Sweet as Sugar, Cold as Ice

1.5K 38 13
                                    

Rowena's POV

Hindi na muna kami pumasok nina Troy at Christian dahil hinahanap namin sina Lito at Zandrex dahil bigla na lang silang nawala. Naghiwa-hiwalay naman kami para mas mapabilis ang paghahanap. Pero pinili ni Christian na samahan ako dahil masyado daw delikado ang gubat para sa akin na babae lalo na't mag-isa ko. Aangal pa sana ako na kaya ko nang mag-isa pero mapilit ito.

Nakadalawang oras na kami pero ni isa sa kanila eh wala pa kaming nakikita. Pinili naming maupo muna sa nakatumbang puno ng niyog para magpahinga

"Nakakapagod! Ang layo na natin! Alam mo pa ba daan pabalik?" tanong ko kay Christian

"Opo naman po! Diba po lahat ng nadadaanan natin eh pinuputol ko ang sanga? Yun na lang po ang guide natin pabalik." sagot naman nito

"Grabe, ang layo na talaga natin! Baka langit na ang dulo nito." dagdag pa nya

"Pero feeling mo, posible kayang dito sila pumunta? O kung makakarating sila dito?" tanong ko sa kanya na parang nawawalan na ng pag-asa

"Ate, di malayo! Kaya tara na, bago pa man tayo abutan ng gabi." sagot ni Christian at nagsimula nang maglakad

"Over? 11 pa lang yata eh!" sabi ko sa kanya at sinundan na sya sa paglalakad

Sa kalagitnaan ng paglalakad, nakakita na lang kami ng usok sa di kalayuan kaya nakutuban na kami na baka sina Lito at Zandrex na yun na naabutan ng killer. Baka kung ano nang ginawa ng killer kaya agad kaming tumakbo papunta dito.

Sakto namang nakasabay naming pumunta doon si Troy na tumatakbo rin. Nakita namin sa malapit sa bahay si Lito na nakaupo habang humahagulgol kaya nilapitan namin ito, hinawakan naman ni Troy ang balikat nito kaya napalingon ito sa amin

"Lito, ayos ka lang ba? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya pero umiyak lang ito at niyakap kami

"Shh, tama na. Ano bang nangyari?" tanong ko ulit

"(hikbi) S-s-si (hikbi) k-ku-kuya (hikbi)..." sabi lang nya at tinuro yung bahay na nilalamon ng apoy

"NASA LOOB SI ZANDREX???" gulat na tanong ni Christian

"Op-op-op-op-opo (hikbi)(hikbi)(hikbi)" napansin kong hirap pang magsalita si Lito at halatang may trauma pa sya sa nangyari kaya naisipan kong ibalik muna sya sa subdivision. Pero habang naglalakad kami, pilit pa rin ni Lito na bumalik sa bahay habang sumisigaw ng 'kuya'

Kahit papano, nakarating rin kami ng bahay ng ligtas kahit na kawag ng kawag si Lito. Pinainom na namin sya ng mainit na gatas para mahimasmasan

"So anong nangyari?" tanong ni Christian

"Yun na nga po, ako po yung unang nahanap ni Troy. Habang naghahanap po kami ay hinabol na lang po kami ng malaking baboy ramo. Sa sobrang taranta po namin ay nagkahiwalay kami ng daan. Pero buti nga po at sa pinuntahan ko nandun si kuya Drex. Papauwi na po sana kami nang may makasalubong kaming clown na may dalang malaking lubid. Pareho nya kaming nahabol pero di nya kami nagawang itali ng sabay. Nakatakas po ako kaya si kuya Drex lang ang biniktima nya. Pumasok po sila sa bahay na yun kanina. Sa may bintana po sila dumaan kase nga po nakalock diba Troy? Tas yun, pinilit kong pumasok sa bintana pero di ko namalayan na sa pinto na pala sa harap sya dumaan. Sinunog nya ang bahay... SINUNOG NYA ANG KUYA KOOO!!!" sigaw ni Lito at bumuhos ulit yung luha nya

"Wag ka nang umiyak. Ayos lang yan. Sorry wala akong nagawa kanina para tulungan ka, para tulungan kayong magkapatid. Kasama na nga kita kanina napabayaan pa kita." sabi ni Troy. Tumingin naman si Lito ng masama kay Troy

"Wag umiyak? Wag umiyak ha Troy? Namatay ang kuya ko! Sinunog nila ng buhay! So anong gusto mong gawin ko? Magtatalon sa tuwa? Yun ba ang gusto mo Troy ha? Yun ba? Ayos lang naman sayo yung nangyari kase hindi ikaw ang nawalan at lalong hindi ikaw ang namatay! SANA IKAW NA LANG ANG NAHULI NG KILLER! SANA IKAW NA LANG ANG NAMATAAAYYY!!!!" sigaw ni Lito at tumakbo na palabas. Agad naman namin itong sinundan dahil baka kung anong mangyari sa kanya. 

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon