Past Life

955 28 4
                                    

Author's Note:
Heto na, itong chapter na ito ay flashback sa buhay nila Kyle, Queenie, Grace, April, Allysa, Lester at Jayson. Featuring Lito, Danilo at Derrick pa kaya abangerz lang guys! Hahaha!

12 years ago...
Batang Kyle's POV

Nandito ako ngayon sa bahay ampunan kasama ng ibang mga bata na kagay ko ay iniwan rin dito. Minsan nga naiisip ko bakit kaya ako iniwan noon dito? SIno kaya ang mga magulang ko? Ang tanging naiwan ko lang na alaala mula sa kanila ay ang kwintas ko na may pendant na letters S at M. Pero kahit nangungulila, hindi ko pa rin ramdam na nag-iisa ako dahil hindi naman ako pinapabayaan ng mga madre dito. Meron pa nga akong sariling kwarto dahil ayaw nila akong sumama sa ibang bata.

Ngayon ang araw na itinakda para makilala ko na ang mag-asawang mag-aampon daw sa akin. 

"Ganyan baby! Para maayos kang tignan mamaya. Basta sumagot ka ng maayos mamaya ha! Magpakabait ka!" paalala sa akin ni ate Wilma na binabayaran ng ampunan para personal na mag-alaga sa akin

"Opo." sagot ko na lang

"Basta magpapakabait ka doon ha! Mamimiss kita! Wala na akong buchukoy dito!" niyakap ako ni ate ng mahigpit pagkatapos akong bihisan

"Mamimiss din kita ate! Labyu!" sagot ko.

"Sige na chukoy! Labas ka na. Baka hinihintay ka na nila sa office." pinalabas na rin ako ni ate Wilma pagkatapos. Papasok na sana ako ng room nang makarinig ako ng sigaw sa di kalayuan

"Ano ba yan! Simpleng gawain lang ang tagal mo pang gawin! Mag-mop lang ng sahig hindi mo pa magawa ng maayos! Basang-basa ang sahig! Nakakahiya sa mga mag-aampon kay Kyle!" sigaw ng isang tagapamahala ng ampunan na nasa dulo pala ng hallway. Sakto namang napatingin ako sa kanila. Tumingin rin sa akin ang pinapagalitang bata. Si Lito.

"Si Kyle na naman! Bakit po ba laging si Kyle inaalala nyo? Bakit po ba laging ako na lang pinapahirapan nyo? Paano naman po ako?" sagot ng umiiyak nang si Lito. Naawa naman ako sa kanya kase laging syang inuutusan at pinapahirapan eh meron naman kaming janitor dito. Pati mga bata ayaw syang kalaruin dahil tingin nila sa kanya ay janitor na rin. Ako nga gusto ko syang maging kalaro kaso ayaw ng mga madre na makipaglaro ako sa iba.

"Sumasagot ka pa? Halika nga dito!" sigaw ng madre at hinila si Lito palayo gamit ang tainga nito. Palihim ko naman silang sinundan hanggang sa makarating kami sa rooftop. Nanatili ako sa likod ng pinto papunta sa labas at sumilip sa gilid nito para hindi ako makita.

Kinuha ng madre ang isang bilao at nilagyan ito ng mga munggo.

"Lumuhod ka dyan!" hindi na hinintay pa ng madre na sumagot si Lito at sya na mismo ang nagpaluhod kay Lito sa bilao habang iyak naman ng iyak si Lito.

"Manigas ka dyan! Hindi ka kakain mula mamayng tanghali hanggang mamayang hapunan! Naiintindihan?" sigaw sa kanya ng madre at lumabas na. Mas isiniksik ko naman ang katawan ko sa gilid ng pinto para hindi ako makita. Pagbaba ng madre, agad kong nilapitan si Lito na umiiyak pa rin habang nakaluhod sa mga munggo.

"Lito, ayos ka lang?" pinanlisikan naman nya ako ng tingin nang nakita nya ako

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya sa akin

"Nandito ako para tulungan ka Lito." sagot ko pero tumawa lang sya.

"Ni hindi ka nga nila pinapalapit sa akin! Tapos tutulungan mo ako? Wag mo na akong tulungan! Baka makita pa nila tayo. Baka mas mabigat pang parusa ang ipapataw nila sa akin." sabi ni Lito

"Hindi yan. Tumayo ka na dyan." sabi ko at hinila na sya patayo. Pagtayo nya, ako naman ang lumuhod sa mga munggo

"Uy, Kyle! Anong ginagawa mo?" tanong nya sa akin

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon