Zandrex' POV7:30 na pero heto pa rin kami sa office ni ma'am Mara na gising na gising. Actually galing na kami kanina sa aming mga bahay-bahay para kumuha ng gamit para sa aming paglilipat or pagbabalik sa Mortem. Alam na rin nila Lester, Jayson, Teena at Rommel ang tungkol sa once na nakapasok ka na sa Mortem, magiging patay ka na sa mga balita sa outside world. Alam na rin ni Lester na buhay pa si Allysa at isa lang hoax ang balita.
Wala kaming ibang ginawa dito sa office kundi magtawanan, magsigawan, magharutan. Pero buti na lang talaga at mabait si ma'am Mara at nakisabay pa sa amin kahit busy sya.
"Good morning guys!" bati ni sir Joshua na kakapasok lang
"Uy good morning din! Buhay ka pa pala?" sabi naman ni ma'am kaya natawa yung iba naming kasama
"Grabe ka ma'am! Ang harsh mo kay sir fafa!" sabi naman ni Rommel
"Hindi, seryoso ako! Akala ko talaga namatay ka na!" dagdag ni ma'am
"Ikaw ah! Magtatampo na talaga ako sayo Mara! Hindi naman ako pinatay ni Chris kahit may 100% chance na sya para tuluyan ko. Heto lang braso ko ang binali nya." napatingin naman ako sa braso nya at may benda nga.
"Sabi na nga ba eh! Matagal mamatay ang mga pogi gaya natin, diba sir?" sabi naman ni Lazaro kaya binatukan ko gamit ang paa. Napaupo kase sya sa sahig sa tapat ko. Nakita ko namang natawa ang iba sa sinabi ni Lazaro
"Uy tama nga naman Joseph! Kase hanggang ngayon buhay pa ang Mister Sanguinem natin!" sabi naman ni Teena
"Ah oo nga! Naalala ko Drex! Bakit pala si Lito ang sinabi mong kapatid mo? Diba si Kyle ang tunay mong kapatid?" tanong ni ma'am Mara habang nagsusulat
"Nakasanayan." tipid kong sagot at napabuntong hininga na lang
"Teka nga, bakit pala nandito kayo sa office ni Mara? At ano itong mga maleta? Para saan ito?" tanong ni sir Joshua na nakitabi na rin sa upuan namin
"Lilipat na kaming Mortem!" sagot ni ma'am
"Ha? Iiwan nyo ako dito sa Sanguinem mag-isa?" nanlumo naman si sir sa sagot ni ma'am
"Hahaha! I knew it. Alam mo bang inayos ko na rin ang papeles mo just in case na buhay ka? At tama nga ako ng hinala! Ngayon tapos ko na ang mga ito. Tara na guys, kunin nyo na ang mga gamit nyo at ilagay sa van ko. Dadaan pa tayo kina Joshua!" sabi ni ma'am at nauna nang lumabas dala ang mga papeles.
- - - - -
Sa daan, wala kaming ibang ginawa kundi ang magtawanan. Mahigit isang oras rin ang naging biyahe namin bago kami nakarating sa subdivision. Nga pala, itong van na ito ang ginamit naming van noong pumunta kami sa Natad Resort.
Napatingin ako sa labas at nakita ko ang mga bagong mukha. Pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang masayang nagtatawanan sa bench. Sina Lito at Via...
"Hala! Mukhang sila na ah!" napalingon naman ako kay Lazaro na nasa tabi ko na nakatingin rin kina Lito at Via
"Pakialam ko?" sabi ko na lang tsaka umiwas ng tingin sa dalawa. Sa kabilang bench, nakita ko naman si Kyle kasama ni Grace.
"Ma'am, tara na! Ipasok nyo na!" sabi ko dahil gusto ko na ring makausap ang tunay kong kapatid.
"Teka lang!" napahinto na naman si ma'am nang sumigaw si Jayson "Buhay si Allysa!" dagdag pa nito
"Ano naman sayo kung buhay pa ang girlfriend ko?" nawala naman ang ngiti ni Jayson nang magsalita si Lester
"Ah wala! May utang pa kase sya sa akin." pagpapalusot na lang ni Jayson at umiwas na ng tingin kay Lester.
"Sige na ma'am! Ipasok nyo na!" sabi ni Lester na parang excited
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...