3

182 9 0
                                    


OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 3

Unedited....

"Ayaw ko talagang mag-swimming!" pagsisinuplada ni Mandy. Bakit ba may swimming lesson pa sa P.E nila?

"Hindi nga puwede dahil kasama ito sa curriculum," sagot ng guro. Hindi siya makaalis-alis dahil mahigpit na hinahawakan ni Mandy ang laylayan ng uniporme niya.

"Sir naman, magba-basketball na lang ako pero ayaw ko talaga mag-swimming," pakiusap niya. Hindi naman sa tamad siyang maligo pero ang mag-swimming sa pool o dagat? Never!

"Sa five feet ka lang, hindi ka naman malulunod!" napipikon na siya. Nasa pool side na ang mga estudyante niya pero ayaw pa rin bitawan ni Mandy ang damit niya.

"Ayaw!" naiiyak na sabi ni Mandy

"Putiks! Bitiwan mo na nga ako! Kayo naman ang may-ari, 'di ba? Magpatayo ka ng kiddie pool para sa 'yo!" Close naman sila ni Mandy kahit paano. Well, bakla naman siya kaya may oras na click sila ni Mandy. Isa pa, 24 pa lang siya kaya hindi nalalayo ang edad nila ng mga estudyante.

"Eh kasi..."

"Matapang ka tapos swimming lang, hindi ka pa marunong lumangoy?"

"Blame my mother!" she angrily answered. Oo, siya lang talaga ang may ina na nagturo kung paano hindi lumangoy. May phobia sa tubig ang ina at mula noon, hindi siya nito pinapalangoy sa pool o dagat. Dapat nga, turuan pa siya nitong maglangoy pero wala. Iba rin ang utak ng ina niya.

"Bitiwan mo na ako! My ghad, kayo lang ang may pool na hindi ka marunong lumangoy," bulalas ng baklang teacher.

Mabuti na lang dahil binitiwan na siya ni Mandy kaya nilapitan na niya ang mga estudyante.

Isinampay ni Mandy ang tuwalya sa balikat at lumapit sa gilid ng pool pero medyo kinabahan siya nang makitang sumisid ang ibang kaklase kaya lumayo siya at naupo sa upuan saka pinanood ang mga ito.

Dalawa ang swimming pool ng paaralan at itong isa ay mas malaki. Olympic size kaya kaya ang tatlong klase. Tinawag siya ng guro at pina-warm up sila. Matapos ang ilang minuto ay pinababa na sa tubig.

"Mababaw lang 'yan. Look at your classmates, hanggang dibdib lang nila," pangungumbinse ng guro.

"Bakit ang isa, lagpas ulo na?" sabay turo sa lalaking kaklase kaya tinaasan siya ng kilay ng guro. Hindi matangkad ang binata. 4'5" lang ang height nito pero mayaman at matalino. Well, may sakit na dwarfism ang ama kaya minana nito ang sakit.

"Stop insulting him," bulong ni Mr. Ramirez. "Dahil kapag lumubog ang barko, mas mabuhay pa siya kaysa sa 'yo!"

Sumimangot si Cheska at bumaba na sa tubig sa kumapit sa pool hand rails ng pool. E sa takot talaga siyang malunod. She hates her mother for that.

Kung anu-ano ang itinuro ng guro pero hindi sinunod ni Mandy. Bahala sila.

"Paano kita matuturuan kung ayaw mong sumunod?" nakapamewang na tanong ng guro sa harapan niya kaya tumingala si Mandy at tinaasan ito ng kilay.

"Sabing magba-basketball na lang ako!" Kakayanin pa niya ang basketball. Mas handa siyang magbasagan ng bungo kaysa sa mag-swimming siya.

"Paano ka maliligtas kapag malunod ka sa dagat?"

"Hindi ako malulunod dahil hindi ako maliligo!" Pinandilatan niya ang mga kaklase niya. Pakialam nila?

"Mandy naman! Umayos ka! Paano kita mabibigyan ng grades? Kailangan mong pumasa sa practicum!" sagot ng guro kaya tumirik ang mga mata ni Mandy.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon