Night of All Nights

1K 32 6
                                    

Joseph's POV

"Sigurado ka ba talaga Zandrex na sasali ka sa Mr. Sanguinem? So papanindigan mo na talaga na taga-Sanguinem ka? Na Sanguinemista ka na? Ano, kakalimutan mo na yung pinanggalingan nating Academy?" sigaw ko kay Zandrex nang masolo ko sya sa room. Ang busy at ang hectic kase ng schedule namin. Sobrang siksik at parang ako na lang yata ang estudyante sa buong Academy ang chill-chill lang. Kung hindi ko man trip ang happenings, nandito ako sa room na natutulog. Sakto namang nandito ngayon si Zandrex para mag-ayos ng gamit sa gaganaping Mr. Sanguinem

"No choice eh. Ako pinakagwapo sa inyo!" sagot nya habang nananalamin kaya naman binatukan ko sya gamit ang paa ko. Nakaupo kase ako sa likod nya. Yung upong like a boss. Nakakatamad namang tumayo para batukan pa sya kaya naman paa ko na lang ginamit ko

"Ang yabang mo naman, so anong tawag mo sa mukha ko?" tanong ko sa kanya

"Uhm, Uglideous?" for the second time, binatukan ko na naman sya gamit naman ang kabilang paa ko.

"Hoy, ano na naman bang uglideous sinasabi mo?" tanong ko sa kanya

"Ugly + Hideous = Uglideous!" this time dalawang paa ko naman ang sabay na sumipa sa ulo nya. Nauntog pa nga sya sa salamin pero tumawa lang sya. Pasalamat sya hindi ganoong kalakas ang pagkakasipa ko, buti hindi pa nabasag yung salamin.

"Huy ikaw, sinasagot mo na ako ah! Noong nasa Mortem pa lang tayo halos hindi mo ako kausapin! Basta wag mong ipapanalo yang Mr. Sanguinem na yan! Para mo na ring tinraydor ang mga kasamahan natin sa Mortem nyan!" napatingin naman sya sa akin mula sa salamin

"Pakialam ba nila kung Sanguinemista na ako ngayon? Tsaka hindi naman nila malalaman yun." sagot nito at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng buhok.

"Malalaman at malalaman nila yun. Malay mo ako ang magsabi sa kanila." napatigil naman sya at lumingon sa akin

"Paano mo naman masasabi sa kanila ang tungkol dito, aber?" tanong nya sa akin

"Teleport! Hahahahaha! De, biro lang. Babalik ako sa Mortem." natawa naman sya sa sinabi ko

"Hahaha, talaga lang ah! Baka nakakalimutan mo, at baka hindi mo pa pala alam. Ipapaalala ko lang dahil baka hindi mo napapansin, mula nang dumating tayo dito sa Sanguinem nag-umpisa na ang patayan dito. Sa tingin mo ba nasa atin talaga ang sumpa?" ako naman ngayon ang natawa sa sinabi nya

"Hahaha! Ganyan talaga ang mga gwapong gaya natin, lapitin ng kamalasan!" sagot ko na lang

"Hahaha, kaya nga naman! Kaya pala ang swerte mo ngayong araw!" sarcastic nyang sagot kaya naman sinipa ko ulit sya pero this time sa puwetan naman nya kaya natawa sya.

"Hahaha, pero seryoso ako Zandrex, babalik ako ng Mortem." sabi ko sa kanya

"Hahaha, as if namang makakabalik ka doon." sagot nya na tumatawa pa

"Seryoso nga sabi ako! Babalik ako doon kahit pa anong mangayare!" sumeryoso naman sya sa narinig tsaka ulit sya nagsalita

"Gaya nga ng sabi ko sayo Lazaro, meron nang sumpa itong Sanguinem! Baka hindi na tayo makalabas dito ng buhay!" sigaw nya sa akin

"Tanga! Sa Mortem lang yun! Iba dito, kase kakaumpisa pa lang ng sumpa! Malay mo hindi pa nadiscover nung killer na gawin yung batas na yun! Hay naku, basta as soon as possible babalik na ako ng Mortem." paliwanag ko sa kanya

"Bahala ka nga Lazaro! Hindi talaga pinapagana ang isip!" nainis naman ako kaya sinipa ko ulit sya

"Ano na naman ba? Totoo naman diba? Isipin mo nga, kung babalik ka doon, ano sa tingin mo ang magiging reaksiyon nila? Alam na nila doon na patay ka! Tapos ngayon magpapakita ka?" sigaw nya sa akin

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon