Author's Note:
Parang extra chapter lang ito, ipapakita lang dito ang pagreready nila para sa kanilang outing. Pero hindi ibig sabihin na chill-chill na lang ang ating mga bida. Tuloy pa rin ang patayan sa kanilang outing sa kanilang pupuntahan na resort? Ano ba ang koneksyon ng resort na ito sa Mortem Academy? Ano ang kinalaman ng may-ari sa ating mga bida? Abangan nyo po, ngayon na sa chapter na ito!
Naging masaya ang presentation ng buong klase sa ginanap na play, pero at the same time naging malungkot rin dahil sa pagkamatay ni Regine. Nagmumukmok ang lahat sa subdivision lalo na sina Carlo at Maricar dahil dalawa na ang nabawas sa kanilang barkada."Ang tanga nyo rin no? Wala man lang kayong kamalay-malay na magkasama pala kayo ng mahabang oras ng killer? Ni hindi nyo man lang nahalata na hindi ako yun!" sabi ni Maricar kay Carlo habang nakaupo sila sa bench sa tabi ng basketball court habang nanonood ng laro ng iba nilang kaklase
"Makatanga ka naman! Malay ba naming hindi ikaw yun! Eh ang talino naman kase ng killer na yun! Pati galaw at gestures mo nagaya nya kaya akala namin ikaw yun!" sagot ni Carlo
"Ni hindi nyo man lang kinausap?" sabi pa ni Maricar
"Kinakausap naman namin! Kinakausap ko rin! Total kami nga magkasama buong oras! Kapag kinakausap ko, hindi nagsasalita. Tumatango at umiiling lang! Kaya malay ko ba na hindi ikaw yun!" -Carlo
"Hahaha! Hayan kase! Buti hindi ikaw ang biniktima nya! Hahaha! Sayang!" pang-asar ni Mari kay Carlo habang pinapanood ang walang ganang laro ng mga kaklase nya. Maya-maya ay tumigil na rin sila dahil di na nakayanan ng katawan nila ang sobrang lungkot. Napaupo na lang ang lahat sa sahig ng court, nang makarinig sila ng isang malakas na tugtog mula sa labas ng subdivision kaya naman napatingin ang lahat sa may gate at nakita nila ang isang floral na design na van na papasok sa loob. Lalo namang lumakas ang tunog nang makapasok na ito. Natigil na lang ang tugtog nang tumigil na rin ang van sa harap nila. Nagulat na lang ang lahat nang makita si Mara na palabas ng van na nakasuot ng pang-summer na outfit. Nakahawak ng payong, nakasumbrero, at nakasuot ng mahabang robe
"Hahaha! Ang baduy!" sabi ni Judy Ann. Siniko naman ito ng mahina ni Rowena
"Oh, bakit naman?" mayabang na tanong ni Judy Ann
"Wag ka ngang maingay! Baka marinig ka ni ma'am!" sagot ni Rowena
"Eh bakit ba? Totoo naman ah! Ang bad..." hindi na natapos ni Judy Ann ang sasabihin nang takpan ni Rowena ang bibig nito, kaya wala nang nagawa pa si Judy Ann kundi ang tumahimik na lang.
"Isang napakagandang araw sa inyo guys!" sigaw ni Mara, wala namang sumagot agad dahil sa nakita
"Oh guys! Ganyan na ba ang pagwelcome ninyo sa akin? Titigan na lang?" tanong ni Mara kaya napilitan ang lahat na magsalita at batiin rin si Mara.
"Ma'am! Hindi ba kayo masyadong OA dyan sa outfit nyo?" prangkang tanong ni Judy Ann
"No! Kulang pa nga ito eh!" sagot ni Mara
"Kulang??? Eh ano po ba kase ang ganap bakit naka-ganyan kayo? At may nalalaman pa kayong pasakay-sakay sa floral na van! With music pa!" tanong ni Judy Ann
"Kase nga, sunod-sunod na ang mga patayan na nagaganap sa klase natin! So why not na mag-outing naman tayo! Kahit 5 days 4 nights lang!" sabi ni Mara
"Ooh! That's great! Maipapakita ko na sa madlang pipol ang sexy body ko!" malanding sabi ni Allysa at tumayo pa sabay hagod ng kamay sa gilid ng katawan nya na parang ipinapakita ang shape ng katawan nya
"Talaga? Nasaan ba?" tanong ni April
"Heto oh! Coca-cola shape!" sabi ni Allysa
"Oo nga! Coca-cola in can! Hahahaha!" sabi ni April at tumawa na parang nang-aasar.
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...