Third Person's POV
"Guys, paano ba yan? Siyam na lang kayong natitira? Discussion pa ba?" tanong ni Joshua sa klase nya
"Sir pwede ho bang self-study na lang? Kita-kita na lang ho tayo every examinations." sa unang pagkakataon ay nagsalita si Shela. Napayuko rin naman sya nang mapansing nasa kanya na lahat ng atensyon. "Sorry po." sabi na lang nya tsaka nanahimik
"Nice idea Ms. Obra. Pero hindi pwede. Kase dito sa Sanguinem, attendance is a must. Kaya kung gusto nyo, ang naisip kong paraan ay ihalo na lang kayo sa ibang sections." Nagsi-react naman ang lahat sa sinabi ni Joshua
"Ayaw naman namin ng ganyan sir! Sila na nga na konti lang na naging kaklase namin hirap na akong mag-adjust, ibang section pa kaya?" Sagot ni Joseph
"You have a point there mister. But anong gusto ninyong plano?" Tanong ulit ni Joshua
"Bumalik na lang tayo sa M..." di na natapos ni Joseph ang sasabihin nang tinakpan ni Zandrex ang bibig nito sabay batok
"Suggestion lang po, payag po ako sa sinabi kanina ni Shela. Pero sabi nyo po, attendance is a must. Pwede naman po siguro kaming mag-self study dito sa loob ng school diba? I mean, pwede naman po sigurong mag-check ng attendance every hour tas pwede nang tumambay kung saan komportable para mag-self study." Pumayag naman ang lahat sa sinabi ni Zandrex kaya naman wala nang nagawa pa si Joshua kundi ang i-check muna ang attendance tsaka pinalabas ang mga estudyante.
Sementeryo,
Gabi na at tanging ang tunog lamang ng mga kuliglig ang maririnig sa puntod ni Chris. Napakapayapa ng paligid at waring nagsasayawan ang mga puno sa paligid dala ng napakalamig ng simoy ng hangin.
Gabi na pero heto pa rin ang sepulturero na rumuronda sa paligid.
"Naku, meron na namang bagong puntod dito! Nadagdagan na naman ang listahan ko!" Reklamo nito habang pinagmamasdan ang lapida ni Chris
"Chris Flores. Hmm? Pamilyar. Alam ko na! Anak ito ni Marlyn Flores na syang killer ng baryong ito! Malas ka Chris! Bakit dito ka pa sa sementeryong ito inilibing!" Sigaw ng sepulturero habang pinagpapalo ng pala ang lapida nito hanggang sa mawasak na ng tuluyan. Natigil lamang sya sa paghahampas nang may mapansin sa lapida. Parang gumagalaw ito. Kinusot nya ang kanyang mga mata para makasiguro. Binalak nyang ituloy ang ginagawa nang mapansing guni-guni lang pala ito. Hahampasin na sana nya ulit nang bigla na namang gumalaw ang lapida.
"Naku, mga insekto nga naman kayo. Sa ilalim ng lapida ni Chris pa naman ninyo napiling manirahan!" Sabi ng sepulturero at yumuko para hanapin sana ang mga insekto nang biglang may kamay ang lumabas sa ilalim ng lupa at hinawakan nya ng mahigpit ang panga ng sepulturero. Kahit naipit ang panga, pinilit pa ring sumigaw at magpumiglas ng sepulturero. Ilang sandali pa ay isang kamay na naman ang lumabas at hinawakan naman nya ang ibabang bahagi ng bunganga ng sepulturero at ang isa naman ay inilipat na rin sa itaas na bahagi ng bunganga at buong lakas na ibinuka hanggang sa bumigay at nawasak na ang bunganga nito. Hindi na nakayanan ng sepulturero at nawalan na ito ng malay.
Ang pares naman ng kamay ay humawak sa magkabilang bahagi jg puntod at saka dahan-dahang bumabangon ang kanyang katawan mula sa ilalim ng lupa. Napangisi naman si Chris nang tuluyang makaalis sa libingan. Walang anu-ano ay nagtungo ito sa Sanguinem Academy.
Sanguinem Academy...
Gabi na pero wala pa ring balak na umuwi ang siyam na natitirang magkakaklase. Nanatili sila sa loob ng canteen habang naggro-group review. Pero ang dapat na group study ay nauwi rin sa tawanan dahil kay Rommel at Joseph na hindi magkasundo. Kahit nagrereklamo na ang nagbabantay sa canteen dahil gabi na, hindi pa rin sila umaalis sa pwesto.
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...