I-checheck lang po natin sa chapter na ito ang kalagayan sa bawat bahay at tuloy po ulit ang patayan. Pampahaba lang po...
House D,
Kyle's POVNagsilabasan na ang mga mga hindi namin makakasama dito sa bahay. Buti na lang talaga at wala kaming kasamang di pa pamilyar na mukha dito sa bahay dahil mahihirapan kaming masanay. Pero mabuti nga ba? Mabuti ba ang combinations namin na ibinigay ni ma'am Mara? Haay. Basta walang gustong magsalita sa amin. Lahat kami ay nakaupo lang at nakatulala sa kawalan.
"Excuse me, magpapahinga na ako." sabi ni Drex at umakyat na
"Saglit kuya, sama ako." sabi ni Lito, napatigil naman sa paglalakad si Zandrex at lumingon kay Lito. Tumango lang ito at umakyat ulit. Napayuko naman si Lito habang paakyat. ANo ba talagang nangyayari sa magkapatid na ito?
"Grace, tara maghanap ng maihahandang pagkain." pagyaya ni Via at nauna nang pumuntang kusina.
"Honey k.." sasabihin ko pa lang sana nang tumayo na rin ito at umalis kaya napabuntong hininga na lang ako at lumipat ng upuan sa sofa at nahiga na lang.
Zandrex's POV
Nauna na ako sa boys' bedroom at nagtalukbong ng kumot. Medyo giniginaw kase ako kase naka-aircon ang kwarto.
"Kuya?" narinig kong sabi ni Lito at kinakalabit ako
"Bakit?" tanong ko nang hindi tinatanggal ang kumot sa mukha ko
"Pwede ba akong tumabi sayo sa pagtulog? Namimiss na kase kita." at doon ay napatingin ako sa kanya
"Please, kuya?" sabi nya na parang nagmamakaawa ang mukha nya. wala na akong nagawa kundi tumango na lang at magtalukbong ulit. Kahit ganito ang kalagayan namin hindi ko pa rin namang magawang tanggihan ang kapatid ko
"Salamat kuya!" sabi nya at naramdaman kong humiga na sya sa kama. Naramdaman ko pa ngang niyakap nya ako pero ginalaw ko lang ang balikat ko para paalisin sya. Nagkaroon ng saglit na katahimikan at naramdaman kong hindi na sya gumagalaw. Tulog na yata, at wala akong balak na silipin sya. Maya-maya ay naramdaman ko ang konting vibrate ng kama. Giniginaw at nilalamig yata si Lito. Naramdaman ko na lang na may humihila sa kumot ko
"Oy oy oy. Ano yang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya
"Pwede pong maki-share ng kumot? Giniginaw po kase ako." sabi nya at nakikumot na pero inagaw ko rin ito agad
"Ano ba? Pati ba naman kumot makiki-share ka pa? Buhay pag-ibig ko nga nakihati ka na! Pati ba naman kama at kumot eh makikihati ka pa? Bakit ba halos lahat ng ginagawa ko at kung anong meron ako eh nakikihati ka? Buhay ko to kaya wala kang karapatan na makihati sa kung anuman ang meron ako! Naiintindihan mo? Sana nga di na lang kita nakilala eh! Sana hindi ka na lang nakita! Sana hindi ka na lang nakalabas sa ampunan noon at sana tuloy-tuloy na walang umampon sayo! Pasakit ka sa buhay ko eh! Ang saya na ng buhay ko nung wala ka! Kay pwede ba? Please lang! Layuan mo na ako!" sigaw ko sa kanya kase di na talaga ako nakapigil. Nakita ko namang tuloy-tuloy na umagos ang luha nya.
"Sige, sorry kuya ah kung ganyan na ang dating ko para sayo, na pasakit na lang. Namiss lang naman kita eh. Namiss ko kayo nila mama at papa. Lumabas ako ng ampunan para hanapin ko po kayo. Pero parang mali po yata ang naging desisyon ko. Sana nga po nag-stay na lang po ako sa ampunan. Kase po doon tanggap ng ibang mga bata kung sino man ako. Yun pong mga sinabi nyong sana? Parang total opposite pa yata nun ang gusto kong mangyari. Alam mo ba kuya yung feeling na parang walang nagmamahal sayo? Iniwan ka ng magulang mo sa ampunan, tas walang gustong umampon sayo, tapos ngayon namang nahanap na kita hindi ko po naramdaman ang pagmamahal na yun! Sorry po pero di ko po talaga ramdam sa inyo ang pagmamahal ng isang tunay na pamilya. Gaya nga po ng sinabi nyo, buhay nyo po yan. At sino nga po ba talaga ako para makihati? Pero as you wish po kuya, lalayo na po ako sa inyo!" sabi nya at napaiyak na lang, lalo na sa last part kaya di ko maiwasang ma-guilty
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...