42-43

1.9K 72 0
                                    


OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 42-43

Unedited...
"Hindi mo ako matatakasan!" galit na sabi ni Mandy at hinila ang mahabang buhok ng bababeng nakabangga niya.
"Aray!" daing ng babae.
"Huwag mo akong iaray-aray! Putulin ko 'tong buhok mo e!"nanggigigil na sabi niya. Sa height niyang 5'7" nagmumukhang bata ang kalaban niya sa taas nitong 5 inches.
"Tama na!" wika ng babae.
"Tatanga-tanga ka kasi! Luhod sa harapan ko!" Utos ni Mandy at binitiwan ang buhok nito saka namewang.
"Sorry na," paumanhin ng babae.
"Ah, hindi ka luluhod?"
Napayuko ang dalaga. Hindi lang kasi nito alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya bilang working student.
"Hael!" wika ni Lee Patrick at pumagitna sa dalawa, "Ate Mandy, ano po ang kasalanan niya sa 'yo?"
"Tatanga-tanga siya! Umalis ka nga at ingudngod ko 'yan!" galit na sabi niya. Tumilapon ang lahat ng librong bitbit niya nang mabangga ni Hael.
"Ate, ako na po ang bahala kay Hael," kalmadong sabi ni Lee Patrick.
"Ikaw ang bahala? Bakit? Katawan mo ba ang nabangga niya? Lumuhod ka sa harapan ko!" sabi ni Mandy sabay turo sa paanan niya.
"P-Pasensiya na talaga, pagod lang ako," mahinang paliwanag ng babaeng kaklase ni Lee Patrick.
"Luhod!" sigaw niya na walang pakialam sa paligid.
"Ano ang problema rito?"
Napalingon sila sa nagsalita, si Aron.
"Kuya, si Ate kasi, hindi naman po sinasadya ni Hael," sumbong ni Lee Patrick kaya pinandilatan siya ni Mandy.
"At ako ang bumangga, gano'n?" pagtataray ni Mandy. Heto na naman sa facial expression niya na para bang manlapa ng tao.
"Humingi naman yata sa 'yo ng sorry," sabi ni Aron.
"Dapat na lumuhod siya!" giit ni Mandy.
"Kapag ba lumuhod siya, okay ka na? Does it make you happy?" Aron asked.
"No!" she answered.
"E ba't paluluhurin mo pa? Mandy naman, palampasin mo na," sabi ni Aron.
"Palibhasa sanay kang pinapalampas ang nagkakasala sa 'yo!" pagsusungit ni Mandy at si Aron na naman ang hinarap, "Kakampi ba kita o hindi?"
Napabuntonghininga si Aron, heto na naman sila. Mag-uumpisa pa lang ang araw pero inumpisahan na ni Mandy.
"Wala akong kinakampihan basta alam kong mali, mali!" sagot nito, "Lee, umalis na kayo ng kaklase mo."
"Talaga, Aron? E di sana, alam mong mali rin si Bakeshop sa buhay mo!"
"Paano napunta si Julie sa usapan?"
"Trip ko lang, bakit ba? Huwag mong sabihin, nasasaktan ka pa kapag marinig ang pangalan niya?" sagot ni Mandy.
"Napaka-irrelevant na ng topic, Mandy. Halika na, ihatid na kita sa classroom ninyo." Hinawakan niya si Mandy sa braso at hinila patungo sa classroom nila.
"Dahan-dahan lang, masakit!" Nagpupumiglas si Mandy pero ayaw siyang bitiwan ni Aron. "Bitiwan mo ako! Masakit!" singhal ni Mandy kaya napapatingin na naman ang mga estudyante sa kanila. Ganito kapag sabay silang maglakad, nakakagawa talaga ng eksena kaya binitiwan na lang ni Aron.
"Ang sakit mo talagang humawak! Ganiyan ka ba sa mga naging kasintahan mo?" reklamo ni Mandy at hinimas ang namumulang braso. Palagi na lang siya nitong hinahatak.
"Sorry, ikaw lang kasi ang hindi nagpapahila sa akin," paumanhin ni Aron. Hindi naman niya sinasadya na mapadiin ang pagkahawak kay Mandy.
"Kaya ka iniwan ni Bakeshop kasi ganiyan ka!" panunuya ni Mandy.
Tumahimik si Aron at sinabayan ang dalaga sa paglalakad.
Mayamaya pa'y naramdaman niya ang kanang kamay ni Mandy na pumulupot sa kaliwang braso niya.
"Ganito dapat humawak, dapat gentle!" sabi ni Mandy.
Napayuko si Aron sa dalaga na nasa unahan ang mga mata pero ang mga kamay ay sa braso pa rin niya na para bang nakagawian na nito ang ganitong gawain. Hindi niya mapigilang mapangiti habang naglalakad sila. Para siyang isang prinsipe na tagapagtanggol ng kaniyang prinsesa.
"Aron ko? Hatid mo 'ko mamaya?" tanong ni Mandy at tumingala sa kaniya kaya nagtama ang kanilang mga mata pero mabilis na umiwas siya. "Bakit namumula ang mukha mo?" nagtatakang tanong ng dalaga.
"Wala," tipid na sagot niya.
"Ihahatid mo ako?" ulit ni Mandy, "O papayag akong si Liam ang maghahatid sa akin?"
"Ako ang maghahatid sa 'yo!" mabilis na sagot ni Aron, "Huwag ka ngang sumabay palagi sa lalaking 'yon! Huwag mo na ring tanggapin ang mga binibigay niyang sapatos!"
"Hala!" Tinanggal ni Mandy ang mga kamay sa braso ni Aron at naningkit ang mga mata, "Hindi puwede! Huwag ang sapatos ko!"
Tumigil si Aron at hinawakan ang magkabilan balikat niya at nakipagtitigan sa kaniya.
"Makinig ka sa akin, itigil mo na ang pagsama palagi kay Liam, okay?"
"Ayoko!" parang batang sagot ni Mandy.
"Huwag ka nang makipagkita sabi!" Medyo tumaas na ang boses niya. Ayaw lang niyang makakuha na naman ng atensiyon kaya pigil na pigil ang boses.
"Bigyan mo 'ko ng shoes, titigil na ako!" nakangiting sabi ni Mandy at hindi pinansin ang mukha ni Aron.
"Wala kang matatanggap na sapatos mula sa akin!"
"Hmm? E di wala. Alam ko namang kuripot ka! Ang cheap mo pa magbigay ng regalo!" reklamo ni Mandy na salubong ang mga kilay.
Napasulyap si Aron sa kanang kamay nito. Ngayon lang niya napansin na suot pala nito ang bigay niyang bracelet.
"E bakit sinusuot mo?"
"Ito ba?" tanong ni Mandy na itinaas pa ang kamay tapos ipinulupot na naman sa braso ni Aron at ipinagpatuloy nila ang paglalakad.
"Oo, akala ko ba ayaw mo sa mumurahin lang?"
"Alam mo naman pala, bakit mo ako binigyan?" balik-tanong ng dalaga.
"Bagay sa 'yo. Wala kasing love sa buhay mo," sagot ni Aron, "E, bakit mo sinuot?"
Tinaasan niya ng kilay si Aron, "Gusto ko lang kasi may love!"
"Good!" Tinap niya ang ulo ni Mandy, "Basta iwasan mo na si Liam."
"Bakit?" tanong ng dalaga at nilagpasan sina LL na nakaupo sa labas ng classroom nila.
"Kasi boyfriend mo ako kaya sundin mo ang gusto ko!"
Tumingala siya kay Aron na mukhang seryoso sa sinabi.
"Boyfriend na ba kita?"
"Oo. Ikaw naman ang nag-anunsiyo!"-Aron.
"E, bakit hindi ka nanligaw? Ang bilis naman yata?"
"Relasyon naman ang pinapatagal, hindi ang panliligaw," depensa ng binata, "Mayroon nga diyan, ang tagal ligawan tapos sa huli, maghihiwalay rin pala, sayang ang time."
"Hmm? May naalala ka?" pang-aasar ni Mandy. May hugot e.
"Wala!"
Dumating na sila sa classroom niya kaya ginawaran niya ng halik sa pisngi si Aron bago pumasok. Nagtatanong ang mga mata ng mga kaklase niya pero wala siyang pakialam.
Matapos ang klase, dumiretso siya sa tambayan dahil kanina pa siya nagugutom.
"Saan ang kuya mo?" tanong niya kay Jairah.
"Ewan ko."
"Tawagan mo!" Utos niya.
"Para ano?" pagmamaldita ni Jairah na mukhang badtrip.
"Galit ka?" Mandy
"Hindi! Huwag mo nga akong kausapin!" Jairah
"Kung badtrip ka, huwag kang mandamay! Huwag mo akong malditahan! Naninira ka ng araw!" sumbat ni Mandy at padabog na tumungo sa kusina para kumain.
Matapos kumain, nagpahinga muna siya sa silid. Nang ala una 'y medya ay lumabas na siya.
"Manang, nakapunta ba si Aron?"
"Wala, hinihintay ko nga siya para makapagligpit na," sagot nito kaya lumabas na si Mandy at pumunta sa first subject ngayong hapon.
Tinawagan niya si Aron pero patay ang cellphone nito.
"Uwian na, wala pa siya?" bulong niya nang paglabas ay hindi nakita ang kahit anino ng binata, "Ano'ng klaseng boyfriend siya?"
Nang malapit na siya sa elevator, nasalubong niya ang kasama nito sa swimming team.
"Nasaan ang hinayupak na kaibigan mo?" tanong ni Mandy.
"Sa labas ng school campus, may ginagawa na school project daw. Hindi nga nag-practice," sagot nito.
"Saang labas? Sa gilid o gitna ng kalsada?" pagmamaldita nito kaya natawa ang kausap. "Huwag kang tumawa, seryoso ako! Pahiram ng sasakyan at nang masagasaan para mawalan na ng tanga sa mundo!"
Gigil na gigil talaga siya. May usapan sila pero mukhang nakalimutan siya nito.
"Sa coffee shop diyan sa kaliwang kanto," sagot nito nang mapunang hindi nga nakipagbiruan ang dalaga.
Tinalikuran siya ni Mandy at pumasok sa elevator. Habang palabas ng gate, nakasalubong niya si Jacob.
"Saan ka po pupunta, Ate Mandy?"
"Mamugot ng ulo ng mga tanga!" sagot ng dalaga saka malalaki ang hakbang na tinungo ang sinasabi nitong coffee shop.
"Good afternoon, Ma'am!" magalang na bati ng guard.
"Sa mukha kong ito,sa tingin mo po, maganda ang hapon ko?" pabalang na sagot ni Mandy kaya napakamot sa ulo ang guwardiya. Hindi nga talaga maipinta ang mukha nito. Sayang, ang ganda pa naman sana.
Napatingin si Mandy sa pinakadulong mesa dahil sila lang ang maiingay.
"Ano'ng oras na, pare?" tanong ni Aron.
"Alas kuwatro na," sagot ng kaharap na nakatingin sa relo.
"Ah, mauna na ako, susunduin ko lang si Mandy," paalam ni Aron. Ang alam niya ay alas kuwatro 'y medya pa ang uwian nito.
"Mamaya na, inuman muna tayo," sabi ng babaeng kaklase nila at hinawakan pa siya sa braso sabay pisil.
"Huwag--" natigilan siya. Muntik ma siyang atakihin sa puso nang makita si Mandy sa likuran ng kaklase niya na nakaharap sa kaniya
Salubong ang mga kilay, naniningkit ang mga mata at walang pakialam sa bangs niya.
"Ikaw! Gusto mo bang makipagsuntukan?" Turo ni Mandy sa babaeng katabi ni Aron at inambagan ng suntok. Kahit payat siya, patay ang babaeng 'to kapag suntukan anvg labanan.
"Huwag kang manggulo sa teritoryo ko, Mandy!" nakangising sabi nito. Siya ang may-ari ng coffee shop na ito kaya malakas ang loob niya dahil sa mga tauhang sa paligid.
"Talaga?" isang nakakasuyang wika ni Mandy.
"Yes, ako ang may-ari ng coffee shop na ito kaya huwag mong dalhin ang tapang mo rito! Wala ka sa teritoryo mo!"
Ang mga lalaki ay nakatingin sa kanila at naghihintay ng maaksiyong bakbakan. Fighter din ang kaklase nila. Leader ito ng isang sorority kaya hindi rin magpapatalo.
"Dadalhin ko ang tapang ko kahit saan ako magpunta! Teritoryo ko man o hindi!" sagot ni Mandy at nakipagtagisan ng tingin sa kaharap. Tumayo si Aron at lumapit kay Mandy.
"Lumayas ka! Wala ka sa lugar para magmatapang-tapangan!"
"Ikaw ang lumayas sa teritoryo ko!" singhal ni Mandy kaya napahawak si Aron sa braso ng dalaga. "Bitiwan mo ako, Aron! Kanina pa kita tinatawagan!" Sinipa ni Mandy ang mesa kaya napatayo ang mga kaklase ni Aron. Ang mga crew ay lumapit sa kanila.
"Wala kang propyedad dito! Huwag kang assuming dahil hindi ito sakop ng CTU!"
"Sige!" pagbabanta ni Mandy, "Subukan ninyong lumapit at mawawalan ng papeles ang sorority ninyo at mapatalsik kayo sa CTU!" pagbabanta ni Mandy sa mga kasamahan nitong nasa kabilang table.
"Mandy, tara na," yaya ni Aron.
"Akala mo, pagmamay-ari mo ito?" galit na sabi ng babae at tinawag ang guwardiya, "Pakihatak palabas ang eskandalosang babaeng ito!"
"Huwag na! Kaya kong lumabas!" pagpigil ni Mandy sa guwardiya.
"Mabuti! Bago pa ako tumawag sa mga pulis! Tresspassing ka!"
"Baka ikaw?" sabat ni Mandy na tinutulak si Aron, "Tresspassing ka rin sa pagmamay-ari kong impakta ka!" singhal ni Mandy.
"Wala kang pagmamay-ari rito!"
"Meron!" giit ni Mandy. Gustong tumakbo ni Aron dahil sa kahihiyan na naman dahil sa dalaga. Hindi ba puwedeng huminahon naman ito kahit minsan lang?
"Wala!"
"Meron! Si Aron! Legal property ko siya kaya bawal hawakan dahil kakasuhan din kita ng tresspassing!" taas noong sagot ni Mandy. Kanina pa nito pinapainit ang ulo niya!
"M-Mandy, halika na!" Sapilitang hinatak ni Aron si Mandy palabas ng coffee shop pero hindi siya galit dito. Nawala na ang inis niya dahil sa sinabi ng dalaga. Siya ang tipo ng taong prangka sa lahat ng bagay at hindi aware sa mga sinasabi, may masagasaan man o wala. She's been a careless woman. At least, she takes him as her!

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon