Who's That Girl?

1.3K 31 10
                                    

"Kailangan ko ang kaibigan ko! Ilabas nyo si Regine Tambogon!" sigaw nung babae.

"Excuse me miss? Who's Regine Tambogon?" tanong ni madame 

"Yun pong dati naming kaklase na pinatay nung killer clown." sagot ni Christian

"Oh! So pinatay na pala! Namatay na ang kaibigan mo kaya wala na dapat pa kaming ilabas pa sayo! Mas mabuti pang umalis ka na, bitch!" sabi ni madame at nilagpasan na yung babae. Nainis naman yung babae kaya hinila nya ang ponytail ni madame. Natumba naman si madame kaya to the rescue naman ang mga babae.

Hinila ni Allysa ang buhok ng babae kaya napaalis ito sa ibabaw ni madame. Heto namang si Judy Ann, dinaganan yung babae at tuloy-tuloy na pinagsasampal. Si Allysa ay patuloy sa paghigit ng buhok ng babae na parang gusto nang kalbuhin.

"Saglit! Tama na muna! Bakit hindi muna natin pakinggan ang mga sasabihin ng babaeng yan? Pakinggan nyo muna ang side nya!" sigaw ni Diana

"Duh! Wala na tayong oras para sa babaeng yan! Pwede ba? Bumalik ka na lang next week? Doon na lang tayo magsakitan! I-reserve mo muna ang energy mo para makipagsabunutan sa akin! Busy kami ngayon! Kaya please! Next time na lang!" -Allysa

"Walang next time, next time! Ilabas nyo ang kaibigan ko!" sigaw pa rin nung babae

"Hahaha! Christian, pakilabas daw yung kaibigan nya! Ilabas mo na yung pala at hukayin mo yung bangkay ng kaibigan nya at ipalamon natin sa bunganga ng babaeng yan! My gosh! Di ka ba nakikinig o sadyang tanga ka lang! Sabing namatay na eh! Tara na nga guys! Wag nyo nang ubusin ang oras natin para makipagbobo-bobohan sa babaeng yan! Nakakasira ng beauty!" sigaw ni Allysa. Nauna nang lumabas si Allysa at sumunod na rin ang iba. Sumakay na ng bus ang mga estudyante maliban kina madame dahil may sarili silang sasakyan. Papaalis na sana ang bus nang humarang yung babae sa harap ng bus

"Hoy! Tanga! Naghahanap ka talaga ng gulo no? Manong driver! Pakisagasaan nga yang babaeng yan?" sigaw ni Allysa

"Sorry po ma'am. Hindi ko po kayang pumatay ng tao!" sagot ng driver

"Kung ayaw mo syang sagasaan, pwes ako na lang! Umalis ka dyan at ako na ang sasagasa sa impaktang yan!" sigaw ni Allysa at hinihila-hila pa ang manggas ng driver. Pumunta naman sa pwesto nya sina Kyle at Grace. Saglit na nagtinginan sina Grace at Kyle dahil di nila inaasahan na sabay pa silang pupunta kay Ally. Ningitian ni Kyle si Grace pero inirapan lang sya nito. Sabay pa silang humawak sa braso ni Allysa kaya aksidenteng nahawakan ni Kyle ang kamay ni Grace

"Urgh! Ano ba? Doon ka na nga!" sigaw ni Grace

"Hoy bruhildang Grace! Wag ka ngang nakikisigaw dyan! Minsan na nga lang ako magka-moment sa kwentong ito! Aarte-arte pa kase! Doon na lang kayo magholding-hands ni fafa Kyle! Alam ko namang gusto mo yan!" sabi ni Allysa na pagalit pa rin, pero binatukan lang sya ni Grace

"Ano bang pinagsasabi mo bestie! Mangilabot ka nga!" sabi ni Grace

"Woo! Mangilabot? Baka kiligin pwede pa! Doon ka nga! At how dare you para batukan ako ha? Its so ouchie in my head! My painful scalp! Doon na nga kayo Kyle! I-holding hands mong ipunta sa upuan!" maarteng sabi ni Allysa.

"Tara na!" nakangiting sabi ni Kyle at hinawakan na ang kamay ni Grace

"Urgh! Bitawan mo nga ako! Leave me alone!" sigaw ni Grace sabay hatak sa kamay nya

"Guys, narinig nyo yun? Leave her alone. Tara, baba tayo!" sigaw ni Judy Ann at nagsibaba na sila sa bus lahat. Pati na rin sina Rowena at Troy ay nakibaba na rin at nakitawa sa ilan. Pati yung driver ay bumaba na rin

"Hoy manong driver! Pati ikaw ba naman! Uy guys! Bakit nyo naman ako iniwan?" reklamo ni Grace sa loob

"Tanga ka pala eh! Tropa ba kayo ng babaeng baliw dyan sa harap ng bus? Pareho kayong tanga! Diba nga sabi mo leave you alone! Hayan! I-enjoy mo yang sasakyan! Tara guys, lakad tayo!" pagyaya ni Allysa sa mga kasama

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon