Chris' POV
Grabeee!!! Ang hirap ng exam! Pero ayos lang, kaya naman kahit papano! Bakit pa kase ako nabiyayaan ng matalinong utak? Well, magrereklamo pa ba ako?
After beryberyhard examinations, as usual, ugali ng mga instructor dito na magpa-movie marathon pagkatapos ng bawat pamatay ng quarter exams. Tradisyon kase ito ng Sanguinem. Ayon daw kase sa kanila, ayaw nilang tuluyang mabaliw ang mga estudyante nila dahil sa mga hard exams, na kasalanan din naman nila. Bakit pa kase sila nagbibigay ng mahihirap? Well para sa akin siguro baka first step pa lang ito, parang training ground kumbaga para sa mas mahirap pang challenges na haharapin namin sa buhay. Diba, ang talino ko? Sulit naman ang movie marathon dahil 1 whole week ang showing. Take note, maghapon pa! Kaya naman pagkatapos ng stress, nonstop namang tawanan, kiligan, katatakutan, iyakan na paniguradong pampatanggal ng stress. Aabsent ka pa ba kung ganito ang pamamahala ng school mo? Kung gusto mo naman, tara na dito sa Sanguinem! Magpa-enroll na!
Lunes ngayon so ibig sabihin ay umpisa na naman ng movie marathon na pinakahihintay ng lahat ng kaklase ko na siyempre pati na rin ako. Kompleto kami ngayon lahat featuring our two new classmates that is sooo weird!!! I mean it! Kase naman si kuya Zandrex, hindi masyadong nagsasalita. Laging tulala na parang laging may iniisip. Minsan mukhang galit, minsan mukhang malungkot, minsan naman nakangiti. Hay ewan! Hindi sya ganoong palasalita. Ni hindi nga nya kinakausap ni isa sa amin. Nakikipag-usap lang sya kapag may itatanong sa kanya ang ilan. Lalo na si ate Teena na uber makakapit kay kuya Zandrex. Nag-confess na nga agad-agad si ate Teena nung unang araw ng dating nila na mahal na daw nya si kuya Zandrex. Heto namang si kuya Joseph, kabaliktaran kay kuya Zandrex. Laging nakangisi na parang always na may kalokohan na iniisip. Madaldal at hindi ko masasabing palakaibigan dahil marami na syang kaclose. Feeling ko parang pinagtritripan lang nya ang mga kaklase ko? Kase minsan pabara pa sumagot. Lagi na ngang sumasama kina kuya Derrick.
8:30 na kaso wala pa si sir. Ang aga ko pa namang pumasok para lang mauna kung sakali sa movie marathon! Alam nyo yung feeling na 6 nandito na ako?
"Woah! Nakakabagot talaga! Nakakasira ng feslac! May powder ka ba dyan sistah? Ayokong maabutan ako ni fafa Joshua na haggard besh!" reklamo ni kuya Rommel kay kuya Jhomar na nasa harapan ko lang
"Heto meron." sabi naman ni kuya Jhomar at inilabas ang powder sa bag
"Maka-reklamo ka naman! Para namang ang ganda mo! Hindi na kailangan ng powder!" -kuya Orly
"Galing pa talaga sayo yan? Para namng ang-ganda-ganda mo! Unang tingin nga parang trunks ng puno yan mukha mo! Yung puno na pabulok na? At alam mo, yang mga ganyang mukha ang kailangan ng sandamakmak na powder!" inagaw naman ni kuya Rommel ang malaking powder ni kuya Jhomar. Binuksan nya ito at ibinuhos lahat sa ulo ni kuya Orly. Nagulat naman ang lahat sa ginawa nya lalo na si Kuya Jhomar
"Anong ginawa mo Rommel? Bakit mo itinapon yung powder ko? Galing pa yung UK!!!" sigaw ni kuya Jhomar
"Ang lakas naman ng loob mong sabihing galing UK yan! Nakita lang nama kita kamakailan na binibili yan sa palengke! Why so cheap sistah?" habang nagsasalita eh bigla na lang hinigit ni kuya Orly ang buhok nito. Dahil mas malaki ang katawan ni kuya Rommel, nagawa nyang sabunutan din si Orly at itinapon pa pabagsak sa sahig. Di na nakontento ay dinaganan pa nya ito at ipinagpatuloy ang pagsabunot
"What's with that rumpus guys?" bigla namang umayos ng upo ang dalawa nang dumating si sir Joshua
"Look, bakit meron tayo ditong taong-espasol? So cute." sabi ni sir Joshua
"Cute? Woah!!! Cute? Seriously sir, cute? Yang Orly na yan, cute? Hindi ko inaasahang tatawagin mo syang cute! Sinong may polbos? Sinong may polbosss!!!" sigaw ni kuya Rommel at inagaw ang bag ng mga babae. Siyempre ayaw naman nilang ibigay kaya nagtungo si kuya sa pinakalikod na bahagi ng room namin kung saan inayusan ito na parang laboratory. Kinuha nya ang isang plastic ng asin at ibinuhos sa sarili
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...