Hide 'n Seek

979 35 8
                                    

Allysa's POV

Gabi na nang nakabalik kami sa subdivision mula sa school clinic ng Mortem. Hindi na kase kami pwedeng lumabas ng baryo kase alam na, yung tungkol sa sumpa. Mahirap na baka sabay-sabay kaming mamatay. Matatapos agad ang kwento kung sakali. Nang hindi na makayanan ng mga paramedics sa clinic, idiniretso na nila ito sa hospital. Sa daan pabalik, nabalitaan na lang namin na dead on arrival na si Ron. Naisip ko nga baka tuluyan na nga syang pinatay nung clown.

Hay buhay! Masyadong nakakapagod ang araw na ito hindi lang para sa akin, para na rin siguro sa iba. Lalo naman si Vina na kanina pa iyak nang iyak. Kahit naman napakasuplada nya minsan hindi ko pa rin maiwasang maawa sa kanya. Pero hindi kami masyadong close kaya pumasok na ako sa bahay. Pero bago ako makapasok, tinawag muna ako ni Jayson.

"Ally! Teka lang." -Jayson

"Oh, dude! Wazzup!" bati ko na lang para hindi awkward

"Allysa, kase... Gusto ko lang sanang... Mag-good night?" putol-putol pang sagot ni Jayson kaya natawa na lang ako

"Yun lang naman pala eh. Sige good night." bati ko at papasok na sana nang tawagin nya ulit ako

"Allysa! Kase yung tungkol sa inyo ni Lester? Yung tungkol sa... atin dati." patulala naman ako dahil hindi kaagad nag-sink in sa utak ko ang sinabi nya

"Anong tungkol sa atin?" tanong ko kase wala talaga akong idea

"Yung tungkol sa nararam..."

"Allysa!" hindi pa tapos ni Jayson magsalita nang dumating naman si Lester

"Oh dude! Wazzup! Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya

"Gusto ko lang sanang mag-good night kaso naunahan na ako ni Jayson eh." sagot nito sabay tingin ng masama kay Jayson

"Oh! Yun lang naman pala eh. Hindi naman kailangang mag-unahan kapag maggo-good night eh. Kahit naman nahuli ka maggo-good night pa rin ako. Gusto mo may kiss pa eh." sabi ko na lang sa kanya

"Talaga?" bigla namang umaliwalas ang mukha ni Lester sa sinabi ko na parang nabubuhayan ng loob. Naku, patay ka day! Andaldal mo! Bakit mo ba kase sinabi yun? Isip ka ng paraan, bilis!!! Nakita ko naman si Kyle na naglakad sa likod nila papunta sa bahay nila kaya tinawag ko ito.

"Joke lang. May boyfriend na kase ako eh. Baby!" lumingon naman sya kase alam na nya ang tungkol dito. Pinakiusapan ko na kase silang dalawa ni Grace na kung pwedeng mag-pretend muna kaming mag-syota ni Kyle at magpanggap na kerida si Grace at pumayag naman sila.

"Uy babe! Bakit gising ka pa? Magpahinga ka na!" sabi nya sa akin habang naglalakad patungo sa area namin. Paglapit sa akin ay agad nya akong hinalikan sa labi. Pero yung saglit lang na halik.

"Actually papasok na rin ako eh. Nag-good night lang sila." sagot ko at itinuro sina Lester at Jayson. Heto namang si Lester, nag-walk out pa kaya naiwan na lang si Jayson

"Pumasok ka na babe. Inaantok na rin kase ako. Good night babe!" bati nya at hinalikan ulit ako sa labi. Alam ko na ito eh. Umalis na sya kase umalis na rin si Lester. Ang usapan kase namin kahit kay Lester lang namin gawin ang pagpapanggap. Pero gawin rin naman namin kahit minsan kay Jayson para hindi maghinala.

Pag-alis ni Kyle ay ang pagpasok naman ni Grace sa bahay namin. Bago sya makapasok ay binigyan ko muna sya ng pang-kontrabidang ngiti sabay taas-kilay na parang sinasabing 'ang-sarap-ng-boyfriend-mo-hahaha-nasa-akin-na-ang-alas' pero akalain mo, sumagot yung mata nya? 'humanda-ka-mamaya-naka-ready-na-ang-kabaong-mo' pero sabay rin kaming natawa pagkatapos. Hahaha, ganyan talaga kapag magkaibigan. Imbes na hiraman ng pera o gamit, hiraman ng boyfriend ang ginagawa namin. Hahaha

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon