Start of Something New

1.6K 31 11
                                    

Rowena's POV

Madilim pa lang pero nakarinig na ako ng ingay mula sa labas. Bumangon ako at tinignan ang oras, ala-una pa lang ng umaga. Lumabas ako para tignan kung anong kaguluhan yun. Laking gulat ko nang makita kong pinagkakaguluhan si Maricar na ngayon ay nakapako sa poste gamit ang malalaking pako. Nakita rin namin na tadtad ng turnilyo ang buo nyang katawan. Muntik pa nga akong nasuka nang makita ko ang lapnos nyang mukha na halos di ko na makilala. Mukhang sariwa pa ang mga paso sa mukha ni Maricar dahil sa mga tumutulo pang mga dugo at puting likido ma parang nana. Sinalubong naman ako ng takot na takot na sina tita Martha at tito Rudy.

"Anak! Si Maricar!" sabi ni tita habang umiiyak, niyakap ko naman sya at pinilit na wag umiyak

"Napakababoy naman ng gumawa sa kanya nito." sabi ni tito habang pinapanood ang mga pulis na nag-iimbestiga kay Maricar

"Sir, wala po kaming lead kung sino ang pumatay sa kanya. Ang tanging ebidensya lang namin ay ang panyong ito na may ammonia. Posible pong ito ang ginamit ng killer sa pagpapatulog sa biktima bago nya ito pinatay. Pero ayon pa po sa aming mga na-imbestiga, hindi po nakatulog ang biktima dahil may mga signs na nanlaban ito." sabi ng isang pulis na pumunta sa area namin at umalis rin agad

"Malakas talaga ang kutob ko eh! Parang may kakaiba sa mga nangyayari ngayon. Parang may something na ipinapahiwatig ang mga ito." sabi ni tito

"Ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ko

"Ah wala wala. Wag mo nang intindihin. Nga pala, nakatulog ka ba ng maayos kagabi? Magbihis ka na at maga-alas dos na. Dadaan na pamaya-maya ang bus." sabi ni tito

"Uhm, hindi na po ako pupunta ng Nueva Viscaya. Didiretso na lang po ako sa Pangasinan. Si Maricar po kase ang taga-Nueva Viscaya. Ihahatid ko po sana sya sa Nueva Viscaya at diretso nang Pangasinan. Pero wala na po sya kaya sa Pangasinan na lang po ako." sabi ko

"Ganoon ba? Eh mamayang 4 pa ng umaga ang bus papuntang Pangasinan. Magpahinga ka na at kami na lang ng tito mo ang bahala dito." sabi ni tita

"Sige po, salamat. Pero sorry po talaga sa abala. Hindi ko naman po kase alam na magkakaroon ng ganito, lalo na po sa mismong bahay nyo po." sabi ko na lang

"Ano ka ba, ayos lang. Naiyak lang ako kase naalala ko yung anak ko na pinatay rin dito sa mismong bahay noong nakaraang buwan. Tsaka ano ka ba? Wala ka namang kasalanan. Bakit ka nagsosorry?" sabi ni tita. Napangiti na lang ako dahil sa sobrang bait ni tita.

...
FAST FORWARD
...

At hayun na nga, 4 na nung nakasakay ako ng bus. Hinayaan na lang namin ang mga pulis sa pagi-imbestiga kaya pinauna na ako nina tito at tita. Nagkaroon pa nga ng konting iyakan kanina bago ako umalis. Pero ngayon, mag-isa ko na lang dito sa subdivision. 8 na ng umaga ako nakarating. But wait, ano itong naabutan ko sa subdivision? Bakit may malaking butas dito sa gitna? Sa tabi ng basketball court? Sink hole? Hindi naman mukhang tao ang may gawa kase napaka-imposible naman. Napakalaki nito at hindi ito kayang gawin sa dalawang araw lang na pagkawala namin. Sink hole nga siguro ito. Buti na lang nakabakasyon kami bago nagkaroon neto. Hinayaan ko na lang at pumunta na akong food storage para kumuha ng pagkain ko sa buong stay ko ng mag-isa dito sa sub

Gabi na at kumakain na ako ng dinner nang tumawag si ma'am Mara. Bigla namang kumulo ang dugo ko pero hindi naman masyado kase naka-move on naman na ako. Naka-move on na nga ba talaga ako? Sinagot ko na nga lang

"Hello po ma'am!" bati ko sa kanya

"Hello miss Rowena. Naihatid mo na ba si Maricar?" tanong ni ma'am

"Hindi ko po naihatid eh. Nasiraan po kase kami kahapon ng sasakyan. Eh nakitulog po kami kagabi sa isang bahay na nadaanan namin sa gitna ng bukid pero naabutan po kami doon ng killer at pinatay si Maricar." narinig ko namang nagulat si ma'am

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon