Chris' POV
Kinaumagahan, nagulat na lang ako nang makita ko sina kuya Gerby at kuya Lester sa room. Yung aura ni kuya Gerby mahahalata mo na may hinanakit pa pero pansin ding pinipilit nyang maging okay. Samantalang si kuya Lester hayun, nasa table namin sa pinakalikod habang nakatingin lang sa bintana. Tahimik lang akong umupo sa tabi ni kuya Lester. Kahit wala akong kinalaman sa dare na ginawa ni kuya Derrick, hindi ko pa rin maiwasang ma-guilty kase naging part rin naman ako nito kahit papano. Inilabas ko na lang ang libro ko at doon isinentro ang atensyon
"Chris?" mahina at walang buhay na pagtawag sa akin ni kuya Lester
"Ano nang resulta ng dare nila Derrick at Jayson? May update na ba?" dahil doon ay napalingon ako sa kanya at nakita ko sa mukha nya na parang nagmamakaawa na ano.
"Ah, eh. Ayos lang! Still kicking ang dalawa." pagpapalusot ko na lang at ibinaling ang atensyon sa libro. Napansin kong ang sama pa rin ng tingin nya sa akin
"Ayos ka lang ba? Nagsisisnungaling ka siguro no?" bigla nyang tanong sa akin with a super serious face. Hala, lagot kang bata ka!
"Ayos lang ako kuya, anubey? Ahaha. At bakit naman ako magsisinungaling sayo? Hehehe." sana naman hindi nya mahalata na nagsisinungaling ako
"Kung nagbabasa ka nga talaga? Tungkol saan yang binabasa mo?" tanong nya sa akin
"Naga-advance reading lang ako sa english. Para naman may laman na utak ko kapag discussion na." pagmamalaki ko kase alam kong makakaligtas na ako
"Talaga lang ah? Hindi daw nagsisinungaling? Math yang libro mo eh! Tapos nakabaliktad pa?" napatingin naman ako sa libro ko, oo nga! Hahaha, tanga lang? Hahaha.
"Ako'y isang pinoy, sa puso't diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa!" narinig namin na may biglang kumanta mula sa labas. Si kuya Derrick pala.
"Hindi ako sanay sa wikang mga banyaga, ako'y pinoy na mayroong sariling wika!" dagdag pa ni kuya Jayson
"Wik.."
"Uwian na!" sabi ni kuya Jayson nang magu-umpisa pa lang kakanta si kuya Danilo sabay labas ng room
"Oy, seriously? Wag namang ganyan!" reklamo ni kuya Danilo kaya natawa na lang sila
"Uy, brad! Long time no see ah! Musta? San lakad kahapon? Nag-bar? Nagpakalasing? Nambabae? Nambuntis? So ano na? Ninong na ba kami?" bungad ni kuya Derrick kay kuya Lester kaya naman binatukan ito ni kuya Jayson.
"Ano na? Kumusta yung dare ninyo? Nahanap nyo na ba yung pumatay sa girlfriend ko?" tanong ni kuya Lester kaya natahimik silang lahat.
"Brad, may tamang panahon para dyan! Wag muna ngayon. Kailangan nat..." hindi pa natapos ni kuya Derrick ang sasabihin nang hinampas ni kuya Lester ang mesa
"Tamang panahon? Derrick kung hindi nyo kaya o ayaw nyong gawin, sabihin nyo na ng maaga para hindi na ako umaasa pa! Wag na kayong mag-alala pa o magpakapagod pa dahil ako na mismo ang gagawa! Hindi naman kase ako gaya nyo na hanggang salita lang! Kaya pwede ba? Ayoko nang maging sunud-sunuran nyo!" sigaw nito at umalis na naman. Naiwan na naman kaming lahat na tahimik
"Hala, anyare dun?" tanong ni kuya Danilo
"Baka natatae na?" sagot naman ni kuya Derrick kaya binatukan ito ni kuya Jayson
"Hayan! Kaya nagagalit na si Lester eh! Hindi ka kase marunong magseryoso!" sigaw ni kuya Jayson
"Nagsalita naman ang matino." sagot ni kuya Derrick. Saglit na natahimik si kuya Jayson pero natawa na rin lang naman ng pilit
"eh, hehe. Sometimes lang naman." -kuya Jayson
"Kuya feeling ko kase nagagalit sya kase wala pa kayong nagiging aksyon sa dare ninyo samantalang sya eh nilunok na nya lahat ng pride nya para lang sa dare na ibinigay nyo." pagsingit ko sa usapan nila kaya natigil sila at nagkakatitigan.
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...