Revealed

1K 21 10
                                    

Chris' POV

Labis na nagluluksa ang buong klase sa pagkamatay ng ilan sa aming mga kaklase, lalo na sina kuya Derrick, kuya Lester at kuya Jayson

"Wala man lang akong nagawa!" sigaw ni kuya Lester at sinapo ang ulo.

"67." sagot naman ni kuya Jayson

"URGH!!! Bakit wala man lang akong nagawa! Bakit wala akong ginawa?" sigaw ulit ni kuya Lester

"68, 69. Bingo!" sigaw ulit ni kuya Jayson kaya this time ay binatukan na sya ni kuya Derrick

"Ano bang pinagsasasabi mo Jayson? Umayos-ayos ka nga! Ano bang bingo?" tanong ni kuya Derrick

"Wala, binibilang ko lang kase kung nakakailang sabi na si Lester na wala syang nagawa. Bakit mo ba kase sinisisi sarili mo Lester? Wala kang kasalanan sa nangyari! Itanong mo pa sa mga readers!" -kuya Jayson

"Paanong hindi ko sisisihin ang sarili ko eh wala nga akong nagawa! Nandoon ako sa area na yun, magkasama kami sa oras na yun pero wala man lang akong nagawa!" Nasapo na naman ni kuya Lester ang ulo nya sa sinabi

"Tanga ka pala eh! Sabi mo na nga na pareho kayong nawalan ng malay edi talagang wala kang magagawa! Ano yun? Walking dead? Walking unconscious?" sarcastic na sagot ni kuya Jayson. 

"Sige, never mind. Maiba tayo, ano nang ganap sa dare ninyo?" tanong ni kuya Lester kaya naman nagkatinginan sina kuya Derrick at kuya Jayson

"Ano? Wala pa kayong nagagawa? Natapos na namin na halos ipinahamak namin sa mga dare namin pero kayo wala pa kayong nagagawa? Ano to? Lakohan? Utuhan?" sabi ni kuya Lester habang nakangiti ng pilit

"Ah, sige. Pupunta na ako sa bahay nila Allysa ngayon na. Pakisabi na lang kay sir mamaya Chris na sumama pakiramdam ko." sabi na lang kuya Jayson at umalis na. Sakto namang paglabas nya ay nakasalubong nya si sir

"Oh Jayson, anyare? Saan ka pupunta?" tanong ni sir

"Sorry po sumama pakiramdam ko." sabi na lang nya at umalis na

"Guys, magkakaroon po ako ngayon ng Operation: Remove Salakot From Killer's Head! Ngayon po, lahat ng tao sa buong classroom na ito ang aking suspects. So if you mind, akin na lahat ng mga gadgets, flash drive, cellphone kung kung anumang pwedeng source ng patayan! Ang hindi magbibigay ay guilty! Wag kayong mag-alala at ibabalik ko rin agad mamayang hapon." sabi ni kuya Derrick at isa-isa nang kinuha ang mga gamit namin.

"Pag may nakita akong porn dito sa gamit mo hindi na ako magdadalawang-isip na i-download sa cellphone ko." bulong pa ni kuya Derrick kay kuya Lester

"As if naman na may makikita ka dyan!" sagot naman ni kuya Lester

"Hahaha, akala mo hindi ko alam na may mga picture ka ni Jessy Mendiola sa cellphone mo?" sabi na lang ni kuya Derrick at umalis na. Pati si sir pala ay kinuha nya ang laptop at cellphone kaya naman nakihiram pa kami kay ma'am Mara ng laptop at marami rin namang movie doon na pwedeng pagpilian.

Jayson's POV

Nandito na ngayon ako sa tapat ng bahay nila Allysa. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa mga magulang nya at kung paano ako makakakuha ng gamit nya. Nilakasan ko na lang ang loob ko para makapag-doorbell. Lumabas naman mula sa may pinto ang isang may edad nang babae na namamaga pa ang mata na halatang kakatapos lang umiyak

"Oh Jayson, napadaan ka?" yeah, tama po. Kilala po ako ni tita. Lagi po kase kami ditong apat dati noong buhay pa si Allysa. Alam kong ayaw sa ni tita si Lester para kay Allysa. Sa katunayan nga ako ang gusto nya para sa anak nya. Yun ang bukambibig nya noon.

'Ang yabang mo Lester, buti pa si Jayson'

'Bakit ba Allysa at pumatol ka sa lalaking ito? Pwede namang si Jayson na lang ah!'

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon