Convince

703 27 3
                                    

Nanatili sa kanilang silid-aralan ang natitirang sina Mara, Teena, Zandrex, Joseph, Rommel, Jayson at Lester sa ilalim ng isang laboratory table

"Kayong mga kalalakihan, protektahan nyo naman kami ni ma'am at ni Teena na mga kababaihan!" Kahit kinakabahan at takot, hindi pa rin maiwasan ni Jayson ang matawa ng malakas sa sinabi ni Rommel kaya agad itong binatukan ni Lester

"Ang ingay mo! Marinig pa tayo dito eh!" Impit na sigaw ni Lester.

"Bakit ba? Eh sa hindi naman belong si Rommel sa category na kababaihan eh! Kabebekihan pwede pa! Hahaha!" Di gaya ng kanina, mahina na ngayon ang pagtawa ni Jayson kaya naman natawa na rin si Joseph

"Zandrex! I'm so scared!" Sabi ni Teena at kumapit sa braso ni Zandrex na agad din nyang tinanggal.

"Ano ba? Stop flirting! Hindi ngayon ang tamang oras para kumerengkeng!" Sabi ni Zandrex

"Zandrex yang bunganga mo! Nakakasakit ka na ah! Hindi ka naman ganyan dati! Ano nang nangyayari sayo? Yan ba natutunan mo sa akin? Ganyan ba akong uri ng guro at hindi ko kayo na-supervise ng maayos?" Sabi ni Mara

"Sorry po ma'am." Sabi na lang ni Zandrex

"Babae si Teena Maime at babae din ako. Alam ko ang nararamdaman ng mga babae na matawag na flirt at kerengkeng. Kahit pa sabihin na nating malandi at pokpok ang isang babae, masakit pa rin para sa kanya ang matawag ng mga ganoong salita. Sa oras na ito Zandrex nasa gitna tayo ng kapahamakan. Aaminin kong pati ako ay natatakot na rin sa mga kaganapan pero tinatatagan ko lang sarili ko para sa inyong mga estudyante! Yan ang nararamdaman ngayon ni Teena kaya sya naghahanap ng comfort mula sayo! Kung ayaw mo edi wag! Bakit kailangan pang sabihan ng masasakit? Halika na nga Teena!" Sabi ni Mara at sya na ang yumakap kay Teena.

Maya-maya ay nakarinig sila ng kalabog mula sa pintuan kaya nagsisisigaw si Teena

"Teena, hinga. Keep calm!" Sabi ni Mara para mapatahan si Teena pero parang wala pa rin ito sa sarili na sigaw pa rin ng sigaw

"Pucha naman Teena! Nasa labas na nga si Chris! Ang ingay mo kaya tayo nabuko!" Sigaw na rin ng kanina pang nagtitimping si Zandrex. Nang matapos sumigaw ni Zandrex ay sya namang pagbukas ng pinto. Dahil sa taranta, napatakbo na lang sila sa kabilang pinto at doon lumabas. Mas binilisan pa nila ang pagtakbo nang makita ang hawak na kutsilyo ni Chris na galing pang canteen.

Takbo sila nang takbo hanggang sa makalabas na sila ng Sanguinem at umabot sila sa mahabang tulay kung saan makikita ang corpse river sa baba nito. Medyo malayo na si Chris pero nadapa naman si Teena at nasugatan pa sa tuhod at noo na nauntog sa kalsada

"TEENA!!!" Sigaw ni Mara at babalikan sana si Teena nang hinawakan ito sa braso ni Zandrex.

"Ma'am ako na. Mas mabilis akong tumakbo." Sabi nito at agad tinakbo si Teena

"Ayos ka lang? Bilisan mo nandyan na sya!" Sabi ni Zandrex at ipinatayo si Teena. Tatakbo na sana sila nang sumigaw si Chris

"Saglit lang kuya!" Bigla namang napako sa kinatatayuan si Zandrex sa narinig. Dahan-dahan itong lumingon at sa halip na si Chris ang nakita, si Lito na pagod na pagod ang nasilayan. Naiyak na lang si Zandrex sa kalagayan ni Lito kaya nilapitan nya ito

"ZANDREX!!! NABABALIW KA NA BA? PAPATAYIN KA NYA!!!" sigaw ni Teena nang papalapit na si Zandrex kay Chris.

"Lito!" Sigaw ni Zandrex at yayakapin na sana ito nang inunahan itong hampasin ni Chris ng kutsilyo sa mukha. Dahil sa lakas ng pagkakahampas, nahulog sa corpse river si Zandrex

"ZANDREX!!!" napasigaw at napahagulgol na lang si Teena nang nahulog si Zandrex sa tulay.

Hahabulin sana ni Chris ulit ang iba nang makarinig sila ng tunog ng sasakyan ng pulis. Imbes na tumigil, dumiretso ang sasakyan sa kinaroroonan ni Chris at sinagasaan ito. Pagkatapos sagasaan at inatsaran pa nila ito.

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon