Moon Presence Power Make-Up!!!

1K 34 8
                                    

Zandrex' POV

"Guys, bago ko kayo i-dismiss, ipapaalala ko lang na next week na ang gaganaping school feast. At ang gagawin nating pakulo next week ay cosplay! Magcocosplay ang ating group ayos sa napagkasunduan." paliwanag ni ma'am Mara

"Hoy ma'am! Mawalang galang! Hindi po natin yan napagkasunduan ah! Wala akong sinasang-ayunan dyan!" sigaw naman ni Joseph

"Its majority!" sagot naman ni ma'am

"Oo nga't majority! Pero paano naman ako na hindi sumang-ayon?" tanong ni Joseph

"Sorry ka na lang Mr. Lazaro. Pero its majority! Bad for you kase required ang lahat ng students every group na pumunta sa school feast at makisali sa gagawing booth ng grupo." sagot ni ma'am Mara sabay ngiti ng nakakaloko.

"Urgh! Bakit ba kase ayaw nyo yung suggestion ko?" sigaw ulit ni Joseph

"Sino ba naman ang sasang-ayon sa sinabi mong beach party? At kailangan pa talagang required lahat na mag-bikini? Ang tapang ng libog mo no!" sagot ko sa kanya kase magkatabi kami ngayon

"Oh, chill ka lang baby! Wag ka namang masyadong hot! Nakaka-tempt ka kase kapag nagagalit eh! At yung tanong mong sinong sasang-ayon sa kanya sa beach party? Ako! Gusto na kase kitang makitang mag-topless!" sabi sa akin ni Teena sabay haplos sa dibdib ko. Nangilabot naman ako kaya kinuha ko na yung bag ko at tumayo.

"Ma'am, tapos na po ba ang announcement? Pwede na bang umalis?" tanong ko kay ma'am at hindi na hinintay ang sagot at lumabas na. Pero bago ako makalabas, tinawag ako ni ma'am kaya natigil ako sa paglakad pero hindi ako lumingon.

"Zandrex, sinong anime ang gagayahin mo sa Lunes?" tanong ni ma'am. Oo nga no? Hindi ko pa pala naiisip yun. 

"Abangan nyo si Naruto sa Lunes!" sagot ko lang tsaka lumabas. Nang nasa labas na ako ng room, narinig ko pang tumili si Teena

"WAAAAA!!! Si Zandrex, magna-Naruto! Magshi-Shizuka na lang ako para match kami." natawa naman ako sa sinabi nya, maging ang mga tao sa loob ay natawa na rin.

"Gaga! Kailan pa naging match sina Naruto at Shizuka? Hahaha!" narinig kong pagsita ni Maggie

"Uy, ang ganda kaya ng tandem nila! Naruto + Shizuka = NaZuka! Paniguradong Nazuzuka na ngayon si Zandrex kung sakaling narinig nya si Teena! Hahahaha!" tama nga si Joseph, hahaha. Pero hindi naman ako nasusuka kay Teena. Maganda naman sya at sexy. Ideal kumbaga para sa mga lalaki. Pero ewan ko kung bakit hindi ako attracted. Siguro mahal ko pa rin siguro si Via? Ah ewan. Basta!

Pumunta na ako sa locker ko pero wala na akong nakitang death note doon. Day off ni salakot? Astig!

Mara's POV

"Quiet na class. Lalo ka na Joseph! Hindi ka pa rin nagbabago. Wala ka pa ring pakialam sa nararamdaman ng iba! So maiba tayo, ililista ko na lang lahat ng gagawin nyo next week para mapaghandaan natin yan. Ikaw na muna Teena Maime, sigurado ka ba talagang si Shizuka ang gagayahin mo next week?" tanong ko sa kanya

"No ma'am. Siyempre charot ko lang yun! Alam ko namang sa Doraemon si Shizuka. So magsa-Sakura na lang ako ma'am." sagot nya tsaka ngumiti ng tipid.

"Ikaw Mr. Lazaro?" tanong ko sa kanya.

"Sasuke po. Sasuke na hindi letter P yung third letter." Nagets ko naman agad ang gusto nyang iparating kaya iniba ko na ang usapan

"Kayo dyan sa likod Mr. Viloria and Mr. Cabotaje?" Tanong ko sa kanila kase pansin kong hindi sila nag-iimikan. Kadalasan kase sila ang maingay sa klase.

"Inuyasha" sabay pa nilang sagot kaya nagkatinginan sila. Nasa magkabilang side ng table kase sila.

"Goku na lang." Sabay ulit nilang sagot.

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon