Zandrex' POV
Lunes na ngayon at tatlong araw na ang nakalipas mula nung nanalo ako bilang Mr. Sanguinem. Heto ako ngayon kasama si Lazaro na kanina pa putak nang putak.
"Diba sabi ko sayo wag mong ipanalo yung Mr. Sanguinem?" sigaw nya
"Pang-ilang beses mo na yata yang nasabi ah? Wala na bang ibang ilalabas ang bibig mo?" naiirita kong tanong dahil kumakain ako ngayon dito sa ilalim ng puno sa may green fields.
"Meron pa namang ilalabas. Dura! Baka gusto mong madurahan ko yang pagkain mo!" sigaw nya
"Mukha mo!" sabi ko na lang at lumayo na
"Grabe, wag ka namang harsh kay kuya Drex! Diba dapat nga masaya ka ngayon dahil nanalo kaibigan mo po sa Mr. Sanguinem?" oo nga pala, kanina pa namin kasama itong batang si Chris. Ewan ko dito. Kanina pa sunod nang sunod sa amin.
"Wag ka ngang makialam bata! Una sa lahat, ayokong manalo sya sa Sanguinem dahil alam mo naman sigurong galing kami sa Mortem diba? So it means parang tinraydor na rin nya ang pinanggalingan naming Academy? Paano na lang kung bumalik kami at malaman nilang sumali at nanalo ito sa Sanguinem? Ano na lang sasabihin ng mga kaklase namin doon." sigaw nya sa bata. Kawawang bata, nasigawan ng di oras! Nangingialam kase
"Babalik po kayong Mortem?" tanong nya
"Oo! Gusto mong sumama?" -Lazaro
"Sige po! Kailan po ba kayo aalis?" at napaniwala pa ang bata. Kung sakali namang bumalik si Lazaro hindi ako sasama sa kanya. Para ano? Para balikan ang past? Matagal na akong nakamove-on kina Via, Lito at Kyle. At para linawin, wala na akong pakialam pa sa kanila!
"Soon, pero humanda ka. Merong gumagala sa Mortem na killer clown!" pananakot ni Lazaro na parang nakikipag-usap sa limang-taong gulang na bata
"Oo nga po pala, totoo po yung killer clown doon?" tanong nung bata
"Oo! At alam mo ba hanggang ngayon ay namimiktima pa rin sya. ala syang pinipili kahit bata o matanda. Basta kung sino ang trip nyang patayin ay pinapatay nya! Gaya na lang nyang si Lazaro. Buti nga at naka-survive ang lalaking yan! Sabi nga nila hindi madaling mamatay ang masasamang damo!" ako na ang sumagot sa bata.
"Talaga po? Ano pong ginawa sa inyo ng killer clown?" parang interesadong tanong ni Chris
"Oo totoo yun. Binaril nya ako sa dibdib ko pero buti na lang at hindi natamaan yung puso ko." sagot naman ni Lazaro
"Sayang nga eh." dagdag ko pa sabay kagat sa burger ko
"Hoy anong sayang? At hindi kita mapapatawad Zandrex! Bukod sa ipinanalo mo ang Sanguinem, tinawag mo pa akong masamang damo! Hoy, ang bait ko kaya!" natawa naman ako sa sinabi nya pero natigil din kami sa pagtawa nang dumating sa area namin ang dalawang pulis kasama ng iba naming mga kaklase.
"Wag po! Wag nyo po akong hulihin! Mabait po ako! Hindi po ako masamang damo! Wala po akong kasalanan! Hindi po ako nakikipag-cyber sex kaya please po! Wag nyo po akong hulihin!" palihim naman akong natawa dahil sa inakto ni Jose.
"Lahat kayo, sumunod sa inyong silid." sabi nung pulis at hindi pinansin si Lazaro.
Sa room, ayoko mang makinig pero kailangan. Pulis itong kasama namin ngayon eh.
"Ano po? Huhulihin nyo na po ako? Sige, ganyan naman kayo! Wala kayong consideration!" sabi na naman ni Lazaro
"Anong hulihin sinasabi mo bata?" tanong ng isang pulis
"Diba po kakasuhan nyo ako ng illegal possession of oh-so-handsome-and-charming-face? Sige po! Ito na pong wrist ko! Posasan nyo na po ako!" binatukan ko naman sya dahil magkatabi ulit kami
"Manahimik ka! Pulis yan!" bulong ko na lang. Buti na lang talaga at mukha namang walang interes ang mga pulis sa kalokohan nya kaya sinimulan nang magsalita ng isa pang pulis.
"Kilala na namin kung sino yung taong nakasalakot at nandito kami ngayon para arestuhin sya. Chineck na namin lahat ng CCTV sa buong campus at sa buong baryong ito. Talaga namang epektibo ang pagpapalagay ng kapulisan ng CCTV sa ibang bahagi ng baryo. Dahil dito ay nakilala at natunton namin kung sino ang killer. Ngayon, inaaresto ka na namin dahil sa pagpatay sa iyong mga kaklase..." tumigil muna sya saglit at tinignan kami tag-iisa. Teka, kaklase, ibig sabihin kaklase namin ang killer?
"You are under arrest..." hayan na naman! Ang hilig namang mamitin ni mamang pulis! Ano to, game show na kailangan pa ng commercial bago ang announcement?
"You are under arrest CHRIS FLORES dahil sa pagpatay mo sa iyong mga kasamahan!" nagulat naman ang lahat dahil sa sinabi ng pulis. Hindi nga ito nagsisinungaling. Nakita daw sa CCTV eh. Pero bakit? Ang bata naman masyado ni Chris para maging killer!
"P-po? T-teka lang naman po! H-hindi ko po alam ang s-sinasabi nyo! A-alam po ba ito ng daddy ko? Nasaan po ang daddy ko? Kailangan nya po itong malaman!" sigaw ni Chris pero hindi ito pinakinggan ng mga pulis at pinosasan na nila ito at hinila palabas ng silid.
.
.
.
..
Author's Note:
Hayan! Sya po ang killer! Bakit? Anong dahilan? Abangan nyo po mismo sa next chapter. Bibitinin ko muna kayo. Ang purpose ko lang po talaga sa chapter na ito ay ipakilala ang killer. At kung bakit? Yun nga, next chapter! Mwahahaha! Basta kapit lang sabi ng tarsier! Bye kabaryooos!!! :)))
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...