Chris' POV
"Ano na? Sige na! Punta ka na bilis!" sabi ni kuya Derrick habang pinipilit ibigay kay kuya Lester yung isang bouquet ng roses. Grabe si kuya Derrick! Ginastusan pa talaga nya ang dare ni kuya Lester. Bumili pa ng dalawang bouquet ng roses para kina kuya Rommel at kuya Jhomar. Mag-isa ngayon ni kuya Jhomar sa may locker area kaya pinilit nila itong lumapit.
"Oo na! Ito na! Wag kang manulak nga dyan! Ikaw itulak ko sa bangin eh!" pabulong na sigaw ni kuya Lester at inagaw kay kuya Derrick yung bulaklak
"Ehem, excuse me Jhomar." sabi ni kuya Lester habang nag-aayos ng gamit sa locker si kuya Jhomar
"Uhm, hi!" bati ni kuya Jhomar
"Flowers, para sayo!" nagulat naman si kuya Jhomar sa ginawa ni kuya Lester. Kilala kase si kuya Lester na ayaw sa mga babae dahil sa pagkawala ng girlfriend nya. Pero ngayon, gulat si kuya Jhomar dahil sa kanya sya ngayon nagbibigay ng bulaklak. Tawa naman ng tawa ang mga kasama ko dito sa may pader. Nagtatago kase kami habang pinapanood si kuya Lester. Baka mapahamak pa kami ng di oras dahil sa kaingayan nila.
"T-talaga? Para sa akin ito?" gulat na tanong ni kuya Jhomar. Napakamot naman sa batok si kuya Lester bilang sagot. Ngumiti na lang ito ng bahagya para hindi mahalata
"Hope you like it!" nagulat na lang kami nang hinalikan ni kuya Lester sa pisngi si kuya Jhomar na sanhi ng mas lalong pagsigaw ng mga kasama ko. buti na lang talaga at medyo malayo kami sa kinaroroonan nila. Nakita ko ring namula ng bahagya si kuya Jhomar. Bumalik na sa amin si kuya Lester at nakatanggap pa sina kuya Derrick, kuya Danilo at kuya Jayson ng tag-iisang malalakas na batok
"Hayan! Ayos naman na siguro?" tanong ni kuya Lester
"Hoy hoy hoy! Anong ayos na? Meron pa! Ibigay mo pa itong isa kay Rommel!" sigaw ni kuya Derrick at inihampas sa mukha ni kuya Lester ang isa pang bouquet.
Sa may canteen, as usual na laging nakatambay si kuya Rommel kaya dito kami nagtungo
"Oy, nasa canteen tayo! Kaya kailangan public announcement gagawin mo!" bulong ni kuya Jayson
"Hoy! Pumayag na nga ako sa dare ninyo! Wala naman sa usapang public announcement!" sigaw ni kuya Lester
"Sige ka, hindi ako kukuha ng remembrance sa bahay ng girlfriend mo!" pagbabanta ni kuya Jayson
"Oo nga! Hindi na rin ako tutulong sa paghahanap sa pumatay sa kanya!" pagbabanta rin ni kuya Derrick
"Sige na! Akin na yang bouquet para matapos na!" sigaw ni kuya Lester at pumunta na sa loob ng canteen. Gaya ng kanina, hindi na naman namin inasahan ang ginawa ni kuya Lester. Tumayo pa talaga sya sa isang bakanteng table
"ROMMEL DELA CRUZ!!!" sigaw nito na parang may hinahanap. Nakita pa naming nagbulung-bulungan ang mga tao sa loob
"Yes?" sigaw din ni kuya Rommel mula sa counter
"May inihanda lang ako para sayo! Roses for you!" napatili naman ang ibang nakarinig. Pero feel ko parang tiling nakakita ng multo, hahaha!
"YES I DO!!! I WILL MARRY YOU!!!" sigaw ni kuya Rommel at dali-daling umakyat sa mesa at niyakap si kuya Lester pero kumalas din agad ng yakap si kuya at tumakbo palabas. Hinila naman ito ni kuya Derrick
"Ano na naman? Ginawa ko na ang gusto nyo! Kaya pwede ba? Gawin nyo na rin gusto ko! Please lang! Jayson! Derrick!" pagmamakaawa nya at tumakbo na naman paalis. Naiwan naman kaming apat na tahimik
"So?" pagbasag ni kuya Danilo sa katahimikan
"So? Tara na sa room!" sagot naman ni kuya Jayson at umalis na
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...