Wag kang Lilingon

1.5K 27 14
                                    

Based on the movie of Anne Curtis, Wag kang lilingon. But correction, hindi ko po kinuha ang buong idea ng kwento. Kumuha lang po ako ng ilang lines at alam nyo na po siguro yun? Hahaha. Wag Kang Lilingon with matching Wrong Turn twist. Naisip ko nga na sana paghaluin na lang yang dalawang title na yan para sa title ng chapter na to - Wrong Kang LiliTurn!!! K, waley! Hahaha, ge na nga, ituloy na sa kwento...

Judy Ann's POV

Nagising na lang ako kaninang umaga dahil sa maingay na labas. May nagsisigawan sa labas. Akala ko ay nag-aaway kaya dali-dali akong lumabas. Paglabas ko, nakita ko ang mga kasama kong lalaki na tumatakbo na may dalang timba. Sakto namang tumatakbo si Zandrex sa harap ko kaya hinila ko yung braso nya

"Hoy, anong ganap? Bakit anong meron sa tubig? Naubusan na ba ng tubig ang ilog natin at kailangang i-refill?" tanong ko sa kanya

"Ano ba Judz! Hindi ngayon ang tamang oras para makipagbiruan! Nasusunog ang kotse nila Ron kaya kailangan na namin itong maapula agad. Tumulong ka na ring magbuhat ng mga timba." sabi ni Zandrex

"Mukha mo! Itong liit kong ito! Kaya nga di na ako lumalaki eh!" sinimangutan na lang nya ako at umalis na

Dahil sa curiosity ko, pumunta ako sa labas hindi para tumulong. Pumunta lang ako sa tabi at pinanood silang maaligaga. Pakialam ko sa kanila? Bagong gising lang ako at ayoko munang makigulo sa kanila. Nakita kong halos maihiwalay na ang mga braso ng mga lalaki mula sa balikat nila dahil sa naglalakihang timbang dala nila. Adrenaline yata tawag dun. Pero ang nakaagaw ng pansin ko, itong si Vina na sigaw ng sigaw. Pero hinayaan ko na lang. Umagang-umaga nakakarindi! Tas nakita ko rin si ate Rowena na yakap-yakap si Hanna yata pangalan nung bata? Umiiyak ito na parang natatakot.

Makalipas ang ilang minuto, naapula na ang apoy at napaupo na lang ang mga nagbuhat ng mga tubig. Ako napaupo na rin. I mean, nakaupo pa rin. Lalo namang naiyak si Hanna at napaiyak na rin si Vina nang makitang yung base na lang ng kotse ang natira. Lalo na si Gil na napasuntok na lang sa poste. Si Allan naman ay napa-facepalm na lang at hetong si Ron ay mangiyak-ngiyak na rin. Ako, natawa na lang kase alam ko nang ibig sabihin nito. 

"Urgh!!! Kung tinatamaan ka naman talaga ng malas oh!" sabi ni Gil na ngayon ay napaupo na sa sahig

"Bakit pa naman kase nasunog? Nakakasunog ba ang sobrang liwanag ng buwan?" sarcastic na dagdag ni Allan

"Hindi! Hindi buwan ang may gawa nito. Tao ang may gawa!" heto na naman po tayo. Napatingin naman ang lahat nang magsalita na naman out from nowhere itong si pareng Jorick

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni ate Rowena

"Alam nyo naman siguro ang mga nangyari sa mga kasamahan natin diba? Kina Lyndon, Adrian, Joseph, Angelo, Justine, Chelsea, Esteph, Gemel, Regine, Carlo at Maricar. Alam nyo naman siguro kung gaano kalala ang mga natamo nila!" sagot ni Jorick

"Anong kinalaman nila sa kotse nila Ron?" tanong ko naman sa kanya

"Wala naman, pero diba nga, napansin nyo naman siguro na galit na galit ang killer kaya hindi malayong sunugin nya ang kotse nila Ron at idamay sila sa kanyang paghihiganti." nagulat naman ang lahat sa sinabi nya lalo na ang lima

"Anong ibig mong sabihin? Killer? May killer dito?" tanong ni Allan

"Oo, at hindi lang basta killer! Serial killer clown." sagot ni Jorick.

"Clown na naman? Serial killer? Killer na clown? Ano ba? Hindi ko maintindihan!" sigaw ni Allan na parang nagmamakaawa

"Jorick, tama na! Masyado mo na silang tinatakot." sabi ni Troy at hinila na sya papasok ng gate pero pumalag si Jorick

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon