Present time, Mortem
Kyle's POV
Bakit pa sya nandito? Matagal ko na syang kinalimutan! Bakit kailangang magpakita ulit sya kung kailan masaya na ako. Oo, hanggang ngayon mahal ko pa rin sya. Pero bakit?
"Miss me, Kyle? Ang bilis mong makahanap ng iba ah!" sabi sa akin ni Queenie sabay tingin kay Allysa
"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya
"Masama ba? Binabawi na kita!" sagot nya
"Please not now Queenie!" sabi ko at tumalikod na
"So later na lang? Okay, enjoy packing your things up! I'll be waiting!" hindi ko na sya pinansin at nagtungo na ako sa bahay namin. Sakto namang papasok na ako, papalabas na si kuya Drex
"Kuya Drex halika muna." bulong ko sabay hila sa braso nya
"Oy teka teka! Saglit! Ouch, yung paa ko! Sandali nga!" reklamo nya habang hinihila ko sya paakyat ng hagdan. Pumasok naman ako sa kwarto at ini-lock yun. Tamang-tama walang tao ngayon dito sa kwarto
"Uy, Kyle! Anong ibig sabihin nito? Uy, virgin pa ako! At oy, magkapatid tayo! Wag mo akong gahasain Kyle parang awa mo na! Kahit lalaki ako mahalaga pa rin sa akin ang virginity ko!" nagulat naman ako sa pinagsasabi nya kaya binato ko sya ng upuan. Totoo, binato ko talaga sya ng upuan.
"Oy grabe ka! Ang harsh mo! Ikaw kaya batuhin!" sabi nya at binato ako pabalik ng upuan.
"Ano ba!!! Nasa labas yung ex ko!" sigaw ko sa kanya
"Sino? Si April? Ano naman? Dati pa naman tayong magkakasama diba?" tanong nya
"Hindi sya." sabi ko naman
"Eh sino? Si Allysa?" tanong ulit nya
"Hindeee! Yung ex ko noong elementary. Nandito sya." sigaw ko sa kanya
"Elementary? May girlfriend ka na? Astig mo ah! Tsaka pakialam ko naman sa kanya? Kilala ko ba sya? Tsaka ano naman kung nandito sya? Edi welcome sa cursed Academy!" sarkastiko nyang sagot kaya naman ibinato ko ulit sa kanya yung upuan.
"Seryoso kase! Akala ko ba ang kuya karamay sa lahat? Nandito sya ngayon at balak akong balikan!" sigaw ko sa kanya. Natigil namn sya sa sinabi ko. Pero bigla naman syang tumawa pagkatapos.
"Hahahaha! Grabe, haba ng hair! Ang tindi mo tol! Babae pa talaga ang babalik sayo? Aba bakit namromroblema ka? Bakit, mahal mo pa?" natigil naman ako sa sinabi nya. Tumango naman ako ng dahan-dahan habang nakayuko.
"So ano nang balak mo ngayon?" narinig ko naman ulit sa kanya ang sincere na kuya tone kaya lumapit na ako sa kanya
"Hindi ko alam. Mahal ko sya pero ayokong masaktan si Grace. Nangako ako sa kanya na mamahalin ko sya. Kuya, anong gagawin ko?" tanong ko sa kanya. Saglit naman syang nag-isip tsaka ako tinignan.
"Ganito na lang Kyle, sino ba ang mas matimbang sayo? Yung ex mo na minahal mo, o yung girlfriend mong mahal mo?" tanong nya sa akin
"Oo, mahal ko pa rin hanggang ngayon si Queenie, pero ayaw ko ngang masaktan si Grace kase nga mahalaga rin sya sa akin. Nangako ako sa kanya na hindi ko sya iiwan!" sagot ko
"Kay naku kapatid! Alam ko na ang sagot. Gaya nga ng sabi mo, ayaw mong iwan si Grace dahil nangako ka sa kanya at ayaw mo syang masaktan. Simple lang, hindi mo mahal si Grace. Awa ang nararamdaman mo at hindi pagmamahal. As simple as that. Halata sa galaw at pananalita mo kanina na mahal mo pa nga ang ex mo. Hanggang dyan lang ang kaya ko pang sabihin sa ngayon. The rest, bahala ka nang magdesisyon. Nasa iyo rin ang kapalaran mo kung itutuloy mo pa ba ang relasyon mo kay Grace, o babalik ka na sa ex mo. It is either do or die kapatid. Bye. Labas lang ako." sabi nya at lumabas na. Naiwan naman akong mag-isa sa kwarto pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...