7 Stabs History

756 26 18
                                    

Author's Note:
Guys, this is it. Gaya ng sabi ko malapit nang matapos ang kwento. Kaya ngayong chapter, maliban sa malalaman na natin kung ano nga ba talaga ang nakaraan ng 7 stabs, malalaman na rin natin kung sino nga ba talaga ang killer...

Killer's POV

Nandito ulit kami ni Leslei sa rooftop dahil daw nakompleto na daw nya ang 7 stabs.

"Heto na ang nalaman ko sa 7 stabs beshy. Magrecap muna tayo. 1st stab, Marlyn Flores. 2nd stab, Mara Borillo. 3rd stab, hindi ako makapaniwala na si ate Rowena??? Si ate Rowena ang 3rd stab. Pang-apat, Jorick Crisostomo. Talagang hindi kapani-paniwala na bakit sila kasali sa 7 stabs! Ano ba kayang naging kasalanan nila sa past? Well heto na ang pang lima na pinakanakakabigla. Si sir Joshua!!! At yung ikaanim, whole special section. Tapos may parenthesis sa baba nya. Every generation daw. Tapos yung huli, gaya nung nauna, hindi ko kilala. Diana Natad eh. ibig sabihin may kapatid na babae si sir? Tsaka kapangalan mo pa..." ningitian ko lang naman sya sabay saksak ng mahabang screwdriver sa leeg nya

"Yeah! Tama nga! Ako si Diana Della! Wait, let me introduce the real me. I am Diana Natad, the one and only sister of Joshua Natad... And I am Mortem Academy's KILLER CLOWN!!!" 

- - - - -

Third Person's POV
flashback
3 years ago
Hindi pa Mortem Academy ang pangalan ng paaralang ito, kundi Blessed Angels Academy. Ito ang paaralang ni isa ay walang kasamaang nagaganap. Kilala ang Blessed dahil sa napakalinis nitong reputasyon.

1st year pa lang noon si Rowena nang makilala nya si Joshua na ngayo'y 4th year na. Masipag na estudyante si Rowena samantalang si Joshua ay basagulerong estudyante. Sa katunayan ay ikatlong taon na nya ngayon sa 4th year.

Nung unang taon syang nag-4th year, doon nya nakilala si Mara. Naging kaklase nya ito sa isang subject. Pero wala sa isipan ni Joshua na ligawan o lapitan man lang si Mara. 

Makalipas nga ang dalawa pang taon, doon na nakilala ni Joshua si Rowena. At nung panahon ding yun ay niligawan na nya ito at naging sila na nga. Dahil kay Rowena, nagbago ang basagulerong si Joshua.

Dumaan nga ang isang taon at mas tumibay ang kanilang relasyon. At sa isang taon na yun, hindi nababanggit ni Joshua ang tungkol sa kanyang nakababatang kapatid na si Diana.

Hanggang sa isang araw ay biglang dumating ang bagong instructor nila Joshua... Si Mara Borillo, ang istriktang instructor kahit na baguhan pa sya.

Dumating ang kanilang finals at tanging si Joshua lamang ang nasa bingit na ng pagiging bagsak. Dahil desedido nang makapasa, lahat ng bagay na pwedeng gawin ay ginawa na nya... maging ang pang-akit kay Mara.

Isang gabi, medyo late na ng gabi nang matapos si Mara sa mga ginagawa nyang records. Papalabas na sana sya ng gate nang makaramdam sya ng ihi, kaya naman kahit madilim, pumunta sya sa pinakamalapit na CR kung saan ang pinakamadilim na area tuwing gabi. Ang tanging ilaw lang dito ay ang nasa loob na mismo ng CR.

Saktong isinwitch nya ang ilaw ay ang pagpasok rin ni Joshua

"JOSHUA!!! ANONG GINAGAWA MO DITO???" sigaw ni Mara. Hindi naman kase ito yung tipong CR sa mga malls na may cubicle. Ito yung toilet agad ang makikita kapag pumasok.

"Ma'am, wala na po ba talagang pag-asa?" tanong ni Joshua

"I'm sorry Mr. Natad! Nagpabaya ka. Inuna mo pa kase ang love life mo kesa sa pag-aaral! Kahit anong adjustment ang gawin ko sa grades mo wala pa rin. I'm sorry, pwede ka nang lumabas." sabi ni Mara pero natinag si Joshua

"Wala na bang paraan?" tanong ni Joshua with a seductive tone

"I-I'm sorry wala na talaga." sagot ni Mara

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon