Second Stab

848 33 3
                                    

Killer's POV

Nandito na naman kami ni Leslei sa rooftop dahil ayon sa kanya meron na naman syang nadiskubre sa 7 stabs.

"Anong nalalaman mo, bilis! Masama pakiramdam ko ngayon. Masakit ulo ko!" reklamo ko sa kanya

"Si ma'am Mara ang second stab!" deretsahan nyang sagot

"Huh? Sinabi talaga agad? Walang paliguy-ligoy?" sinamaan naman nya ako ng tingin sabay tawa

"Hindi ka pa talaga nagbabago! Tanga ka pa rin besh! Hahaha!!!" binatukan ko naman sya dahil sa sinabi nya

"Manahimik ka nga! Pero seryoso? Si ma'am Mara talaga ang second stab? Pero bakit buhay pa rin sya hanggang ngayon? Yung tungkol sa death certificate nya noon na ipinakita mo? Anong ibig sabihin ng mga nun?" tanong ko sa kanya

"Nice question beshy! Kung ikaw tatanungin, bakit sa tingin mo buhay pa rin hanggang ngayon si ma'am Mara?" tanong nya pabalik sa akin

"Eh stab yun eh! Sasaksakin ibig sabihin nun." sagot ko na lang at napaisip ulit

"Tanga! Idiom yung 7 stabs! Porke 7 stabs, saksakan agad? Hindi ba pwedeng pitong biktima?" binatukan ko na naman sya sa sinabi nya

"Edi sana 7 victims! Tanga rin nung gumawa eh! Tsaka baka naman naka-survive si ma'am?" tanong ko sa kanya

"Maaari, pero sa tingin mo ano pa ang ibang dahilan." gegang babae ito. Ang sakit na nga ng bangs ko kahit wala naman, nakuha pa nya akong pag-isipin. 

"Baka naman may napagkamalang iba?" sagot ko na lang

"Exactly beshy! Natumbok mo! Kung hindi si ma'am, sino sa tingin mo ang mapagkakamalan?" tanong ulit nya. 

"Aba malay ko sayo! Ako talaga tanungin? Eh baka naman may kamukha si ma'am? Baka may kakambal sya." dahil doon ay pumulakpak si Leslei

"Akalain mo, kahit tanga ka may natatago ka palang katalinuhan beshy! Hahaha, ano ba ang totoong pangalan ng instructor nyo?" tanong nya

"Maka-nyo ka naman! Para namang hindi tayo magkaklase? Juleah Mara Borillo!" sagot ko na lang

"Exactly, at meron syang kakambal na kapangalan rin nya at halos kamukhang-kamukha nya. Sya si Jureza Mara Borillo. At si Jureza nga ang napagkamalan at sya ang napatay noon." sagot nya

"So anong magiging consequence kapag hindi nasunod ang nasa gadget?" tanong ko

"Ewan ko rin. Basta abangerz na lang tayo beshy! Malapit ko na ring makuha ang kabuuan ng 7 stabs. Konting push pa beshy at malalaman na rin natin ang resulta." tumango na lang ako dahil ayoko nang makipagtalo pa. Nakakasakit ng bangs kahit wala naman ako nun.

- - - - -

- - - - -

- - - - -

Zandrex' POV

"Hoy Lito!" pagtawag ko sa kanya nang masolo ko sya sa kwarto namin. Pagkagising kase namin nauna na si Kyle sa bahay nila Grace at Allysa. Meron daw mahalagang sasabihin. Kaya heto nandito sa kwarto ngayon si Lito na inililigpit ang tatlong kama sa kwarto. 

"H-ha? B-bakit? H-hindi ko sinasadya!!!" umiiyak nyang sigaw. Umupo pa nga sya sa sulok ng kwarto at doon umupo habang paulit-ulit na sinasabing wala daw syang kasalanan. Napataas naman ang kilay ko sa mga inaasta nya

"Huy, anong hindi mo sinadya? Tumayo ka nga dyan! Para kang tanga dyan!" sabi ko at lumapit sa kanya pero ibinaon lang nya ang mukha nya sa tuhod nya. Ano ba to? Nakokonsensya ba sa ginawa nya sa akin na pagpatay? Eh wala nga lang sa akin yun! Ayos lang sa akin yun! Hindi naman magbabago tingin ko sa kanya kahit pa nagawa nya yun! 

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon