Allysa's POV
Unang araw pa lang namin ni Kyle dito sa Sta. Barbara National High School, noong enrollment pa lang, pansin ko na agad ang pagiging malapit ng bestfriend ko sa boyfriend ko. Awts! Saklap diba???
Hanggang sa dumating na hindi na halos kami mag-imikan ni Grace. Alam ko na ito eh! Umiiwas sya kase gusto nya yung boyfriend ko. Tapos ito namang si Kyle, halatang lumalamig na kase madalang na sya kung mag-text at late na rin sya kapag nagrereply.
Hanggang sa isang araw ay nagparaya na ako sa kanila dahil sobrang halatang-halata na talaga sila. Yung ako na rin mismo ang lumalayo sa kanilang dalawa. Medyo tumagal din naman ang pag-iwas ko sa kanila hanggang sa sinabi ko sa sarili ko na kaya ko nang mabuhay ulit ng mag-isa, pero hindi pa pala.
School feast... Habang inaalayan ni Kyle si Grace ng kanta, nasasaktan ako kase parang patama sa akin yung kanta. Parang sawa na ba sya sa akin? Parang ayaw na talaga nya? Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y malaya pa? At hindi ngayon ang puso ko'y may kapiling na. Sa line na yan ako pinakanasaktan. Ibig sabihin napipilitan lang sya? Nanghinayang sya kase girlfriend nya ako that time? Nagsisisi syang naging kami? Masakit yun para sa akin noh!
Hanggang sa hindi ko na nakayanan at tumakbo na ako palabas dahil ayoko nang makitang nagsasaya ang dalawa samantalang ako nanditong umiiyak at talunan. Dumiretso ako sa isang cubicle at umupo sa bowl. Doon ko inilabas lahat ng hinanakit ko. Alam ko rin namang walang makakaalam na nandito ako kase nasa hall silang lahat.
Makalipas ang ilang oras, naisipan ko na ring lumabas. Bago ako makalabas sa CR, humarap muna ako sa salamin. Naiyak na naman ako nang makita ang sarili kong repleksyon sa salamin. Awang-awa na ako sa sarili ko.
"Tama na Allysa! Napapabayaan mo na ang sarili mo eh! Nakakawa ka na! Tama na! Move on na! Hindi ka na nya mahal! Ipinagpalit ka na nga sa bespren mo diba? Tanggapin mo na lang." sabi ko sa sarili ko at saka lumabas na ng CR.
Ewan ko kung saan ako papunta ngayon. Basta ang alam ko ay naglalakad ako ng mag-isa sa gitna ng madilim na kalsada. Bigla tuloy nagfa-flashback lahat ng memories namin ni Kyle together. Yung una naming pagkikita na nangyari sa kalsada, yun ding araw na yun na una akong nagtapat ng feelings ko. Ang tanga ko rin naman no! Nag-confess ako agad! Edi ano ngayon? Madaliang ligawan, maikling relasyon!
"Wow! Mga bro! Ang sexy nung babae oh! Ang sarap siguro ng pakwan nyan!" nabalik na lang ako sa realidad nang may magsalita sa di kalayuan sa akin. Lumingon-lingon pa ako kaso wala namang ibang babae sa paligid. Ibig sabihin ako ang tinutukoy nung isa. Naku, patay ka 'day!
"Oo nga bro! Sunggaban na natin yan bago pa makaalis!" sabi naman ng isa. Patakbo na sana ako kaso huli na. Nahawakan na ako sa braso nung isa. Nagpumiglas ako kaso dumating na rin yung iba para hawakan ako. Ang babaho nila! Mukha silang adik! Tapos lasing pa yata sila. Ang mas ikinatakot ko pa, lima silang lahat. Wala naman talaga akong laban sa kanila. Malalim na kase ang gabi kaya wala nang taong pwedeng mahingan ng tulong. Malayo na rin ito sa school namin kaya useless rin. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Sumigaw pa rin ako ng sumigaw hanggang sa naramdaman ko na lang ang pag-sikmura sa akin ng isa sa mga lalaki.
"Manahimik ka! Ang ingay mo! Ipapahamak mo pa kami?" nanggigigil na sigaw nung lalaking nanikmura sa akin
"Kaya nga! Bakit pa kase ayaw mo kaming pagbigyan? Saglit lang ito! Babayaran ka rin naman namin eh!" sabi pa nung isa. Gwapo na sana kaso ang manyak!
"Ayoko nga sabi!" sigaw ko at buong lakas na sinipa ang kalandian ng poging lalaki. Nabigla naman ang ilan kaya chance ko na para makatakas. Buong lakas akong nagpumuglas tsaka tumakbo. Tumakbo ako ng tumakbo pabalik ng school para balikan si Kyle para humingi ng tulong
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...