Contract Boyfie

931 31 12
                                    

Grace' POV

Pagkatapos ng intense talakan between sa amin nila Allysa, Kyle at April, heto kami ngayon na tahimik na naglalakad pabalik ng room. Nakakaubos din pala ng energy!

Ganoon lang kami habang naglalakad, walang nagpapansinan, walang nag-iimikan, hanggang sa may narinig kaming nag-uusap sa hindi kalayuan. Sina Via at Lito pala. Napangiti naman ako nang makita si Lito. Ewan ko kung bakit pero parang may something akong naramdaman nang makita sya. Hindi ko na napigilan at tumakbo na ako sa kanya at sinalubong ng mahigpit na yakap.

"Eh? Hehehe!" halos hindi naman makapagsalita si Lito sa ginawa ko

"Lito!!! Namiss kita sobra!!!" sigaw ko at tatalon-talon pa.

"Eh? Close ba tayo dati? Bakit mo naman ako namiss?" tanong nya sa akin

"Wala lang. Ang gwapo mo kase!" sagot ko at pinisil ang ilong nya

"Aray, aray, aray! Grace aray! Masakit! Bakit mo ginawa yun?" reklamo nya

"Ang pango kase. Pinapatangos ko lang." sagot ko at mas lalo itong pinisil

"Sanglit, Ngrace! Hingi ngako mangahinga!" natawa naman ako sa sinabi nya. Nacu-cute-an ako sa mga simpleng galaw nya.

"Ang cute mo talaga! Ang gwapo pa! Bagay na bagay tayo!" sabi ko at ang pisngi naman nya ngayon ang pinipisil ko.

"Ahem..." narinig kong pag-ubo ni Via

"Oh, sorry! Nagseselos ka na ba? Kailan pala naging kayo?" tanong ko kay Via

"Hindi pa kami. Hindi ko pa sya sinasagot." sagot ni Via

"Nililigawan mo sya? Akalain mo nga naman! Diba magkaaway kayo noon? Ayaw nga sayo dati ni Via diba? Tapos liligawan mo? Aba, matinde!" prangka kong tanong sa kanila

"Dati yun. Lahat ng tao nagbabago." half annoyed na sagot ni Via

"Talaga? Oo nga naman! Bakit mo pala naisipang magbago? Change of hearts lang Via?" alam nyo sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit ko inaaway ngayon si Via. Baka dahil sa pagbubuntis ko?

"Eh sa natututunan ko na syang mahalin!" para naman akong kiniliti ng sobra-sobra sa sinabi nya

"HAHAHAHA!!! My gosh Via! Mahalin? Anong meron sa salitang pagmamahal? Gaya nga ng sinabi mo, lahat ng tao nagbabago. Trust me, magbabago ka rin naman ulit. Magsasawa ka rin kay Lito! Maging si Kyle nga napaniwala nya ako na mahal nya ako sa loob ng mahabang panahon!" sabi ko sa kanya with matching taas-kilay

"Wag mo nga akong ihalintulad kay Kyle! Tsaka wag ka ngang bitter dyan kung hindi ka mahal ni Kyle! Naiinggit ka lang kase nagmamahalan kami ni Lito!" for the second time para na naman akong kiniliti ng sobra

"Seriously Via? Seriously? Hahaha! Eh sabi mo na nga kaninang hindi mo pa sya sinasagot! Tapos nagmamahalan kayo? At saka ikaw naman Lito, wag mo nang ituloy ang panliligaw! Ako na lang!" sabi ko at inilapit mukha ko sa kanya. Hindi ko na nga alam ang mga pinaggagagawa ko. Parang nahi-hypnotize ako na ewan. Mukhang kay Lito yata ako naglilihi? Hahaha, why not? Gwapo naman sya. Ideal man... para paglihian. Hahahaha!

"Pwede ba Grace, kung hindi ka mahal ni Kyle, wag ka namang mang-agaw!" sigaw ni Via

"Hoy Via! Wala akong inaagaw sayo! Hindi pa nga kayo diba?" sigaw ko rin sa kanya

"Grace, Via! Saglit lang ah! Nawiwindang ako eh. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Wala na akong maintindihan! Ano ba ito Grace? Bakit mo sinasabing sayo na lang ako? Paki-explain nga!" reklamo ni Lito

"Wala dapat akong dapat na i-explain! Basta I want you to be mine! Right here, right now!" desidido kong sigaw sa kanya

"Pero bakit?" tonong ulit ni Lito

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon