Jack-in-a-Box

4.2K 76 14
                                    

"Bassist ng Blood Band na si Lyndon Albay, unang biktima ng killer ngayong school year. Pinatay ito sa pamamagitan ng pagtali ng bulb wire na puno roses sa kanyang buong katawan. Hinihinalang kaklase rin nila ang pumatay dahil ang kanilang klase ang nag-supervise sa opening program na kung saan roses ang kanilang theme. At isa pang ikinakatakot ng lahat, ang killer ay nagdidisguise ng clown, blahblah," pagbasa ni Troy sa flyer na ipinadala sa kanilang subdivision ng mga taga-MA, dahil hindi muna sila pinapasok ni Mara dahil sa nangyari kagabi


"Grabe, kailangan na talaga nating malaman kung sino ba talaga tong clown na to?" sabi ni Rowena, kasalukuyan silang nakaupo sa isang bench sa tabi ng basketball court sa subdivision kung saan naglalaro ang ibang mga kaklase

"Rowena, wag tayong padalos-dalos, malay mo, isa sa atin ang killer at pinagmamasdan pala ang bawat galaw natin, pwede tayong gumawa ng paraan pero wag pabigla-bigla, baka tayo naman ang isunod ng killer na yan" sagot ni Troy nang bigla na lamang silang nakarinig ng malalakas na tili mula kina Carlo at Gemel habang nagchi-cheer sa Blood Band

"AAAHHH!!! SHOOT POGIII!!!" sigaw ni Carlo nang hawak na ni Justine ang bola, nai-shoot naman ni Justine ang bola kaya nagsitilian ulit ang dalawa

"Saglit lang guys, pahinga muna," pagpapatigil ni Joseph sa mga kasama

"WOO!! Laos ka pala Joseph!" pang-aasar ni Judy Ann kay Joseph

"Anong laos? 3 points shooter kaya ako!" pagmamayabang naman ni Joseph

"Weh? Ge nga!" paghahamon ni Judy Ann,

"Huh! Ako pa talaga hinamon mo?" pagtawa ni Joseph at kinuha agad ang bola, pumwesto si Joseph sa 3 points area ng court at nag-dribble, ishinoot nya ito pero hindi naipasok, halos mapaupo naman si Judy Ann sa sahig sa kakatawa

"Ang yabang mo ah, kung makatawa ka parang ang galing mong magbasketball!" sigaw ni Joseph

"Oo naman, varsity kaya ako!" pagmamayabang ni Judy, si Jose naman ang napaupo sa sahig sa kakatawa

"BWAHAHA, ikaw? Varsity? hahaha, aga mo magjoke kiddo!" nabwisit naman si Judy kaya inagaw nya kay Joseph ang bola, ishinoot nya ito at pumasok sa ring, napanganga naman si Joseph sa ginawa ni Judy

"Hahaha, I told you!" pagyayabang ni Judy at inihagis nito nang malakas ang bola kay Joseph pero buti na lang at nasalo nya ito, babawian pa sana ni Joseph si Judy pero umalis na ito

"Hi Kyle! Mukhang pagod ka na ah! Halika, punasan kita," sabi ni Allysa kay Kyle habang pinupunasan

"No need Ally!" sabi ni Kyle at ngumiti, nakita naman ito ni April kaya dali-dali nyang sinugod si Ally at sinampal

"HOW DARE YOU!" sigaw ni April

"HOW DARE YOU TOO!" sigaw rin ni Allysa at binawian si April ng sampal, pinigilan naman si Allysa ng kaklaseng si Christian

"Umalis lang ako saglit para kumuha ng tubig ni Kyle, lumalandi ka na agad?" tanong ni April

"Haha! Wag ka ngang assuming dyan April! Eh dapat nga ako ang gumagawa nito ngayon at hindi ikaw!" mapait na sagot ni Allysa

"Paanong naging ikaw? Naging kayo ba?" tanong ni April

"Hindi, hindi naging kami! Dahil nagparaya ako dati kay Grace pero anong ginawa mo? Inahas mo diba?" sigaw ni Allysa, inilayo naman ni Christian si Allysa sa kanila at hinatid ito sa house O

"Uy, ungkatan ng past! Masaya to," sambit ni Regine na nanonood mula sa terrace ngsecond floor ng house D kasama nila Angelo at Maricar

"Kung mauungkat ang past, magugulo ang present!" dagdag pa ni Maricar

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon