Via's POV
Nagising na lang ako ngayong umaga na masama ang pakiramdam. Ang sakit ng katawan ko na parang na-rape, huh? Joke lang! Ang sama talaga ng pakiramdam ko! Napagod yata akong magswimming kahapon. Paggising ko tulog pa itong mga kasama ko. Hindi pa nga ako masyadong nakakatulog kagabi kase ang ingay nitong si Diana. Kakaiba rin trip nila nina Lito. Buti na lang at sound proof itong kwarto namin [A/N: meron po ba nun? hahaha] Nagvideoke pa silang dalawa kagabi. Tumigil lang nung sitahin na ni ate Rowena kase nakakabulabog na daw. Eh rock pa naman ang nais! Pero nung pumasok sila, nagdala pa sila ng gallon ng mga tubig at mineral at ginawang tambol sa kwarto namin, at dun na rin nakisabay si Zandrex. Haay, buti na lang talaga at music lover ako at maganda boses nila! Kung hindi naihulog ko na sila mula dito sa third floor!
Bumangon ako sa kama nang dahan-dahan para hindi mabulabog ang tulog nitong si Diana sa tabi ko. Pagbangon ko, nakita ko na agad ang dalawang magkapatid na mahimbing ang tulog sa sahig. Ewan ko pero parang may something at napatitig ako sa dalawang ito. Bakit pa kase na-inlove ako sa dalawang ito! At magkapatid pa! Naisip ko nga baka one day masira ulit ang pamilya nila nang dahil sakin. Naku, wag naman sana! Eh paano ba? Hindi ko naman kayang aminin kay Lito na sya ang mas mahal ko kesa kay Zandrex. Kase naman eh! Eh diba nga mas madali mong sabihin sa isang tao na mahal mo sya kapag sikat ito. Siyempre sanay naman ito na masabihan na mahal sya. Siyempre bilang fan hindi ka nahihiyang sabihin rin sa kanya na mahal mo sya. Yun nga eh, mahal ko sya as an idol lang. Si Lito talaga mahal ko ever since the world began! Weh, OA na eh! Hahaha, epekto siguro ng sakit ng ulo!
"Hoy ikaw ah! Bakit mo tinititigan si Lito? Type mo noh?" anubato! gising na pala si Diana! umagang-umaga pumuputak na naman! Iwanan na nga lang
"Hoy babae! Wag mo akong tatalikuran! Tsaka akala ko ba si Zandrex ang mahal mo? Bakit kung makatitig ka kay Lito parang gusto mo syang tunawin? Ikaw ah! Thorn between two lovers ka ah! Hahahaha!" binato ko naman sya ng gallon ng tubig na hindi pa nila inayos bago sila natulog kagabi ni Lito.
"Manahimik ka nga! Mamaya magising sila sa kaingayan mo eh! Tsaka mamaya marinig ka ni Lito! Nakakahiya sa kanya!" saway ko sa kanya
"Heto naman! Kung makabato ka ng gallon parang hindi ako tao ah! Tsaka babae, bakit ka ba nahihiya? So totoong type mo si Lito? Ayyie!" heto talagang babaeng ito no? pasaway masyado! Ang daldal! Sarap ibulsa
"Oo na, oo na! Happy ka na? Manahimik ka na nga lang dyan" totoo naman kase, sya talaga ang type ko noon pa. Pero bigla-bigla na namang sumigaw si Diana. Sa sobrang taranta ko ay kinuha ko yung unan at itinakip sa mukha nya
"Sabing manahimik ka eh! Makalabas na nga lang!" sabi ko sa kanya na impit ang boses para hindi na makabulabog pa. Lumabas na nga lang ako at sumama pa sya. Hay naku talagang babae! Tsinika pa ako tungkol kay Lito!
Lito's POV
Ang sama ng pakiramdam ko kaya napahimbing pa yata ang tulog ko. Padilat na sana ako nang marinig ko ang boses ni Diana kaya di ko muna itinuloy
"Hoy ikaw ah! Bakit mo tinititigan si Lito? Type mo noh?" sabi ni Diana. Teka, so ibig sabihin nakatitig sakin si Via? Tinititigan nya akong habang tulog? Akalain mo nga naman. Naramdaman ko pang parang may nakasagi sa paa ko pero nanatili pa rin ako sa ganoong pwesto na parang tulog talaga
"Hoy babae! Wag mo akong tatalikuran! Tsaka akala ko ba si Zandrex ang mahal mo? Bakit kung makatitig ka kay Lito parang gusto mo syang tunawin? Ikaw ah! Thorn between two lovers ka ah! Hahahaha!" natawa naman ako pero nakayanan ko namang pigilan kahit papano. Tas may narinig pa akong parang tunog ng gallon na nalaglag
"Manahimik ka nga! Mamaya magising sila sa kaingayan mo eh! Tsaka mamaya marinig ka ni Lito! Nakakahiya sa kanya!" me? As in me? Not you but me? but why me?
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...