Rowena's POV
Niyaya ko si Troy sa lumang bahay sa tabi ng ilog malapit sa subdivision namin,
"Ano namang sasabihin mo at kailangan pang dito tayo sa labas?" tanong agad ni Troy
"Nakakalima na ang killer! Kailangan na talaga nating gumawa ng aksyon bago pa tayo maubos!" sagot ko naman
"Rowena, diba nga sabi ko, wag tayo basta-basta gumawa ng plano o move dahil baka tayo ang isunod ng killer?"
"Kaya nga gagawa na tayo ng plano!"
"So ano ngang plano? Yung mainam naman na plano, yung pinag-isipan! Baka naman tayo nyan ang mahulog sa patibong ng clown na yan!"
"Exactly! Gagawa tayo ng patibong para sa killer." halatang nabigla si Troy sa sinabi ko
"Wow! At sa paanong paraan naman? tanong nito"
"Kailangang isa sa atin ang magpanggap bilang isang victim, sya ang gagawin nating pain!" mas nabigla si Troy sa mga sinabi ko
"Sure ka? Eh isasacrifice mo ang buhay ng isa sa atin eh!"
"Kung yun ang tanging paraan edi gawin natin! Para mamatay na ang killer na yan!" sigaw ko sa kanya dahil hindi nya ako naiintindihan
"Ate! Delikado yan! Wag mo namang isakripisyo ang buhay natin dyan"
"Kung ayaw mo edi ako ang gagawa, basta tumulong ka! Inuutos ko yun sayo sa ngalan ng pagkapresidente ko!" yun na lang nasabi ko at bumalik na sa subdivision, napansin ko naman na sumunod na rin sa akin si Troy
"Guys, meeting tayo sa basketball court!" bilin ko sa mga tao sa bawat bahay. After 5 minutes ay nakompleto na kami sa basketball court
Grace's POV
Nakompleto na kaming lahat dito sa basketball court. Hindi pa masyadong mainit kase maaga pa naman. And guess what? Katabi ko ulit si Kyle. Akalain mo nga naman. Pero hindi ko na lang tinitignan, hindi ko pinapansin. Kunwari na hindi ko na lang sya nakita
"Okay guys, marami nang napatay ang killer clown na yun. Kailangan na nating umaksyon, kailangan na nating kumilos!" pag-uumpisa ni ate Rowena, lumapit naman sa kanya si Troy at may binulong. Narinig ko naman ito kahit paano.
"Tama ba yang ginagawa mo? Pinatawag mo silang lahat? Baka isa sa kanila ang killer?" tanong nito
"Wala akong pakialam kung isa man dyan ang killer! Basta ang mahalaga, masabi ko ang balak ko" sagot ni ate, napabuntong hininga na lang si Troy at pumunta sa area namin
"So anong balak mo miss president?" tanong ni Christian
"Balak ko sana na isa sa atin ang magsacrifice at maging pain ng killer!" nagulat naman kaming lahat sa sinabi ni ate. Seriously? Meron isa sa amin na magsasacrifice at gagawing pain para lang malaman ang killer?
"Anyone? Na gustong magsacrifice?" nagkatinginan naman kaming lahat, pero iniiwasan ko pa ring tumingin kay Kyle. Nagulat na lang kami nang may isang nagtaas ng kamay, si Diana
"Ako na lang po! Kapalit po ng pagkamatay ng kuya ko. Namatay sya dito dahil sa section na ito! At kung ang buhay ko man ang maging kapalit para malutas ang krimen, ayos lang! Go for it!" nagulat naman ako sa sinabi nya. Napansin ko rin sa itsura ni ate Rowena na parang nakaramdam ng guilt
"So isa ka sa namatayan dito?" malamig na tanong ni Jorick
"OO! Isa ako sa namatayan! Namatay sya sa section na ito at gusto ko nang malutas ito para sa hustisya ng kuya ko!" sigaw nya, ewan ko lang kung guni-guni ko lang ito, parang ngumiti o tumawa si Jorick? Ewan ko, tumalikod na kase
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...