Truth Behind

769 35 0
                                    

Chris' POV

Nandito ako ngayon sa prisinto kasama ni daddy. Hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang mga pangyayari. Bakit ako? Ako nga ba ang killer? Malabo eh! Bakit nila ako nakikita sa mga CCTV? Sigurado naman akong umuuwi ako ng maaga.

"Dad! Anong sinasabi nila na ako daw ang killer?" mangiyak-iyak ko pang tanong sa daddy ko dahil nakakumpol pa ang mga pulis sa computer nila at chini-check talaga ng mabuti ang CCTV, Pabalik-balik pa nga ang tingin nila sa monitor at sa akin.

"Hindi ko alam." sagot nya na hindi man lang makatingin sa akin. 

"Dad, naniniwala ka ba sa kanila?" tanong ko kaya tumango sya na hindi man lang tumitingin sa akin. Mas lalo naman akong napaiyak dahil maging mismong daddy ko ay naniniwalang ako ang killer

"Pero hindi ibig sabihin nun ay kinasusuklaman na kita! Wag kang mag-alala anak! Ipagtatanggol pa rin kita whatever happens." sabi nya at tumingin sa akin ng diretso.

"So, paano ba yan? Kitang-kita sa mga CCTV na ikaw ang killer! At may nalalaman ka pang pasuot-suot ng salakot! Ano? Maitatanggi mo ba na ikaw nga ang nandito sa videong ito?" iniharap sa akin ng hepe ang laptop nya. Napaiyak naman ako dahil ako nga ang nasa video. Pero bakit?

"Opo hepe. Sya nga po ang nasa video. Sya ang pumatay sa mga biktima." napanganga naman ako dahil sa sinabi ni daddy.

"Pero hindi po nya alam ang mga ginagawa nya that time." dagdag pa ni daddy kaya natawa ang hepe. 

"Hahaha! Kapatid ka ba ni Vice Ganda? Ang galing mong magpatawa eh! Paanong hindi nya alam? Ano ito? Nags-sleep walk, nags-sleep talk, nags-sleep-murder? Hahaha!" sabi nung hepe.

"Parang ganoon na nga po." natigil naman sa pagtawa ang hepe dahil sa sagot ni daddy

"May sakit po ang anak ko. Nagkaroon sya ng napakatinding trauma mula nang namatay ang mommy nya sa harap mismo ng mga mata nya. Dahil doon, nagkaroon ito ng mental disorder. Halos hindi makontrol ng katawan nya ang sakit na ito at tuwing sumasapit ng hating gabi, kusang gumagana ang utak nya na pagalawin ang katawan nya. Malas nga lang dahil kahit ilang beses ko pa syang painumin ng gamot ay wala pa rin itong epekto." napatulala naman yung hepe dahil sa sinabi ni daddy. Maski pati ako ay natulala na rin. Teka, kaya ba lagi nya akong pinapainom ng mga kapsula? Dahil sa sakit ko?

"Still not convinced! Give me an acceptable reason." sabi ng hepe. Pinindot naman ni daddy ang rewind button ng laptop at saka iniharap sa hepe.

"Tignan nyo maigi ang itsura ng anak ko dyan. Kung makikita nyo, purong itim ang mga mata nya dyan. Sa tingin mo ba hepe makakaya ng isang normal lang na tao ang paitimin ang kanyang mata. Ikaw ba mismo kaya mo?" sabi ni daddy

"Kung totoo ngang gawa ito ng sakit nya, bakit ang mga kaklase nya lang ang pinapatay nya at bakit ikaw na nakatira sa kaparehong bahay nya ay hindi nya magawang patayin?" tanong nung hepe

"Hayan po ang hindi ko masasagot. Hindi ko pa po alam kung anong misteryo ang nagaganap at bakit puro kaklase nya ang pinapatay nya. Pero hindi po yun nagkataon. Minsan po tinangkaan nya na ring patayin. Papatayin na nya sana ako nang biglang mag-ala una na ng umaga at bigla-bigla na lang syang natutumba at bumabalik sa pagtulog. Pero may mga time po na kahit wala pang alas dose eh inaatake na sya." paliwanag ni daddy

"Still not convinced! Paiba-iba naman ang nilalaman ng pahayag mo! Paano ako maniniwala sayo kung ang laman lang naman ng kwento mo ay qualified lamang sa mga pambatang story books? Matibay ang ebidensya, kaya sorry. Kailangan na naming hulihin ang anak mo at isilid sa loob ng kulungan." pinosasan na ako ng ibang pulis pero nagpumiglas ako. Dahil hamak na bata, hindi ko nakayanan ang pulis at nagawa nila akong kaladkarin papasok sa isang kulungan. Si daddy naiwan doon na nakaupo. Nakatingin lang sa akin

Mag-isa ko lang dito sa kulungan. Merong isang maliit lang at napakaruming CR. Bakit ako nandito? Ayoko dito? Natatakot ako! Daddy gumawa ka naman ng paraan! Wala pang kabinta-bintana dito na pwedeng takasan! Ang tanging labasan lang dito ay ang mga bakal na rehas kung saan maraming kandado ang nakalagay! Oh, please! Nananaginip ba ako? Kung isa lang itong joke, nasaan ang mga camera? Huhuhu! Wala akong makitang camera.

- - - - - F L A S H B A C K - - - - -

Third Person's POV

Mag-aalas dose na at kasalukuyang nagaganap ang Q and A ng mga babae sa Mr. and Ms. Sanguinem. Saktong turn na ni Carmela na sasagot nang sumapit ang hating gabi. Napayuko si Chris dahil sa sama ng pakiramdam.

"Oh, Chris? Ayos ka lang? Inaantok ka na ba?" tanong dito ni Jayson na katabi lang nya. Imbes na sumagot, tumayo lang nang nakayuko si Chris at umalis ng lugar. Dumiretso sya sa operating room kung saan nakakonekta ang lahat mula sa ilaw hanggang sa speaker. Dahil natiyempuhang tulog ang mga operator, kinuha nya ang gunting na nakapatong lang sa mesa at pinutol ang pinaka-chord ng lahat ng saksakan. 

Dahil nakakakita sa madidilim na lugar ang kanyang mga mata, nagawa nyang pumunta sa itaas ng stage ng walang kahirap-hirap. Kinuha nya ang panyo at nilagyan ng sandamakmak na ammonia na ipinantakip sa mukha ni Carmela.

- - - - - E N D O F F L A S H B A C K - - - - -

.

.

.

.

.

Author's Note:
Now you know kung bakit si Chris ang killer? Paano ito makakaapekto sa magiging ikot ng kwento? Dahil nakulong, titigil na rin ba ang patayan? Abangan nyo po ang magiging ikot ng ating kwento sa pagpapatuloy!!! BYIEEE!!! :)))

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon