Unrighteous Act (SPG)

990 26 4
                                    

Grace' POV
Rated SPG
Medyo maselan pero kailangan po. Part of the story...

Napaisip naman ako sa sinabi ni Zandrex. Kailangan ba talaga ako ngayon ni Kyle? O baka naman dala lang ng kalasingan nya? Eh pero naniniwala pa rin ako sa nabasa ko sa facebook na may dalawang uri lang daw na tao ang nagsasabi ng totoo, ang taong galit at ang taong lasing. So baka totoo nga.

"Sure! Akong bahala sa kanya!" taas-noo kong sagot.

"Nice! Sige, sasamahan ka na lang ni Lito. Tataw..." 

"No need. I can handle it all by myself." di ko na sya pinatapos at nagsalita na ako

"Wag! Babae ka tapos hapon na. Baka maano ka dyan sa daan. Tapos papaano na buhay mo pauwi? Lasing si Kyle baka hindi mo mabuhat? Magpasama ka na lang kay Lito para mas safe." sabi pa nya pero ningitian ko lang sya sabay sabing,

"Wala ka bang tiwala sa akin? Baka nakakalimutan mo, ako si Grace Ravelo! Minsan talunan, kadalasan palaban! What do you expect, right?" sabi ko tsaka tumayo na. Naglakad akong taas-noo palabas ng gate, pero kung minamalas ka nga naman, may pugita na nanghila sa braso ko

"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" sigaw ko kay Queenie

"At lumalaban ka na ngayon?" tanong nya at sinamaan ako ng tingin

"Sino ka ba naman para hindi labanan diba? Reyna ka ba? Pangalan mo lang yun! Pero ang totoo nyan, mukha kang kawal! Excuse me, aalis ako!" sabi ko at tatalikod na sana nang hilain nya ulit ako.

"Saan ka pupunta?" tinaasan ko naman sya ng kilay dahil sa sinabi nya

"Close tayo? Excuse me ulit!" sabi ko at tumalikod na pero hinawakan nya ulit ako sa braso

"Nasaan si Kyle? Bakit hindi pa sya bumabalik?" tanong nya

"Nasaan si Kyle? Nasa bar! Bakit hindi pa sya bumabalik? Lasing! Kaya excuse me nga! Aalis na ako! Susunduin ko lang sya!" pero hindi pa ako tumalikod dahil alam kong hihilain nya ulit ako para magtanong.

"Bakit ikaw ang mansusundo? Bakit mo sya susunduin?" sabi na nga ba eh

"Eh sa ako daw kailangan nya ngayon!" sagot ko sabay kontrabidang ngiti

"Bakit ka naman nya kakailanganin?" tanong nya ulit. Anubato! Masyadong maraming tanong

"Eh sa ako ang girlfriend nya! May angal pa ba? Girlfriend ako, ex ka lang! So bakit ka pa magtataka kung ako ang kailangan nya ngayon? Excuse me ha! Aalis na talaga ako!" sabi ko at tumalikod na. Hindi na nya ako hinila this time pero ako na rin ang lumingon at nakita kong natulala sya sa sinabi ko.

"And hey, ang lakas mong lait-laitin kami kanina ng bestie ko ah! Porke ba may karapatan ka? Porke ba may kapangyarihan ka? Porke ba hindi lang kami nakalaban kanina? Hoy babae! Kung ang tingin mo sa bestie ko ay isang dipa na lang lupa na? The feeling is mutual! Ganoon rin ang tingin namin sayo! Pero wait, hindi pala! Kung ang bestie ko, isang dipa na lang lupa na, ikaw naman mukha pa lang, laman-lupa na! Tabi-tabi po!" sabi ko at tumakbo na palayo.

Mga 30 minutes siguro ang oras na nilakad ko bago ko marating yung bar na sinasabi nila. Pagkapasok ko, naabutan ko agad sa loob si Kyle na nakahiga sa isang mesa na napapalibutan ng mga dancers sa bar na mukhang pokpok dahil sa suot at make-up nila.

"Ah, mga miss. Salamat sa pagbabantay sa boyfriend ko ah! Kukunin ko na sya." sabi ko sa mga babae.

"Naku, patay na! Wala tayong laban sa girlfriend nya! Ang ganda nya!" narinig kong bulong ni pokpok 1

"Ano naman? Maganda rin naman ako ah!" sabi rin nung si pokpok 2

"Gaga! Make up lang naman ang nagpaganda sayo! Kung wala kang make up kamukha mo si goku!" sabi rin ni pokpok 3

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon