OH MANDY
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 35
Unedited...
"Mom? Sama ako kay Daddy sa Paris," sabi ni Mandy habang kumakain sila ng hapunan.
"No, may pasok ka!"
"E di a-absent ako, three days lang naman 'yon!"
"Hindi nga puwede! Sa summer vacation lang." February na ngayon at kalapit nang magtapos ang school year. Noong December, dito sila nag-Christmas kasama ang mga Lacson at sa Barcelona sila nag-celebrate ng New Year kasama ang family ni Oliver at ang isa pa nilang anak.
"Ang tagal pa nu'n!" reklamo ni Mandy.
"Kaya magtiis ka!" ani Cheska.
"Bakit ba gusto mong sumama sa Paris? Nando'n ba ang boyfriend mo?" biro ni Oliver.
"I don't like your jokes, dad! It's kinda boring!" she rolled her eyes.
"Wala namang masama kung magkaroon ka ng boyfriend, nineteen ka na at hanggang ngayon, never ka pa nagka-boyfriend?" ani Cheska.
"Hindi naman po ako kagaya mo na before twenty, may baby na!" depensa ni Mandy.
"At least, lumabas ka," sabat ni Oliver saka napasulyap kay Cheska. Kung hindi pa ito nag-iskandalo noon, hindi pa niya malalaman na isa na pala siyang ama.
"Kayo lang ang magulang na hindi masaya dahil walang boyfriend ang anak!" wika ni Mandy.
"Wala namang masama kung sa edad mo na 'yan, subukan mo na. Hindi ka ba naiinggit sa mga pinsan mo na may mga kasintahan na?" tanong ng ina.
"Hindi naman po ako inggitira. At hindi ko kailangan ang boyfriend! I'm married to my shoes!"
"Mandy naman, find a man who can buy you a dozen pair of expensive shoes!" suhestiyon ni Oliver. Butas na ang bulsa niya sa mag-ina.
"Tama. Maghanap ka ng lalaking mamahalin ka!" segunda ng ina.
"Para ano? Hindi ko sila kailangan! Maganda ako, mayaman at kaya kong bilhin ang lahat ng gusto ko!"
Parehong natahimik ang mag-asawa at ipinagpatuloy nila ang pagkain. Mayamaya pa'y tumayo si Mandy.
"Tapos na po ako, kanina pa ako inaantok," paalam niya saka tinalikuran ang mga magulang.
"May swimming lesson kayo, right?"
"Please tell him na inaantok ako. I can't swim!"
Pagkatapos kumain ng mag-asawa ay naupo sila sa gazebo para magpahinga at mag-usap.
"Hon? Bakit ganiyan ang ugali ng anak natin?" tanong ni Oliver, "Hindi naman siya ganiyan."
"Good morning po!" bati ni Aron na palapit sa kanila.
"Maupo ka, hijo," sabi ni Oliver.
"Salamat, si Mandy po?" Hinila niya ang silya sa harap ng mag-asawa saka naupo.
"Inaantok pa raw, may lakad ka?"
"Wala naman po."
"Aron?" tawag ni Cheska.
"Yes po?"
"Bakit ba palagi kayong nag-aaway ni Mandy? Wala na bang chance na magkasundo kayo?" seryosong tanong ni Cheska.
"Ewan ko po sa kaniya," sagot ni Aron.
"Saan nga ba nag-umpisa ang lahat?" usisa ni Oliver. Nakapagtataka lang, palagi naman itong inaaway ng iba pero si Aron talaga ang kinaiinisan nito.
Tumahimik si Aron.
"Sige, pasukin mo na lang sa kuwarto niya, may lakad kami ni Oliver," sabi ni Cheska. Mabait si Aron at alam niyang wala naman itong gagawing masama sa anak nila. Kagaya ni Tyron, masipag ito. Well, lately lang naman nila nakilala ang ugali ng ama kaya hindi na mahalaga ang kalokohan sa nakaraan nito.
Pumasok si Aron sa bahay at dumiretso sa kuwarto ni Mandy.
"I hate him!" wika ni Mandy habang yakap si Winnie the Pooh, "How dare him para sabihin na walang magmamahal sa akin? Bakit siya? May nagmamahal ba sa kaniya ngayon? E, ang tanga-tanga niya!"
Isang buntonghininga ang pinakawalan ng binata. Tama ang hinala niya, masyado nitong dinamdam ang nangyari noong bata pa sila. But seriously? Ang tagal na nu'n, hindi ba siya puwedeng mag-move on na lang?
"Ano ang ginagawa mo rito?" galit na tanong ni Mandy kaya bumalik siya sa reyalidad. Lumapit siya sa dalagang nakaupo sa kama at tumayo sa harapan niya.
"Ano ang nangyari sa mata ni Pooh?" napansin niyang wala na itong mga mata.
"Wala ka na roon! Pakialam mo?" pagsisinuplada niya at niyakap si Pooh. Ito ang karamay niya. Kapag hindi niya katabi ito, hindi siya makakatulog. Sa tuwing yayakapin niya ito, saka lang siya nakaramdam ng kapanatagan ng kalooban. Mula noong bata pa siya, si Pooh ang naging karamay niya lalo na kapag umiyak siya.
"Sa nakikita ko, mahal mo siya pero bakit wala na siyang mga mata?" tanong ni Aron.
"Matagal nang nasira! Umuwi ka na nga!" pagtataboy niya. Ayaw talaga niyang makita ito, nasisira ang araw niya.
"Ayusin natin, Mandy," malumanay na sabi ni Aron.
"Hindi mo na maaayos ito! Sira na nga, 'di ba?" pagsisinuplada niya. Galit siya kay Aron noong isang araw kaya ang mata ni Pooh ang pinagdiskitahan niya.
"May mga sira na puwedeng maayos pa! It's up na sa 'yo kung ipapaayos mo pa," sagot ni Aron saka inilahad ang kamay para kunin si Pooh, "Aayusin ko, Mandy!"
"Hindi mo na siya maayos!" mahina pero may diin na sagot ng dalaga saka mas niyakap si Pooh. Kahit kailan, wala nang maaayos si Aron sa kaniya. Noon pa man, sinira na nito ang lahat sa kaniya. She's too young pero masyado na siyang nasaktan noon pa.
"Ano ba!" Nagulat siya nang agawin ni Aron si Pooh sa kaniya.
"Maaayos ko 'to at kapag maayos ko, papayag na ako na mag-kiss tayo, iyong torrid!" nakangising wika ni Aron kaya natigilan ang dalaga.
"H-Hindi mo nga 'yan maayos eh, nawala na ang mata ni Pooh!" nakasimangot na sabi niya at napasulyap sa mga labi ni Aron. Curious lang naman siya kung ano ang lasa ng kiss. Bakit hindi niya na-feel noong hinalikan siya ni Aron?
Kinuha nito ang gunting sa ibabaw ng bedside table niya at tinanggal ang dalawang malalaking itim na butones sa polo shirt nito.
Lumabas si Aron at pagbalik ay may dala nang sinulid at karayom na hiningi sa mga katulong at sinimulan ang pagtahi.
"Ayan, maayos na!" sabi niya saka muling ibinalik si Pooh kay Mandy, "Kiss ko?" paniningil niya.
"Iyon ba talaga ang bayad?" Kinakabahang tanong ni Mandy.
Tumawa si Aron at naupo sa couch na nasa harapan ng dalaga, "Biro lang, matulog ka na, 'di ba inaantok ka pa?"
"Hmp!"
Napatingin si Mandy kay Pooh, ang cute na nito tingnan.
"Masaya ka na?"
"Oo, salamat sa pag-ayos sa mata ng baby Pooh ko," pasalamat niya at niyakap ito saka ngumiti.
Mataman na pinagmasdan ni Aron si Mandy. Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi ito ang ugali niya nang una niya itong makilala at makita. Bibo ito, palangiti at palakaibigan. Lamang, sumobra lang.
"Ano ba, Sky! Hahaha!" tili ni Mandy habang naghahabulan sila sa playground.
Nakatingin lang si Aron sa kaniya. She's the most beautiful girl sa mga batang kalaro nila. Tila isang manika ito sa maalong buhok na bumagay sa maliit
at maamong mukha.
"Aron, ayaw mo bang makipaglaro?" tanong ni Black.
"Dito lang ako," sagot ni Aron. Mas gustuhin niyang maupo at pagmasdan si Mandy mula sa swing na inuupuan niya.
Napansin niyang palapit ito sa kaniya kaya nahihiya siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Bata pa lang siya pero alam na niyang crush na niya ito. Ang cute naman kasi ni Mandy.
" Hi!" masiglang bati ni Mandy, "Laro tayo!" Ngumiti si.Mandy kaya napatulala si Aron. Mas maganda ito kaysa sa malapitan at ang cute kapag nakangiti.
Nagulat siya nang inagaw nito ang at itinapon sa malayo. "Kapag kinakausap kita, sumunod ka!" naiinis na sabi ni Mandy kaya kaya sumingkit ang mga mata ni Aron at napatingin sa bolang nasa malayo na.
"Nakatulala ka na diyan?" Napapitlag siya nang magsalita si Mandy.
"Inaantok ka naman kaya uuwi na lang muna ako, saka na lang tayo mag-practice o 'di kaya'y ikaw na lang mag-practice. Sa mababaw ka lang para hindi malunod o 'di kaya ay isama mo si Tito Oliver para hindi ka malunod."
"Hindi mo na ako sisingilin ng kiss?" Kung siya ang tatanungin, nawalan na rin siya ng gana dahil sa sama ng loob niya rito.
Tumayo si Aron saka lumapit sa kaniya.
"A-Ano ang gagawin mo?" natarantang tanong ni Mandy at napahiga sa kama nang itinulak ni Aron.
"Gusto ko pa rin ng kiss," wika ng binata at pagapang na ipinantay anv mukha kay Mandy.
"B-Baka puwedeng i-pera ko na lang?" tanong ni Mandy pero nakatukod na ang mga kamay nito at iniharang ang malaking katawan kaya hindi siya makabangon.
"Gusto ko pa rin ng halik," wika ni Aron at napatitig sa mukha ni Mandy. Ngayon lang niya ito natitigan ng malapitan. "Close your eyes, Mandy," bulong niya. Kahit nag-aalinlangan, pumikit ang dalaga. Alam niyang para kay Mandy, experience lang ang halikan nila pero para sa kaniya, iba. At alam niya kung ano iyon pero ayaw lang niyang aminin.
Maingat na hinaplos niya ang pisngi nito. Para itong batang Mandy na unang nakilala niya, masayahin, mabait, maganda at nagpatibok ng batang puso niya.
Napapikit din siya at marahang inilapit ang mga labi sa labi ng dalaga.
Nang maglapat ang mga labi niya sa mainit na mga labi ng dalaga, agad na binawi niya ang sarili at napatayo kaya napamulat ang dalaga.
"Iyon lang 'yon?" disappointed na tanong ni Mandy at naupo. Ne wala man lang siyang naramdaman.
"Oo, uuwi na ako. Matulog ka na," sagot ni Aron. Sarap tirisin ng kaharap. Wala lang talagang impact dito ang halik niya. Kahit wala ngang one second, may naramdaman siya. Kaya nga binawi na niya kaagad. Nakakabuwesit lang ang ugali ni Mandy. Tumalikod siy at naglakad patungo sa pintuan.
"Aron? Ang polo mo, wala nang butones," sabi ni Mandy dahil nakikita na niya ang dibdib nito.
"Okay lang, ang mahalaga, naayos na ang mata ni Pooh mo," sagot ni Aron at binuksan ang pinto saka lumabas. Habang pababa siya sa hagdan, napangiti siya.