagat sa balikat ang dalaga at hinaplos ang dibdib nito na ikinaungol ni Mandy.
"O-Okay, aaminin ko pero hubad ka muna," parang batang sabi ni Mandy at umalis sa kandungan niya.
"Damn! Kailangan ko na sigurong ihanda ang sarili ko ng ilang buwan dahil mukhang papapakin mo araw-araw ang katawan ko!" natatawang sabi niya. Kung para naman sa ikabubuntis nito, why not?
"Okay lang, ikaw naman ang naglilihi kaya ikaw ang kain nang kain!" humagikhik si Mandy kaya natigilan siya.
"Haist! Kaya pala natatakam ako sa mangga!" sabi niya at nagsimula nang maghubad. Kapag mahiga na sila, palagi siyang hinahakbangan ni Mandy. Pamahiin lang naman iyon pero okay lang kung nagkatotoo. May case naman na ganiyan na lalaki ang naglilihi para sa asawa nila.
Flashback...
"Ano ang sikreto ninyo ni Aron?" diretsahang tanong ni Mandy.
"Wala--"
"Huwag kang magsinungaling dahil kakalbuhin ko si Taira!" pagbabanta ni Mandy.
"Inimbitahan ko lang naman si Aron na magkape dahil matagal na kaming hindi nagkikita," sagot ng binata. Sana lang ay kumagat si Mandy.
"Huwag na tayong makipaglokohan! Aamin ka o susunugin ko ang toy factory mo?" pababanta ni Mandy.
"Haist!" namamawis na si Sky. Para siyang sinasalang sa hot seat. Napakatalas talaga ng pakiramdam ng babaeng 'to, "si Aron kasi, balak niyang magpatayo ng business na hindi mo alam..." ayun, idinetalye na niya ang lahat ng nalalaman kay Mandy tungkol sa business. Sana lang ay maniwala ito para hindi sila mabuko dahil kung hindi, malalagot siya kay Aron at higit sa lahat, masisira ang pinaghahandaang nilang proposal.
"Walang hiya ka!" pasigaw na sabi ni Mandy at malakas na binatukan si Sky.
"Aray! Putiks naman, Mandy! Ba't ka nananapak?" galit na reklamo ni Sky pero mas galit pa rin si Mandy sa kaniya.
"Paano siya magpapatayo ng iba pang business e, hindi pa kami nag-uumpisa ng business namin at nangangalap pa kami ng pera? Common sense mo rin kasi minsan, pakigamit! Sa lahat ng Villafuerte, ikaw talaga ang pinakatanga!" sagot ni Mandy at hindi kumukurap na tinititigan si Sky hanggang sa sumuko ito.
"Si Aron ang tangungin mo, huwag ako!"
"May manloloko ba na aamin? Saan ang utak mo?"
"Hindi ka niya niloloko! Tamang hinala ka rin e!"
"Kung hindi niya ako niloloko, sana ipinaalam niya sa akin!"
Hindi na kumibo si Sky pero ilang sandali pa ay tumayo siya at kumaripas ng takbo.
"Hayop ka! Guard, magnanakaw!" sigaw ni Mandy kaya lahat ay napatingin sa kanila, "tulong, magnanakaw!" naiiyak na sigaw niya habang tinuturo si Sky na nasa Exit door na pero napataas ang dalawang kamay nang tinutukan siya ng baril nimg guwardiya.
"Shit! Hindi ako magnanakaw, k-kuya, ang baril mo, lintik ka, Mandy!" kinakabahang depensa ni Sky dahil baka makalabit nito ang gatilyo.
"Salamat, Kuya!" hinihingal na sabi ni Mandy at mahigpit na hinawakan si Sky sa damit, "pasensiya na, akala ko natangay niya ang iPhone ko. Away magpinsan lang po, pinsan ko siya," paumanhin ni Mandy at itinaas ang iPhone.
"Ma'am? Magtatawag pa ba tayo ng pulis?"
"Huwag na po, okay na. Ako talaga ang may kasalanan, nasa mesa ko pa pala ang iPhone ko. Tumakbo kasi siya kaya nabigla ako," todo drama niya na parang tangang-tanga talaga sa sarili. Mabuti na lang dahil naniwala naman ang guwardiya at wala na siyang pakialam sa mga tao.
"Walang hiya ka! Paano kung binaril niya ako?" galit na sabi ni Sky nang makasakay na sila sa sasakyan niya.
"Hindi ko naman inaasahan na iyon ang gagawin niya!" sagot ni Mandy at hinarap siya, "aamin ka, o susunugin ko ang lahat ng zoo sa Pilipinas?"
"Pakialam ng zoo sa 'yo?" ani Sky. May topak na talaga 'tong si Mandy. Good luck kay Aron. Okay na siya kay Taira pero kapag si Mandy ang kasama niya, mapapatay yata siya nito.
"Marami ang unggoy roon at alam mo na, kasama silang matutusta!"
"Ang sama mo talagang babae ka!" sigaw ni Sky.
"Umamin ka na!" sigaw rin ni Mandy.
"Magpro-propose si Aron sa 'yo sa birthday ng mommy mo!" napilitang pag-amin niya dahil alam niyang hindi siya nito titigilan, "lahat ginagawa niya. Mula cake, roses, teddy bears at tarpaulin. Masaya ka na?" galit na tanong niya
Tama si Sky, may nabanggit nga itong tungkol sa blue roses.
"B-Bakit mo sinabi?" naiiyak na tanong ni Mandy.
"Papatayin mo na ako, isasama mo pa ang walang kamuwang-muwang na mga unggoy sa zoo, hindi pa ako aamin? Lintik ka! Marami pa akong pangarap kasama ang babymine ko!" galit na sagot ni Sky, "bumaba ka na sa sasakyan ko! Mamamatay ako sa nerbiyos kapag ikaw ang kasama ko!"
End of FLASHBACK...
One year after...
"Aron, mag-umpisa ka nang kumanta," bulong ni Sky at sumenyas sa mga magulang nila na back-up singer.
Kinuha ni Aron ang microphone at sinumulan ang pagkanta ng paborito nilang Westlife song.
I remember all my life 🎶
Raining down as cold as ice🎶
Shadows of a man
A face through the window
Crying in the night goes into 🎶
Morning, just another day
Happy people pass my way🎶
Looking in their eyes, I see a memory
I never realized
How happy you made me 🎶
Oh Mandy
When you came and you gave without taking
But I sent you away 🎶
Oh Mandy
Well you kissed me and stopped me from shaking
And I need you today
Oh Mandy 🎶
Habang naglalakad sa black carpet na may white rose petals at bitbit ang black wedding boquet, hindi maiwasang kabahan ni Mandy. Black and white ang motif ng kasal nila. Walang magawa si Aron kundi sundin ang gusto niya. Combination ng black and white roses ang pedestal designs.
" Shit, hihimatayin yata ako!" bulong niya habang naglalakad palapit kina Aron na habang kumakanta, nakatitig ito sa kaniya para iparamdam na siya talaga si Mandy sa inaawit nito.
Tumigil si Mandy sa gitna ng simbahan nang umiyak ang apat na buwang sanggol nila ni Aron. Kinuha niya ang baby sa yaya nito kaya natigilan ang lahat pero hindi huminto si Aron sa pagkanta.
Yesterday's a dream I face the morning
Crying on a breeze 🎶
The pain is calling 🎶
Oh Mandy 🎶
Well you came and gave without taking
But I sent you away 🎶
Oh Mandy 🎶
Well you kissed me and stopped me from shaking
And I need you today 🎶
Oh Mandy 🎶
Well you came and gave without taking
But I sent you away
Oh Mandy
Well you kissed me and stopped me from shaking 🎶
And I need you...
"Isasama ka namin sa altar kaya huwag ka nang umiyak," bulong niya sa anak at ipinagpatuloy ang pagmartsa. Tumigil na rin ang bata habang nakatingala sa kaniya na tila tuwang-tuwa pa. Bahala na kung ano ang sasabihin ng mga tao. Kailan pa ba siya may pakialam sa mga ito? Moment niya 'to kaya ang ayaw, malaya namang lumabas. Tutal, bukas naman ang pintuan ng simbahan. Binabastos niya ang Panginoon? Hindi! Para sa kaniya, walang masama kung isama niya ang anak nila sa sumpaang magaganap.
"Baby namin? Hinihintay na tayo ng pogi mong daddy," nakangiting bulong niya.
Oh Mandy won't you listen 🎶
What I've got to say 🎶
Oh baby don't let me throw it all away
Oh Mandy won't you listen what I've got to say 🎶
"Congrats, Aron!" bulong ni Black sa kaniya pero lumilipad ang diwa niya habang nakatitig sa babaeng naglalakad sa isle palapit sa kaniya. Ang ganda nito sa white wedding dress.
Napangiti siya nang makita ang lahat ng nasa loob ng simbahan. It was her dream na makapagsuot ng black wedding dress pero nang makita nito ang isang teleserye na nagsuot ng black wedding gown ang bida, umiyak ito. Ang sabi ni Mandy, naunahan na raw siya sa ideya. Everyone is expecting her to wear a black gown pero mas pinili niyang isuot ang tradisyonal white gown pero black and white pa rin ang motif at 80% ay black.
Oo, 80% black sa motif dahil lahat ng bisita, nakakulay itim. Mula sa ring bearer, flower girl, lahat pati parents nila, naka-black. Silang tatlo lang ang nakaputi. At ang pare lang ang naka-black and white.
And I need you today 🎶
Oh Mandy... 🎶
Pagtatapos niya ng kanta nang nasa harapan na niya ang mag-ina niya.
"H-Hi!" bati niya sa dalawang nakangiti sa kaniya.
"Hello," sagot ni Mandy. Lumapit ang mga magulang nila at nagbigay ng habilin sa kanilang dalawa.
"Akin na muna ang apo ko," sabi ni Cheska pero ayaw ibigay ni Mandy ang natutulog na anak.
"Okay lang," sabi ni Mandy na nakangiting nakatitig sa sanggol na tila anghel na natutulog, "isasama namin siya ni Aron ko."
"Akin na, Mandy ko," sabi ni Aron pero tumanggi si Mandy at sumenyas kay Sky na kunin ang pillow na bitbit ng ring bearer kanina.
"Mamaya na, baka magising siya. Kapag mangawit ako, ibibigay ko sa 'yo."
Kahit naguguluhan, binitbit ni Aron ang puting maliit na unan na inabot ni Sky.
Nakasuporta si Aron kay Mandy habang palapit sila sa altar.
"Father, ikakasal mo po kami habang natutulog ang Baby namin, ha." pakiusap ni Mandy tapos kinuha ang ring bearer pillow kay Aron saka inilagay sa mesa at pinahiga ang sanggol.
"May magagawa pa ba ako? Kayong couple talaga. Kayo lang ang nakagawa ng ganito sa simbahan," napailing na sagot ni Father na kamag-anak ng Daddy Oliver niya. Nasaksihan nito ang pagdadalaga ni Mandy kaya kabisado na niya ang ugali nito.
"Thank you po, Father!" naka-smile na sagot ni Mandy nang maramdaman ang pagpisil ni Aron sa mga kamay niya.
"We are gathered here today to celebrate one of life's greatest moments, and to cherish the words which shall unite Aron and Mandy in marriage," panimula ni Father.
Mahimbing ang tulog ng sanggol kaya hindi naantala ang seremonya. Para bang musika na naghehele sa kaniya ang mga pinagsasabi ng pare at mga magulang na siyang humihila sa kaniya sa pinakahimbing na pagtulog.
"Do you take this woman as your lawfully wedded wife?" tanong ni Father.
"I do!" puno ng galak na sagot ni Aron at humarap kay Mandy.
"Mandy ko? Pinapangako ko, magiging responsable akong asawa sa 'yo at a-ama sa anak at magiging mga anak pa natin. H-Hindi ko maipangako ang perpektong pagsasama pero ipinapangako kong s-sisikapin kong ibigan ay lahat sa 'yo. Ang pag-unawa, pagpasensiya at buong pagmamahal para sa ating pamilya. I-Ikaw ang babaeng b-bata pa lang ako, gusto ko nang mapangasawa," umiiyak na ngumiti siya habang nakatitig sa mga mata ni Mandy kahit na may veil pa na nakatakip sa mukha nito, "Mandy ko, sa harap ng maraming tao at sa harap ng Diyos, tinatanggap kita bilang asawa hindi dahil gusto o pangarap ko lang kundi dahil mahal talaga kita. Mahal kita sa pinakamahinang pagkatao mo."
Humarap naman ang pari kay Mandy at ito naman ang tinanong.
"Do you take this man to be your lawfully wedded husband?"
"I do," nakangiting sagot ni Mandy at humarap kay Aron, "Aron ko?" malambing na panimula niya kaya napakagat si Aron sa ibabang labi. Huwag naman sanang sirain ni Mandy ang pinakaimportanteng araw nila, "Aron ko? Mahal kita kahit na inaway mo 'ko noon," tumigil si Mandy at humagulgol sa pag-iyak kaya walang nagsalita sa paligid.
"M-Mandy..." nag-aalalang sambit ni Aron at pinisil ang kamay nito.
"A-Aron ko? A-Alam mo bang ilang taon kong hinintay ito? Ang araw na puwede kong isigaw ang sakit na dinadala ng puso ko dahil sa ginawa mo sa pagkatao ko? Hindi ko k-kayang isigaw sa lahat na kamahal-mahal ako, p-pero bata pa t-tayo noon. I-Inisip ko na lang na kaya nangyari iyon, ay p-para hindi ako makalandi sa iba. The one who broke my heart is the one who fixes it. T-Thank you for loving me, unconditionally. T-Thank you for making me believe that I can love and be loved. Thank you for accepting me for who I am."
Pinahidan ni Aron ang mga luha niyang mas malakas pang umagos kaysa kay Mandy. Kapag si Mandy ang magseryoso, hindi niya talaga mapigilang umiyak.
"S-Sorry for everything..." paumanhin ni Aron. Ngumiti si Mandy at pinahidan ang mga luha ng lalaking kaharap.
"Matagal na kitang pinatawad na kita, Aron ko. Sorry rin dahil maldita ako. M-Magsimula tayo ng bagong buhay. I-Iyong walang sama ng loob, w-walang hinanakit sa dibdib at higit sa lahat, puno ng pagmamahal. I h-hate you more noon, I love you most ngayon! Mamahalin kita habambuhay, Aron ko. Sa harap ng lahat lalo na sa anak natin at sa Diyos, ipinapangako kong ikaw lang ang asawang mamahalin ko," natatawang panunumpa niya. Kahit ang mga kamag-anak at nakakilala talaga sa kanila, napangiti rin sa palitan ng dalawa.
Matapos isuot ang singsing...
"I now pronounce you husband and wife!" anunsiyo ng pari.
"Swag couple!" natatawang wika ni Mandy.
Itinaas ni Aron ang veil ni Mandy.
"Mandy ko," bulong niya at hinaplos ang napakakinis nitong pisngi, "asawa ko."
Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha nito at buong pusong hinalikan si Mandy sa mga labi na tinugon naman ng dalaga.
"Aron ko," wika ni Mandy nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Niyakap niya ito nang buong higpit.
"I love you, Mandy ko," bulong ni Aron na gumanti sa yakap ng asawa.
"I love you too, Aron ko!" nakangiting sagot ni Mandy at hindi na pinansin ang mga bisitang nagpapalakpakan. Masaya siya! Walang kasing saya! Alam niyang marami pa silang haharapin dahil nag-uumpisa pa lang sila pero dahil kay Aron, lahat ay makakaya nila.
"Oh Mandy..." bulong ni Aron. The girl he hated the most, is now his wife! His loving wife.
--------------------
Pagdating sa reception, inihagis ni Mandy ang bouquet at si Jairah ang nakasalo kaya ang lakas ng kantiyawan ng lahat.
"Ihagis ko na. Mga boys, mag-agawan na!" nakangiting sabi ni Aron at tumalikod sa mga barkadang handang makipag-agawan. Naghiyawan naman ang lahat at nagtutulakan na.
Sa bilang ng tatlo, inihagis patalikod ni Aron ang garter.
Sa madilim na lugar, nakaupo siya. Sigawan ng kalalakihan ang naririnig ng binata nang makaramdan ng malamig na bagay na dumapo sa kaniyang kanang palad kasabay ng pagtigil ng ingay sa kaniyang paligid. Saka niya napagtanto na siya ang nakasalo ng garter na ihinagis ng groom.
"Tumayo ka na riyan, ikaw na ang pinakamasuwerteng binata sa araw na ito maliban kay Aron!" sabi ng lalaking nasa kanan niya. Ngumiti siya sa mga taong alam niyang nakatingin sa kaniya.
"Paano ko siya malalapitan kung hindi ko naman siya nakikita," halos pabulong na sagot niya.







A/n:

Thank you sa mga nagbasa.

Hello, Ashters.
Ito na po ang pagkakasunod-sunod (in order) ng "VILLAFUERTE" series. Paki-tag na lang po ang ibang nagtatanong. Kung mahigit 5 ang nabasa mo, congrats and thank you sa pagtiyaga. ☺️ by: sha_sha0808 Ash Simon

1.My Jealous Little Boss - Ryan
2.My Jealous Little Bossings- Ian
3.Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom Pa -Skyler
4. My Hard To Get Hubby - Kyler
5.Destiny's Game - Kevin
6.University Princes(Intro) - Sky/Blue/Blacl
7.Beki si Black - Black
8.My Trip Buddy - Sky
9The Superstar Daddy - Blue
10. Laro ng Apoy - Erika & Lyn
11.Got A Baby With A School Heartthrob -Kean
12. He's Been A Badboy - Keana
13. My Unideal Girl - Clouds
14.Mali Ba Ang Ibigin Ka? - Dust
15. Stupidly Engaged - Sun
16. My Piggy Love - Star
17. La Pescadora (The Fisherwoman) - Matter
18. I'm Not Jelous, Just Territorial - Moon
19. Langit Ka, Lupa Ako - Red
20. Superstar's Mistake - Grey
21.Princess Without A Crown - Venella
22. My Childhood Princess - Maymay
PROBINSYA SERIES 1
23. The Heart of Healthcare - Ash
PROBINSYA SERIES 2
24.TheHeartofEducation-Dark/White(ongoing)
BAUTISTA SERIES
25. Mayor's Secret - Danya Villafuerte
26. Mayor's Son - Dañel Villafuerte Alba
27. Mayor's Daughter - Dañela Villafuerte Alba (completed)

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon