Thorn Between Two Lovers

984 34 0
                                    

Halloween Special (DAW???)

Pamille's POV

Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmok dito sa subdivision. Paano, naiwan ko lahat ng cosplay costumes ko sa bahay namin. Pati mga cd's at libro kong anime wala rin. 

"Pamille!!!" hay naku! Boses pa lang nya naaasiwa na ako! Humiga na lang ako sa kama ko at nagtalukbong.

"Pamille!!! Yoohoo!!!" pagpapatuloy nya sa pagsigaw

"Hey, besh! Tinatawag ka ni papa Gab sa baba." pagtawag sa akin ni ma'am Mara. Ibang klase rin makipag-usap sa mga estudyante nya itong si ma'am ah! Tropa lang?

"Pakisabi ma'am patay na ako." sagot ko habang hindi pa rin bumabangon.

"Papa Gab! Ayaw daw nya magpakita sayo. Nagba-blush ang lola mo kase! Patay na patay daw kase sayo." napabangon naman ako nang wala sa oras dahil sa sinabi ni ma'am. Agad akong pumunta sa balcony at hinigit papasok si ma'am gamit ang buhok nya.

"Ma'am hindi yun ang sinabi ko." imbes na sumagot, tinawanan lang ako tsaka lumabas na

"Pamille! Alam kong nandyan ka! Bumaba ka na!" dahil na rin sa inis ko, padabog akong lumabas ng balcony

"Ano kailangan mo!" sigaw ko sa kanya

"Gusto mong gumala?" tanong nya

"Saan naman?" tanong ko sa kanya

"Sa sementeryo!" taas noo nyang sagot, naku alam ko na ito

"Ano? Dadalawin natin yung puso mong patay na patay sa akin?" inunahan ko na dahil alam ko namang doon rin hantungan ng usapan.

"Buang! Hindi! Pupunta talaga kami sa sementeryo nila Leslei at Samuel! Sama ka? Dadalawin daw natin yung mga namatay nang kaklase nila dito." napahiya naman ako sa sagot nya, naku! bumuka na sana ang lupa at kainin ako! Pero wait, sasama si Samuel? GO!!!

"Sure thing! Ngayon na ba?" tanong ko

"Yeah, kaya bilisan mo! Tumalon ka na bilis!" sigaw nya at inilahad sa akin ang kamay nya. Hindi yung parang sasaluhin nya ako. Yung kamay na parang sasaluhin ang hinaharap ko.

"Che! Sige susunod ako! Magbiihis lang!" sabi ko at papasok na sana nang sumigaw ulit

"Magbibihis ka? Sama ako!" dahil doon ay nilakasan ko ang pagsara ng pinto ng balcony. Nagbihis muna ako bago bumaba.

"You're on your knees, begging please, stay with meee!!! But honestly, I just need to be a little crazyyy!!! Yeah!!! All my life I've been good but now, woahhhh I'm thinking what the hell!!! All I want is to mess around, And III don't really care about!!! If you love me, if you hate me, you can't save me baby, baby!!! All my life I've been good but now, ooohhh WHAT THE HELL!!!" paglabas ko pa lang ng bahay sinalubong na agad ako ng malakas na birit ni Rommel ng Avril Lavigne song. 

"Good morning Pam!!!" bati sa akin ni Rommel nang makita ako. Ngumiti lang ako bilang sagot pero sana wag naman nyang mahalatang pekeng ngiti lang yun! Yung ngiting WTF kase ang ibinigay ko sa kanya. Umagang-umaga kase ang-ingay. Dagdag pa itong si Gabriel, nagsisisigaw sa labas kanina.

"Oh, principessa? Bakit nakabusangot ka? Ang aga eh!" tanong ni Gab at inakbayan pa ako. Agad ko rin naman itong inalis at sinamaan sya ng tingin

"Sissy! Bakit bad mood ka?" tanong naman sa akin ni Leslei. Ewan ko kung true itong ipinapakita nya. Minsan kase seryoso, minsan nakabungisngis. 

"Wala! Masama lang gising ko." sagot ko na lang tsaka umiwas na ng tingin.

"uy, wag ka nang malungkot! Smile lang!" sabi sa akin ni Sam. Ewan ko kung bakit, napapangiti ako kapag sya kausap ko

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon