Epilogue

1.3K 43 27
                                    

Most Tragic Ending untold part...

Pagkalabas ni Kyle sa room para sundan si Grace, pasimple ring lumabas si Zandrex para sundan ang kapatid.

Papalabas na sana ng gate si Zandrex nang mamataan sa di kalayuan sa nagtitinda ng fishballs si Grace na buhat-buhat ni Diana. Dahil malayo sya at dahil na rin sa benda sa ulo ni Diana, hindi ito agad namukhaan ni Zandrex. Nakita rin nya si Kyle na hinihila si Grace mula sa pagkakapasan ni Diana. Lalapit na sana si Zandrex nang makitang nakasakay na si Diana at Grace sa sasakyan at umandar na ito palayo. Si Kyle na lang sana ang lalapitan nya nang tumakbo na rin ito palayo para habulin si Grace. Wala nang nagawa pa si Zandrex kundi kunin ang bike ng fishballs at yun na ang sinakyan para sundan si Kyle. 

Pagkarating sa bahay ng clown, agad ring sumalisi si Zandrex at naghanap ng ibang madadaanan. Sa pinakalikod sya dumaan pero hindi sa mismong back door. Umakyat sya sa garahe at tumalon papunta sa balkonahe sa second floor at nagawa naman nyang makakapit at makaakyat. Papasok na sana sya sa pinto ng balkonaheng yun nang marinig na nag-uusap sina Grace at Kyle sa kabilang side ng pinto na para bang nagpapaalaman. Tatawagin na sana nya ang dalawa nang makita ang clown at tinusok si Kyle sa likod gamit ang tubo. Pagkatusok ay agad ring umalis yung clown at isinara ang pinto. Dahil chance na ni Zandrex makapasok, agad nyang pinuntahan ang dalawa at nakita nyang may pulso pa si Grace pero mahinang-mahina na. Kaya inuna nyang dinala si Grace pababa sa balkonahe. Dahil sa nakitang lubid sa silid, ginamit nya ito para itali si Grace sa katawan nya para hindi na mapaano pa.

Pagkatakas sa area, agad nya itong ipinadala sa tito nyang doctor sa states tsaka bumalik na sa subdivision. Dahil sa sobrang bangag sa mga nakita, hindi na nagawa pang naikwento ang lahat ng nangyari sa mga kasamahan.

Sa States, hindi na nakayanan pa ng katawan ni Grace at tuluyan na nga itong namatay. Pero dahil sa galing at talino ng doctor, nagawa nyang iligtas ang baby ni Grace sa pamamagitan ng test tube baby system. Nagawa nyang buhayin ang baby sa pamamagitan ng paglagay ng baby sa isang higanteng test tube at lagyan ng iba't-ibang chemical para lang maka-survive ang baby.

Makalipas ang ilang buwan, nagtagumpay ang doctor at nabuhay na nga nya ng tuluyan ang baby. Pagkaraan ng labing pitong taon, bumalik sa Pilipinas ang batang ito at pumunta sa baryo kung saan matatagpuan ang Mortem Academy...

...At para na rin ipaghiganti ang lahat ng nangyari sa magulang nya...

...

...

...

...

...

...At sya na ngayon ang bagong killer ng Mortem Academy!!!

COMING SOON:
Mortem's Curse: Revenge from the Test Tube (Baryo's Book 2)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon