Bully Strikes

1.4K 32 2
                                    

"GOOD MORNING FELLAS!!!" Masayang bati ni Allysa paglabas ng bahay.

"NAPAKAGANDA TALAGA NG UMAGA!!! KASING GANDA MO APRIL!!!" dagdag pa ni Allysa

"You're kidding right?" walang ganang tanong ni April dahil wala sya sa mood makipag-away ngayon

"Heto naman! Hindi ka naman mabiro! Pangit ka talaga!" sagot ni Allysa at umalis na

"Haay, whatsoever?" matabang na sagot ni April at umiwas na lang

Napadaan naman si Allysa sa nag-uusap sa ilalim ng puno

"Mga brotherzes? Mapusong usapan ah? Anong ganap?" tanong ni Allysa

"Ally, may good news pala kami sa inyo! Si Lito nga pala ang nawawala kong kapatid!" masayang sagot ni Zandrex

"Sounds good! Its very great for you guys! But you know, I'm not interested! So excuse me guys! Nice talking to you! Toodles!" sabi ni Allysa at umalis na

Sa kabilang dako, masaya namang naglalaro ang Macerean ng buhangin sa tabi na parang bata, nang pumunta sa area nila si Joseph

"Yuck, parang mga bata?" pagsita ni Joseph sa apat with matching 'what-the-f*ck-are -you-doing?' look. Sinuklian naman ito ni Angelo ng 'pakialam-mo-ba?' look

"Ilang taon na ba kayo? Bakit ganyan pa rin nilalaro nyo?" dagdag pa ni Joseph, binigyan naman ulit sya ni Angelo ng 'bakit-ka-ba-nangingialam-huh?' look. Binawian naman ito ni Joseph ng 'eh-sa-gusto-ko-bakit-ba?' look

"Lalo ka na Angelo! Kanina ka pa tingin ng tingin dyan! Parang gusto mo akong kainin sa mga titig mo eh! Oh well, hindi naman ako affected! Hindi naman ako natatakot sayo? Kahit magsama pa kayong apat!" dahil sa sinabi ni Joseph, binigyan ito ni Angelo ng 'gusto-mong-mamatay' look. Binawian naman nya ito ng 'oo-naman-may-kabaong-na-nga-ako-eh' look. Sumagot naman si Angelo ng 'tamang-tama-dahil-nanggigigil-na-rin-naman-ako-sayo-at-gustong-gusto-na-rin-kitang-ilibing-ng-buhay' look. 

"Bakit ba ayaw mong magsalita? Alam mo ba na ang taong tahimik, nasa loob ang kulo? Natatakot ka ba sa akin?" napatawa naman ng di oras si Angelo

"Huh? Ako? Matatakot sayo? Hahaha! Hindi no? At hindi naman porke tahimik ang tao, nasa loob na ang kulo? Sila lang naman kase ang uri ng tao na marunong mag-isip bago kumibo!" sagot ni Angelo at tumawa. Nainsulto naman si Joseph at dahil sa pagkapilyo ni Joseph, tinapakan nya ang nagawang kastilyong buhangin ni Angelo.

"HALA!!! ANO KA BA??? KANINA KO PA PINAGHIRAPAN YANG CASTLE NA YAN TAPOS SISIRAIN MO LANG??? ANO BA TALAGANG PROBLEMA MO HA???" naiiritang sigaw ni Angelo

"Edi lumaban ka rin? Akala ko tatanga ka na lang dyan eh? Akala ko mahina ka, akala ko duwag ka? hahaha!" nagpipigil naman ng inis si Angelo sa sinabi ni Joseph

"Hindi naman porke hindi ako lumaban eh duwag na ako? Ako lang kase ang uri ng tao na hindi pumapatol sa mga taong kalevel ng ulol na aso?" sagot ni Angelo with Amor Powers' accent. Nainis naman si Joseph kaya kinaladkad nya ito sa walang tao, sa lumang bahay. Pagkapasok na pagkapasok ay sinampal agad ni Joseph si Angelo ng napakalakas na sanhi ng pagbagsak nito sa sahig

"SINONG ASO TINAWAG MO HA??? AT NGAYON LUMABAN KA??? NGAYON MO NA IPAKITA ANG TAPANG MO???" nanggagalaiting sigaw ni Joseph

"Ano ba talagang kailangan mo ha? Bakit mo ba ito ginagawa?" mangiyak-iyak na tanong ni Angelo habang hawak ang kanyang pisngi

"Wag kang masyadong mayabang Angelo!!!" sagot ni Joseph

"Ano na naman bang ginawa ko sayo ha? Kung tatahimik ako maiinsulto ka! Kung lalaban naman ako magagalit ka! Ano bang problema mo ha?" sigaw ni Angelo. Nainis naman si Joseph kaya hinihit nya ito sa buhok pataas hanggang sa magkatapat na sila ng mukha

"Wag kang lumalaban ha! Walang sinuman ang lumalaban sa akin ng ganyan huh! KAYA WAG NA WAG MO AKONG LALABANAN!!!" sigaw ni Joseph

"Ahaha! Baliw ka na talaga Joseph!" matawa-tawang sagot ni Angelo sa gitna ng paghingal nya. Sa sobrang galit ni Joseph, buong lakas nyang inihampas ang ulo ni Angelo sa pinakamalapit na pader sa kanila. Dahil sa lakas ng impact ng pagkaka-untog, dumugo ang itaas na bahagi ng noo ni Angelo.

"Ano? Lalaban ka pa?" tanong ni Joseph habang sinisipa pa si Angelo sa tagiliran. Dahil sa desperadong makatakas, pinilit pa rin ni Angelo ang gumapang makalayo lang kay Joseph, pero hindi pa rin nagpaawat si Joseph at buong lakas ring tinapakan ang binti ni ANgelo na sanhi ng pagsigaw ni Angelo ng napakalakas.

"Ano? Tatakas ka?" tanong ni Joseph. Kahit na masakit ang ulo at binti ni Angelo, pinilit pa rin nyang makatakas at gumapang pa rin palayo.

"Wag ka nang tumakas! Hindi pa tayo tapos!" sabi ni Joseph "Okay! Escape if you can! Run if you can! Hindi ka na makakatakas dahil ito na ang huling araw mo!" dagdag pa nito sabay halakhak ng malakas. Sa kalagitnaan ng paggapang, nakita naman ni Angelo ang baril sa ilalim ng upuan sa di kalayuan.

"Bakit pa ako magpapakapagod para pahirapan ka? Kung pwede namang daanin na lang sa madaliang paraan!" bumilis naman ang tibok ng puso ni Angelo sa narinig, lalo na nang nilingon nya ito. Nakita nya kase na kumuha sya ng piraso ng malaking debris galing sa isang bahagi ng pader ng bahay na sira-sira na dahil na rin sa sobrang luma. Kaya nagmadali nang gumapang si Angelo para makuha agad ang baril sa upuan. Nang medyo malapit na si Angelo sa baril, sakto namang narinig nya ulit magsalita si Joseph.

"Heto na ang katapusan mo!" sigaw ni Joseph at itinaas na ang hawak na malaking debris at handa nang ibagsak sa ulo ni Angelo nang naabot na rin sa wakas ang baril kaya ipinotok nya agad ito sa binti ni Joseph. Pero laking gulat nya nang may tumama ring baril sa dibdib nya. Agad naman syang napalingon sa likod nya at nagulat sya nang makita nya doon ang isang clown na may hawak na baril. 

"Angelo!!!" sigaw ni Rowena mula sa labas sabay bukas ng pintuan.

"Ate!" sigaw rin ni Angelo

"Kumusta ka na? Ayos ka lang ba?" palapit na sana si Troy kay Angelo nang makita ang bangkay ni Joseph sa tabi nito. Napatingin naman si Troy sa hawak ni Angelo at nagulat sya nang makita nya ang hawak nitong baril

"T-troy! Mali ka ng iniisip! Hindi ako ang bumaril!" pagtanggi ni Angelo

"Angelo, ikaw lang naman ang kasama ni Joseph dito ah! At saka ikaw lang naman ang nakahawak ng baril! So anong balak mong palabasin? Na nagkamali kami ng nakita?" tanong ni Rowena

"Ate, maniwala ka naman oh! Hindi ako ang bumaril! Yung clown! Yung clown ang bumaril! Nakita ko mismo! Maniwala naman kayo oh!" pagmamakaawa ni Angelo

"Gusto ko sanang maniwala sayo Angelo eh! Kaso halata namang nagsisinungaling ka! See, namatay na si Gemel kaya wala na ang killer! At pwede ba? Wag ka nang mandamay! Namatay na ang tao! At saka wag mong gagamitin ang clown sa kasalanan mo!" sigaw ni Troy at umalis na,

"Christian, bahala ka na kay Angelo ah!" sabi ni Rowena at umalis na rin.
.
.

.
.

.
Killer's note:
Yes! Tama kayo na basa! I'm back! The bolder, fiercer, stronger, and wiser killer!!! Miss me? Mwahahaha! Mula ngayon, wala nang jack-in-a-box, notes, traps, machines, and whatsoever, dahil mula ngayon, ako na mismo ang papatay sa inyo guys! Get ready for the grand come back of your beloved killer!!! Dahil sinisiguro kong mabubulabog at magugulantang ang lahat sa pagbabalik ko!!! Mwahahaha!!!!! (evil laugh with matching thunder sound effect)

.

.

.

Author's note:
Tama po ang nabasa nyo, nagbabalik ang killer! Pero paano? Bakit? Bigger question, SINO??? At ano kaya ang gagawin ni Christian kay Angelo? Ano ang balak gawin ng mga kabaryo kung sakaling malaman nila na pinatay ni Angelo si Joseph? Or malalaman pa ba nila na hindi talaga si Angelo ang pumatay? Ano ang kahihinatnan ni Angelo at hanggang saan at kailan nya makakayanan ang sitwasyon nya? Tuluyan na nga bang mawawatak ang samahang Macarean? Yan ang mga katanungang sabay-sabay nating hanapan ng kasagutan sa mga susunod na kabanata dito lang sa Baryo!!!!!

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon