Roses are Red II

4.6K 87 33
                                    

"Roses? Eew! Whatta gay!!!" reklamo ni Joseph

"Nice idea Ms. Soriano!" sagot ni Mara

"What? Nice idea?" sarcastic na tanong ni Joseph

"Please excuse me for a while, I will call our contacts to send us here a bunch of roses!" pagpapaalam ni Mara at lumabas saglit para tumawag

"Seriously? Roses? Yuck!" reklamo pa rin ni Joseph

"Joseph, ayos naman ang roses ah! Tanggapin mo na!" sagot ni Rowena

"Sa inyong mga babae ayos lang, paano naman kaming mga lalaki?" pagpupumilit ni Joseph

"Kung makareklamo ka dyan Joseph parang gagawin natin yun para sayo ah! Gagawin yun para sa buong school! Para sa opening program!" sigaw ni Judy Ann

"Wag ka ngang sumabat nuno! Bakit sino bang lalaking may gusto ng roses?" tanong ni Joseph

"Me! Oh my gosh! I really love roses!" sagot ni Carlo

"UURGH!!! What the heck!" sambit na lang ni Joseph sa sarili, nang saktong pumasok na si Mara

"I'm done, they will deliver those roses right away!" napatampal naman sa mukha si Joseph sa narinig

"Lets start now the preparation of the party, come on guys, lets go to the academy stage to see the venue" pagyaya ni Mara

STAGE:

"Guys, this is our venue, you can now start to plan what you are going to do!" sabi ni Mara nang magtaas ng kamay si Gemel

"Ms. Mara, nagtatagalog po ba kayo? nasa labas na po tayo ng classroom, baka gusto nyo pong magtagalog muna?" tanong ni Gemel kaya napatawa na lang si Mara

"Kaya nga Ms. Mara, that's so bleeding nose! The blood is my nose!" dagdag pa ni Angelo na mas itinawa ni Mara at ng buong klase

"Hahaha, sorry naman guys. Nasanay lang kase ako. Nga pala guys, pupunta lang ako sa labas, kakausap lang ng ibang mga janitors para tumulong sa inyo, umupo muna kayo sa sahig dahil wala pa namang mga upuan, babalik ako," pagpapalam ni Mara kaya't nagsiupo na ang mga estudyante maliban kay Chelsea, Lito at Via

"Hoy, babaita, bakit hindi ka pa umupo?" tanong ni Gemel kay Chelsea

"Yuck! It's so dirty kaya! It's so messy, you know?" maarteng sagot ni Chelsea

"Ang arte mo naman, eh mas marumi pa nga yung lumalabas sa pwet mo kesa sa sahig!" sigaw ni Gemel

"Whatever, freak!" sabi ni Chelsea at tumalikod na lang kay Gemel dahil wala sya sa mood makipag-away ngayon

Sa kabilang dako naman, "Ayos ka lang ba Via?" tanong ni Lito kay Via

"Oo, ayos lang ako, bakit naman?" sagot ni Via

"Wala, feeling ko lang kase parang hindi ka komportable, hindi ka ba sanay maupo sa sahig?" tanong ulit ni Lito

"Hindi naman sa hindi ako sanay na maupo sa sahig pero tama ka nga, hindi lang siguro ako komportable," sagot ni Via, agad namang naghanap ng mauupuan si Lito pero tanging kapiraso lang ng pahina ng isang dyaryo ang nakita nya, binasa nya ang title ng isang article "Isang panibagong school year na naman ang nadagdag sa Mortem Academy, Isang panibagong patayan ba ulit ang magaganap?" pero hindi rin nya ito pinagtuunan ng pansin at ibinigay kay Via

"Sorry Via, heto lang ang nahanap kong pwede mong maupuan," sabi ni LIto

"Hala, bakit ka pa nag-abalang maghanap? Ayos lang talaga ako, pero salamat na rin ha?" sabi ni Via at inilapag na ang dyaryo sa sahig at umupo, napansin naman ni Via na nakatayo pa rin si Lito

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon