Bago ang lahat, maikli lang po itong part na to. Di ko na po ilalagay ang buong detail ng play. Basta po itutuon ko na po ang part na ito sa patayan... Enjoy po!!!
Stage Play:
Lahat ng estudyante ng MA ay naka-ready na sa panonood ng kanilang program. Samantalang nasa iisang silid naman sina Mara at mga estudyante nya sa likod ng stage para sa preperasyon ng gaganaping play.
Pagkatapos ng maraming ka-artehan ng program, nagsimula nang sumalang ang ibang characters ng play. Maliban kina Diana at Christian, naiwan sa backstage sina Rowena at Troy dahil sa isa sila sa nag-organize ng play. Naiwan rin sa backstage sina Jorick at Lito dahil sa marami na masyado ang characters at wala nang pwede pang slot para sa kanila.
Sa kalagitnaan ng play, rinig sa backstage ang bawat hiyawan, tilian at tawanan na nagaganap sa stage
"Hala guys! Nakaka-curious naman ang mga ganap sa labas! Tara, nood tayo!" sabi ni Diana
"No! Sigurado namang may mga magvi-video sa kanila at magpapasa sa atin. Hintayin nyo na mamaya." nadismaya naman si Diana sa sinabi ni Rowena
"Ate, pagbigyan mo na si Diana! Iba naman kase yung napapanood mo sila ng live." pagtanggol ni Christian
"Sige na nga. Pumunta na kayo. Maiwan na lang ako dito. Walang magbabantay sa mga gamit natin eh." sabi ni Rowena
"Rowena! Hanggang dito ba naman nangingibabaw pa rin yang president-shift mo? Kahit ngayon lang naman na magpaka-student-shift ka! Magpakasaya ka naman paminsan-minsan!" sabi ni Troy
"Oo nga naman ate! Ako na lang magbabantay sa mga gamit natin dito! Ako na lang ang maghihintay sa video na ipapasa mamaya. Punta na kayong lahat sa stage!" sabi ni Lito kaya wala nang nagawa pa si Rowena kundi ang sumama kina Christian, Diana at Troy. Naiwan naman sa backstage sina Lito at Jorick
"Uy, tol! Di ka ba sasama sa kanila! Manood ka rin dun! Ako na dito!" sabi ni Lito
"No! Not interested! Baka may masama pang mangyari dun! Excuse me, magc-CR lang ako!" sabi ni Jorick at lumabas na. Naiwan namang nagtataka si Lito sa inasta ni Jorick kaya itinuon na lang nya ang pansin sa mga bagay na pwedeng libangan. Maya-maya ay pumasok na lang si Maricar sa loob ng backstage na nagmamadali
"OH MY!!! OH MY!!! LATE NA BA AKO? BWISIT NA SERVICE NATIN NA YUN! INIWAN BA NAMAN AKO SA SUBDIVISION! NAKAKA-STRESS!!! TAS DI KO PA MAHANAP YUNG COSTUME KONG CLOWN! NAKITA MO BA YUN DITO? TAS NILAKAD KO PA MULA SUBDIVISION HANGGANG DITO! NAKAKA-STRESS TALAGA!!!" natatarantang sigaw ni Maricar habang naghahanap ng damit sa cabinet
"Teka, teka nga Mari! Pinagsasabi mong costume? Diba nga isinuot mo na kanina?" nagtatakang tanong ni Lito
"Excuse me? Nakikinig ka ba Mr. Lito Orina? Diba nga po sabi ko kakarating ko pa lang? Late na nga ako diba?" sabi ni Maricar
"You're kidding! Diba kanina ka pa dito? Suot-suot mo pa nga yung clown costume bago ka umalis na bahay diba?" matawa-tawang sabi ni Lito
"I'm not kidding, huh! Nakaka-stress ka talaga Lito! Wag mo nga akong ginaganyan at nagmamadali ako! Ano nang ganap? Nag-umpisa na ba sila? Late na ba talaga ako?" natatarantang sabi ni Maricar habang di naman ma-explain ang nararamdaman ni Lito
"Huy! Tinatanong kita kung late na ba ako! Sumagot ka, wag kang mamutla dyan!" sabi ni Maricar
"Kakarating mo pa lang ba talaga? Eh sino yung clown na kanina pa naming kasama? Sino yung kasama nila ngayon sa stage?" takot na tanong ni Lito
Stage:
Kasalukuyang eksena sa stage ngayon ay ang part ni Regine na nagmo-monologue. Ang scene ay magdradrama sya mag-isa sa stage, nang biglang pumasok ang clown sa eksena at nagsasasayaw na lang sa harap ni Regine. Nagtawanan naman ang mga tao dahil sa inaakala nilang part ito ng play.
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...