Nth Time Around

791 31 5
                                    

12 years ago...
Batang Lito's POV

Pagkatapos akong kaladkarin ng isang madre mula kay Lito, idiniretso nya ako sa rooftop ulit para paluhudin sa munggo. Pero hindi lang yun ang inabot ko. Nakatanggap pa ako ng malalakas na sampal mula sa kanya hanggang sa dumugo na ang ibabang bahagi ng bibig ko.

Makalipas ang isang oras, naisipan ko ulit tumakas pero di gaya kanina, mas desidido na ako. Hindi lang ako dito sa rooftop tatakas, tatakas ako dito sa ampunan. Bahala na si Batman.

Saktong papalabas na si Kyle nang dumaan ako sa harap ng kwarto nya. Nakabihis na sya at may dala na syang mga gamit. Aampunin na nga sya.

Tumakbo sya papunta sa akin at niyakap ako pero agad ko rin itong tinanggal.

"Ano ba! Kasalanan mo ito eh!" sigaw ko sa kanya

"Sorr..." di pa nya tapos ang sasabihin nang magsalita ulit ako

"Kung aalis ka na, umalis ka na! Ayaw na kitang makita!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko namang nanlumo sya sa sinabi at ginawa ko pero paki ko?

"Anak!" medyo nainis naman ako sa narinig ko. Bakit ba kase hindi ako pinapalad na ampunin! Lumingon naman si Kyle sa nagtawag sa kanya. Paglingon nya, nakita ko ang kwintas nya na may SM pendant na ginawa nyang key chain ng bag nya. Dahil nga sa desidido na akong umalis, pasimple kong kinuha ang kwintas para hanapin ang may-ari nito at magpanggap na ako nga ang anak nila. Nice! Its showtime!

Nang makuha ko na, dali-dali akong lumabas ng ampunan. Buti na lang at walang tao ngayon sa gate dahil wala yung guard dito. Wala ring ibang mga bata dahil oras na ng pagkain at nasa kusina silang lahat. Pati yung terror na madre wala din kaya dali-dali akong lumabas at tumakbo palayo. Kung saan ako mapunta o mapadpad, bahala na! Basta makalayo dito...

- - - - -

Present
Kyle's POV

Dalawang buwan na ang nakalilipas nang maging kami ni Allysa. Napagdesisyonan na rin naming mag-enroll sa iisang school.

"Maganda ba dito?" tanong nya

"Oo naman! Dito kadalasang nanggagaling ang mga top-notcher sa iba't-ibang course." sagot ko sa kanya

"Oh talaga? Kung makasalita ka ha! College na ito?" natawa naman ako sa sinabi nya. Sasagot pa sana ako nang biglang mag naghigit ng buhok ni Allysa mula sa likod namin.

"Walang hiya kang babae ka!" agad ko rin namang tinanggal ang kamay ng kung sinumang babaeng yun.

"Ano ba miss, tama na!" sigaw ko at hinablot ang kamay nya, pero hindi ko agad nabitawan ang kamay nya kaya para kaming magka-holding hands. Nagkatinginan pa nga kami sa mga mata. Ang ganda nya, syet!

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Kakausapin ko lang itong bestfriend ko!" sigaw nya sa akin at inagaw ang kamay nya.

"Bestfriend mo si Allysa?" wala naman yatang nababanggit si Allysa na may best friend sya?

"Oo kuya! Matagal na! At ikaw naman bestie, bakit ba dalawang buwan kang hindi nagpaparamdam sa akin? Alam mo bang halos mag-hysterical ako pagka-miss ko sayo? Akala ko nga namatay ka na! Alam mo bang muntik akong nagpadala ng kabaong at biskwit sa bahay nyo noon?" woah! grabeng babae ito. Pero hindi ko maiwasang mapangiti. Parang magkamukha sila ni... Q, hahahaha! Never mind.

"Grabe ka namang makapagsalita Grace! At kung makasabunot ka sa akin, anong sa tingin mo ang ginagawa mo? Nagbubunot ng damo? Osha! Sorry na bestie! Sorry nawawalan na ako ng time kase alam mo na, buhay-taken!" pagmamayabang ni Allysa

"Taken ka na? Wag mong sabihing ito ang boyfriend mo!" sabi nung Grace at itinuro ako

"Oo, sya ang boyfriend ko! Delicious right? Hihihi!" sabi ni Allysa at kumapit sa braso ko. Hindi ko naman maiwasang matawa sa sinabi nya. Delicious? Hahaha! Pero ito namang si Grace, tinignan ako maigi sa mukha. Ewan ko kung imagination ko lang, ngumiti ba sya?

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon