One-on-One

1K 25 6
                                    

Krysta's POV

Nagising na lang ako dahil sa araw na tumatama sa mukha ko. Napatakip na lang ang braso ko sa mata ko. Maya-maya ay di ko na rin nakayanan ang init ng mukha ko kaya babangon na sana ako nang mapansing nasa hospital pala ako. Tatayo na sana ako nang matumba ang dextrose rack sa tabi ko. Naka-dextrose pala ako.

"Miss, ano pong nangyari? May masakit po ba?" tanong ng bagong pasok na nurse dahil siguro sa ingay galing sa rack

"Bakit ako nandito sa hospital? Anong ginagawa ko dito?" tanong ko sa kanya

"Ayon po sa nakakita sa inyo, nabangga daw po ang sinasakyan ninyong sasakyan sa malaking puno..." di ko na sya tinapos magpaliwanag nang maalala ko na ang lahat

"Si bitch? Este si Oliver? Nasaan sila? SI sir Joshua? Nasaan sila? Ayos lang ba sila?" tanong ko sa kanya

"Si Mr. Joshua po kritikal pa ang lagay dahil sa pagkakabangga. Si Oliver naman po, sad to say pero wala na sya. Namatay po. Pero hindi po dahil sa aksidente. Namatay po sya dahil natagpuan po syang natanggal ang buong anit, natanggal ang talukap at wala nang dila. Tapos po may wakwak po sya sa tiyan at wala na pong laman-loob. Ang pinakaikinabigla ng lahat, pati po ang ari nya ay tinanggal rin ng kung sinuman." napanganga naman ako sa sinabi ng nurse. Lahat ng nangyari sa kanya ay ang mga mismong sinabi ni Oliver sa gagawin sana naming movie script kahapon!!!

- - - - - - - - - -

Chris' POV

Medyo inaantok pa ako ngayon dahil anong oras na akong nakatulog kagabi. Ewan ko ba? Insomnia? Basta ang hirap umidlip. Buti na lang talaga at wala pa si sir Joshua at may time pa ako para makatulog.

"Good morning class!" nyemas naman oh! Papahimbing na ang tulog ko nang may dumating. 

"Hi guys, kilala nyo naman na siguro ako pero kailangan ko pa ring magpakilala para naman formal ang dating. I am Mara Borillo, ang temporary instructor nyo habang wala pa si sir Joshua." nagkaroon naman ng maraming reaksyon dahil sa sinabi ni ma'am Mara.

"Oh! Nice at estudyante ko na naman kayo Zandrex at Joseph!" sabi pa ni ma'am

"Yeah, its nice to see you again mahal! Este, ma'am!" sagot naman ni kuya Joseph

"Ikaw Zandrex? Kumusta kayo ni Via bago ka umalis ng Mortem? Naging maayos ba?" tanong naman ni ma'am Mara. Edi sila na ang close! Kami na ang OP! Instructor pala dati si ma'am Mara? At nagkataong estudyante pa nya sina kuya Zandrex at kuya Joseph dati sa Mortem! Ano namang ganap bakit sila lumipat dito? Yan nga matanong ko sa kanila kapag nag-usap na kami.

"Super talk show? Kris TV? Never mind. Wag mo nang alalahanin!" sagot naman ni kuya Zandrex kaya natawa na lang si ma'am Mara

"Sino yung Via na yun? Ibang babae mo? So niloloko mo pala ako all this time? Paano mo nagawa sa akin ito Zandrex? Minahal kitaaa!" sigaw ni ate Teena kaya natawa ng lihim ang iba naming kaklase, pero si ma'am Mara ay tumawa na ng bulgar

"Wow Zandrex! Ang bilis mo namang mag-move on! Taylor Swift lang ang peg natin? Hahaha!" sabi ni ma'am Mara

"Malay ko dyan? Ni hindi nga kami close nyan eh!" sagot naman ni kuya Drex

"Hahaha, tindi ng alindog mo Zandrex! Abot hanggang Sanguinem! Hahahaha!" sabi ulit ni ma'am Mara at nagpatuloy ang asaran hanggang sa matapos ang araw. Ayos lang daw yun sabi ni ma'am Mara para daw mas makilala namin ang isa't-isa at mas madali na lang ang adjustment namin sa bago naming instructor. Pati nga rin si kuya Joseph, isinalang ni ma'am Mara sa hot seat kaya hayun, nasunog puwet nya! Hahahaha, waley! Hahaha. Na-discover namin na type rin pala ni kuya Joseph si ate Maggie. Hahaha, wala lang share lang

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon