Unang araw ng klase, naunang pumasok sina Rowena at Troy dahil sa kanilang responsibilidad bilang president at vice president
"Woah! Ito na ba ang room natin?" bungad na tanong ni Troy pagkapasok sa room nang makita ang makatumbang mga mesa at upuan, bintana na gawa lamang sa tagpi-tagping screen at lumang pintuan, idagdag mo pa ang maalikabok na paligid at masangsang na amoy
"Oo, ito na nga yun," sagot ni Rowena at inumpisahan nang magtayo nang upuan nang may biglang pumasok sa silid
"Hello guys! I'm Christian Peregrino, at your service!" pagpapakilala ni Christian
"Hi Christian, dahil nandito ka na naman, pwede mo ba akong tulungan sa paglilinis?" pag-uutos ni Rowena
"Sige po ba! Like what I've said, I'm Christian Peregrino, at your service!" sagot ni Christian at inumpisahan na rin ang pagtatayo ng mga upuan
"Rowena, meron ka na namang kasama, labas lang ako, hihiram ng mga panlinis ng room sa mga kabilang kwarto, malayo pa naman ang mga rooms sa room natin," pagpapalam ni Troy na agad namang sinang-ayunan ni Rowena
Habang ipinagpapatuloy nila ang paglilinis, naagaw naman ang atensyon ni Christian ang isang babaeng hindi mapakali sa may pintuan
"Excuse me miss, dito ka rin ba?" tanong ni Christian sa babae
"Yah," matipid na sagot ng babaeng si Chelsea
"Bakit di ka pa pumasok?" medyo iritang tanong ni Christian
"Eew! This room? Yuck! Its so messy kaya! Look, napaka-smelly pa ng surroundings!" maarteng sagot ni Chelsea
"Kaya nga po naglilinis diba? Baka gusto mo rin kaming tulungan sa paglilinis?" sarkastikong sagot ni Christian
"Me? Maglilinis? Duh? Over my dead sexy and hot body! Wala ang word na paglilinis in my vocabulary!" pagrereklamo ni Chelsea
"Miss? bakit ka pa pumasok dito kung mag-iinarte ka lang? sana nag-private school ka na lang!" inis na sigaw ni Christian kay Chelsea
"Oh, Christian, tama na yan. Heto na yung mga panlinis oh," sabi ng kararating na si Troy at inabot ang mga panlinis, kinuha naman ni Christian ang walis at inabot kay Chelsea
"Oh, What's this?" tanong ni Chelsea
"Hotdog yan! kainin mo nang tumigil yang bunganga mo!" sarkastikong sagot ni Christian
"Christian, tama na yan! Hayaan mo na kung ayaw nya maglinis," pagpigil ni Rowena
"Kung hindi sya maglilinis, eh sino?" tanong ni Christian
"Ako!" sagot ng kapapasok pa lang na babae
"Oh, buti pa si ate, anong pangalan mo ate?" tanong ni Christian sa babae
"I'm Diana Della! How about you?" mabait at mahinahong sagot ni Diana
"Hi, I'm Christian, at your service!" sagot ni Christian at nakipagkamay kay Diana, inumpisahan naman ni Diana ang pagwawalis nang may pumasok na babae, dumiretso ang babaeng si Esteph sa pinakalikod at umupo sa sulok, sumunod naman si Joseph na napaka-bully, inuna nyang biniktima ang nagwawalis na si Diana
"Hoy, sipag ah! Wag ka ngang masyadong masipag! Alam mo ba na ang taong masipag, paglaki katulong? Bakit hindi mo ako gayahin? Tamad nga, pero magiging future boss!" pagmamayabang ni Joseph
"Naku, malayong mangyari yun kuya!" sagot ni Diana
"Paano mo naman nasabi?" tanong ni Joseph
"Dahil mamamatay ka na bago pa mangyari yun, mamamatay ka dito, mamamatay tayo dito! Walang makakaligtas!" mahinahon pa ring sagot ni Diana
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
TerrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...