Reveal it and You're Dead

945 27 3
                                    

Troy's POV

continuation...

Dahil sa sobrang aligaga naming tumakbo palabas, nabitawan na rin ni ate Rowena ang kandila kanina kaya wala ulit kaming ilaw ngayon. Buti na lang at maliwanag ang buwan ngayong gabi kaya maayos kaming nakakagalaw kahit papano. 

"Guys, excuse me lang. Tatawag lang ako ng ambulansya para kunin na si Gil." pagpapaalam ni ma'am Mara tsaka pumunta sa isang tabi

"Woo grabe! Akalain nyong nagawa ng killer pumatay sa gitna ng dilim?" sabi sa amin ni sir

"Kaya nga, baka may night vision something yung killer?" tanong naman ni Christian

"Eh sino ba sa atin ang may ganoon?" tanong ko sa kanila pero umiling lang silang lahat

"Eh Joseph! Baka naman yung sumipa sa paa natin ay iisa talaga? Baka talaga dumaan sa harap natin yung clown that time?" tanong ni Allysa kay Joseph

"Ano ba Allysa! Wag ka ngang magbiro ng ganyan! At wag naman sanang ngayon pa!" pagsita ko sa kanya

"Sorry ah, pero yun talaga ang pinaka-possible na pwede kong maisip na dahilan. Baka sa gitna ng talakan natin ay sumugod na ang killer!" sigaw nya

"Allysa ano ba!" sigaw ko rin sa kanya

"Sino na ba kase ang lintek na killer sa inyo?" tanong ni Allysa

"Eh sino ba kase ang tatahi-tahimik kanina na hindi nagsasalita? Baka yun na yun!" suggestion naman ni Vina

"Eh ikaw kaya kanina ang walang imik! Baka ikaw ang pumatay kay Gil?" tanong ni Allysa

"Nah! Oo nga at magkatabi kanina, oo nga at galit ako sa kanya. Pero hindi ko kayang pumatay ng tao no! Oo nga at tahimik ako, alam ko rin naman kaseng ibagay ang sarili ko at hindi makisabay ng sigaw sa inyo. Like duh? Kapag ikaw ba dumayo sa isang lugar magsisisigaw ka? May karapatan ka? Kaya nga hindi ko inaaway noon si Judy Ann eh, hahaha!" sagot naman ni Vina. Kahit papilosopo syang sumagot ay medyo convincing naman.

"Eh sino pa ba ang tahimik kanina?" tanong ni Allysa

"Si Kyle." sagot naman ni Lito

"Ano? Pagbibintangan nyo na naman ako?" sigaw ni Kyle

"Hindi kita pinagbibintangan! Sinagot ko lang ang tanong na sinong tahimik kanina? Masama ba yun? Tsaka anong na naman? Ngayon ka nga lang napagbintangan kung sakali! Yung rape incident totoo mo namang ginawa diba?" sigaw rin ni Lito

"Tama na okay! Tama na! Sobra na yan." pagsita ko sa kanila pero nag-walk out pa rin si Kyle. Pumunta sa isang tabi at umupo sa isang bench

"Guys, bakit pa natin patatagalin kung kilala ko naman kung sino ang killer?" napatingin naman kaming lahat kay Jorick

"Eh sino ba talaga ang killer? At nang matapos na ang kwentong ito! At nang malinis ko na rin reputasyon ko." natawa naman si Allysa sa sinabi ni Kyle pero binawi rin nang ma-realize ang sinabi nya.

"Eh sino ba ang tatahi-tahimik lang at nagpapanggap lang na mabait?" makahulugang tanong ni Jorick

"Aba malay namin sayo! Kung alam sana namin edi matagal na naming napatay! Eh ikaw alam mo na nga bakit hindi mo pa pinatay! Ang dami pa kasing pasikot-sikot na tanong! Talk show lang? Welcome to Tonight with Jorick Crisostomo, kung saan may bahay ang puso nyo! Brought to you by star wax floor wax!" sabi ni Allysa kaya binatukan ito ni Grace. 

"Allysa tama na! Lahat ng mata sa akin. Ito na ang tamang oras guys! Hindi ko na papahabain pa. Ang killer ay walang iba kundi... Ikaw Rowena Balleras!!!" lahat naman kami ay napasinghap sa sinabi ni Jorick. Lahat naman ng ngayon ng mata ay nasa kay ate Rowena na

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon