Narito na ang mga characters na kailangan nating pakaabangan sa mga susunod na chapters ng kwento. And wait, ngayon pa lang sasabihin ko na sa inyo. Baka kase may ibang magsasabing dahil magkakonekta ang Mortem Academy at Sanguinem Academy eh magkapareho na sila ng theme na patayan din. Naku, big big NO mga kabaryo! Ibang ibang ibang iba ito sa patayang naganap sa Mortem! Iba rin ito sa iba pang mga nabasa nyong mga kwentong patayan sa wattpad! Ang mga pangyayari po dito ay gawa lamang po ng malikot kong utak at kung anuman pong makita ninyong pagkakatulad nito sa ibang kwentong nabasa nyo na dati kung sakali, nagkataon lamang po at hindi sinasadya dahil once again, gawa lamang po ito ng malikot kong pag-iisip! That's it pansit with pusit!
Girls:
>Carla Aquino - Campus crush pero snob at masungit...
>Janeth Batay-an - Pinakamatino sa lahat ng babae sa klase. Sya ang uri ng tao na uunahing magbasa ng libro kesa makipagharutan sa mga kaklase. Pero hindi sya yung uri ng tao na magpapatalo na lang basta-basta sa mga bullies o whatsoever. Tahimik na tao pero matapang kung inaapi...
>Maggie Guarin - May pagkamalandi dahil halos lahat ng lalaki sa klase ay type nya at lahat ng ito ay nalilink sa kanya...
>Shela Obra - gaya ni Janeth, tahimik din sa klase si Shela. Matatakutin ito lalo na sa mga taong nambubully sa kanya. Lumaki si Shela sa hindi tunay na pamilya kaya ganoon na lang sya itrato ng madrasta nya. Ginagawang katulong o alipin kaya naman lumaki at nagdalaga itong matatakutin sa tao...
>Vanessa Ornopia - masungit, suplada, madaldal, kaya di na nakapagtatakang hindi sila magkakasundo ni Carla. Yes yes yes! Tama po kayo! Ornopia po apelyido nya! Anong relasyon nya kay Vina Ornopia sa Mortem Academy? Abangan po soon...
>Teena Maime Ramirez - gaya ni Maggie, malandi din ito. Pero ang pinagkaiba, sa iisang lalaki lang. Kung sino ito? Abangan sa mga sususnod na chapters. Hindi po muna dito. Abangan soon...
>Carmela Ronquillo - mabait na medyo pasaway. Mainitin ang ulo lalo na sa mga lalaki. Ronquillo? Hahaha, opo. Ano pong relasyon nila ni Maricar?
>Krysta Santiago - boyish, mayabang, war freak, magulo, maingay, basagulera, boyish pero wala syang hilig sa mga babae...
>Lhy Ann Tolentino - Mabait, walang anumang masamang maipipintas sa kanya. Tahimik lang...Boys:
>Danilo Antonio - pinakatahimik sa mga lalaki palibhasa eh laging problemado sa love life...
>Jayson Cabotaje - kaibigan din ni Danilo na pinakahabulin sa klase. Babaero...
>Rommel Dela Cruz - pinakamadaldal sa klase. Pinakamaingay. Medyo malandi din pagdating sa mga ibang lalaking kaklase
>Gerby Felix - boyfriend ni Lhy Ann. Pinakamatino sa mga lalaki. Madaldal din pagdating sa mga kaibigan nya
>Orly Lovidad - Pinakagwapo sa klase. Sa sobrang gwapo ay lagi syang nabubully ng mga kaklaseng lalaki
>Derrick Mariano - matalik na kaibigan ni Jayson, kaya hindi na nakapagtatakang babaero rin ito gaya ng kaibigan
>Michael Santua - Kaibigan ni Gerby. Pasaway. Laging pinagdidiskitahan si Gerby. Palibhasa ay anak sya ng mayor ng baryong kinalalagyan ng Sanguinem kaya nagagawa nya ang lahat ng gusto nya
>Jhomar Tano - kaibigan ni Rommel pero hindi nya ito kasing landi. Simple lang ito at hindi gaanong palasalita hindi kagaya ng kaibigan.
>Brandon Torres - kaibigan din nina Gerby at Michael. Sya lang ang may lakas ng loob na sagut-sagutin si Michael. Sya ang nagiging peace maker sa pagitan nila Michael at Gerby sa tuwing inaatake na naman si Michael ng kapasawayan.
>Lester Viloria - gaya ng mga kaibigang sina Jayson at Derrick, habulin din ito pero di nya sila pinapatulan. Hindi naman sa bading ito pero wala lang syang hilig sa lovelife...Special Guest Characters:
Oliver Beginio - pinakakuya sa buong klase. Obviously, pinakamatanda. Pero ilang taon lang naman. Dahil nga sa panganay sya sa buong klase, nagagawa nyang pasunudin ang mga kasamahan. Kayang-kaya nyang api-apihin at ali-alilahin ang mga kasama...
Chris Flores - pinakabata naman sa klase. Matalino kaya accelerated. 13 years old lang sya pero nakahanay na sya ngayon sa mga kasamahan sa Sanguinem. Pinakamatalino sa klase. Kahit na subsob sya sa mga libro, hindi pa rin naman nya nakakalimutang makipagkaibigan sa iba. Masayahin at palakaibigang bata si Chris kaya sya ang laging kinahuhumalingan ng lahat.4 more characters pero surprise kung sino man sila. Pero don't you worry kabaryos dahil malalaman po natin kung sino ang apat na yan right away sa sususnod na chapter. Tas sina kuya Oliver at si Chris! As you wish! Hahaha! Kung dati hanggang votes lang kayo, ngayon sali na mismo kayo sa kwento! Yes! Dahil nga sa request nyong makasali, heto na po! This is it pansit! Sana po magustuhan nyo ang roles nyo dahil wala na po akong maisip na ibang pwedeng roles. Hahahaha, bagay naman po ba diba? Welcome to BARYO family guys!!!!
Alam ko na pong may namumuo nang theories sa isip nyo tungkol sa mga mangyayari sa kwento. Nakilala na rin po natin ang dalawang estudyante sa Sanguinem na may kaugnayan sa dalawang estudyante ng Mortem. Sino nga ba ang killer sa kanila? Sino nga rin ba ang apat na espesyal na tauhan? Clue, victims from the past. Oops, hanggang dyan na muna! Any hula? Hahaha, well abangan nyo na lang po mga kabaryos kung sino sila sa pagpapatuloy ng BARYO!!! Byie!
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...