Kinabukasan, ilan lang sa kanila ang pumasok dahil sa nangyari kahapon. Ilan lang sa pumasok ay sina Rowena, Troy, Carlo, Maricar, Allysa, Kyle, Grace, April, Justine, Zandrex, Via at Lito.
Justine's POVSa school, "Oh guys, bakit kayo lang? Nasaan yung iba?" tanong ni ma'am Mara
"Wala daw pong gana yung iba ma'am! Yung iba naman natatakot dahil baka umatake daw po ulit yung clown," sagot ni ate Rowena
"Woah! Meron na namang namatay?" nagulat na tanong ni ma'am Mara
"Opo, si Adrian po!" sagot ko, nabigla naman si ma'am sa sagot ko
"Nakita po namin mismo ang pagkamatay ni Adrian, tinanggal po ng clown ang ulo ni Adrian, nakita po kami ng clown kaya hinabol nya kami." dagdag ni Zandrex, naku, nagmamayabang na naman
"Ikaw na, ikaw na ang magaling! Ang galing mong magmagaling!" bulong ko pero narinig ito ni Zandrex, may balak naman talaga akong iparinig sa kanya
"Say what? Come again? Anong nagmamagaling? Sinagot ko lang naman ang tanong ni ma'am ah!" woo! Maang-maangan strikes!
"Teka, bakit hindi ba? Hindi porke ikaw ang lead vocalist ng banda ay ikaw na rin ang leader! Hindi yung sinasabi mo lahat ng gusto mong sabihin, at ginagawa mo lahat ng gusto mong gawin!" sigaw ko at nagsilapitan na ang mga kaklase namin para awatin kami, lalong-lalo na si Carlo
"Aah! Wag! Tama na fafa Justine! Ahh!" pagpigil sakin ni Carlo at yumakap pa sa akin, sigaw pa ng sigaw na parang nasasarapan, eew! nairita naman ako kaya hinawi ko sya palayo
"Ano bang sinabi ko? Ano bang ginawa ko?" nagtatakang tanong ni Zandrex
"Wag ka ngang magmaang-maangan! Kung makasalita ka parang ikaw lagi ang leader!" sigaw ko sa kanya
"Ano ba yun? Yun bang pagsagot ko kay ma'am? Sinagot ko lang naman ang tanong nya ah!" sagot ni Zandrex
"Bakit tinanong nya? Tinanong ka nya? Gosh! Wake up!" tanong ko dahil hindi naman talaga yun tinanong ni ma'am
"Okay, sabihin na nating hindi nga nya tinanong, at least ready ako!" sigaw ni Drex
"Ahaha! Ready? Hahaha, oo nga! Kaya pala late kang dumating na naki-practice sa amin kahapon! Dahil inuna mo yang babaeng yan!" hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko, tinuro-turo ko pa si Via dahil sa sobrang inis
"T-teka lang naman! Bakit ako nadamay dyan?" tanong ni Via
"Wow! Nice question Via! Muntik lang namang hindi naka-practice ang blood band kase inuna ka nya!" sagot ko
"Ganoon ba? S-sorry hindi ko alam na ako na pala ang dahilan ng pagkasira ng grupo nyo! I'm sorry!" halatang na-guilty si Via kase napayuko ito, yaan mo who cares? inakbayan naman ito ni Lito at niyaya sa labas, nakita kong nakatingin lang sa kanila si Drex
"Ano? Gusto mo na namang lapitan? Go! Pumunta ka! Unahin mo na naman yang Via mo bago ang practice natin!Tandaan mo, dalawa na lang tayong natitirang BB!" hindi na sya nakapagsalita pa
"OMG! Magpa-practice kayo? Sama tayo Bhe!" pagyayaya ni April sa syota nya habang nakakapit sa braso nito, agad rin namang itong tinanggal ni Kyle
"Oo nga Kyle! Tara! Manood tayo! Para naman makapag-bonding tayo! At kami na rin ni April" pang-aasar ni Allysa kay April at kumapit pa si Allysa sa braso ni April, natawa naman ng malakas si Mari kase alam nyang parte na naman ito ng drama nya
"Duh! Ikaw? kasama namin?" nandidiring tanong ni April sabay alis sa kamay ni Allysa sa braso nya
"Hahaha! Now you know! Nandidiri sayo si Kyle kapag kumakapit ka sa kanya! Hahaha" pagtawa ni Allysa na parang nang-aasar
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...