BIG Revelation

1.7K 45 1
                                    

"IKAW?!!!" sabay-sabay na sigaw ng mga tao sa loob ng storage nang makita kung sino ang nasa likod ng maskara, SI GEMEL!!!!!!!!!!

Agad namang umaksyon sina Troy at Zandrex at binuhat ang higanteng cage. Alisto namang lumapit sina Lito at Joseph at hinawakan ang kamay ni Gemel sa kanyang likod. Nanggigil naman si Diana kaya agad nyang sinugod si Gemel at sinampal ng malakas!

"WALANG HIYA KA!!! NAMATAY ANG KUYA KO NANG DAHIL SAYO!!! KAILANGAN MONG PAGBAYARAN ANG LAHAT NG GINAWA MO SA AKIN AT SA MGA BINIKTIMA MONG KAKLASE NAMIN!!!" sigaw ni Diana habang hinihila sya palayo ni Mara. Pumagitna naman sa kanila si Christian. Tumawa lang naman ng malakas si Gemel

"Hahaha! Dapat lang sa inyo ang maparusahan! Dapat lang sa inyo ang mamatay! Lalong-lalo na ang kuya mo! DESERVE NYA ANG KANYANG KAMATAYAN!!!!" sigaw ni Gemel, sinampal naman ito ulit ni Diana sa last line nito.

"Tama na yan! Makukuha mo na naman ang hustisya ng kuya mo diba?" mahinahong sinabi ni Mara kay Diana habang nakangiti. Natigil naman si Diana sa pagpupumiglas

"Ikaw ba Grace, ayos ka lang?" tanong ni Mara kay Grace

"Ah, o-opo!" nanginginig na sagot ni Grace

"Heto may dala akong jacket para sa inyo kase alam kong kakailanganin nyo ito." isinuot naman ng dalawa ang jacket

Habang hawak pa rin nina Lito at Joseph kamay ni Gemel, sinamantala na ni Christian ang pagkakataon at itinali na nya ang kamay nito. Hindi pa ito nakontento at itinali at ibinalot pa nya ang lubid mula balikat hanggang paa ni Gemel. Pero nainsulto naman sila nang tumawa ulit si Gemel. Nabwisit naman si Grace kaya sya rin ang sumampal dito. Napahiga sa sahig si Gemel dahil sa sobrang lakas ng sampal. Hindi naman nakagalaw si Gemel dahil sa sobrang bigat at sobrang kapal ng lubid na nakapulupot sa kanya

"ANO PA BANG KAILANGAN MO??? ANDAMI MO NANG NAPATAY! ANDAMI NANG NAPAHAMAK DAHIL SAYO TAPOS TATAWA-TAWA KA PA DYAN???" agad naman itong pinigilan at niyakap ni Kyle, nagpumiglas naman ito sa pagkakayakap.

"Hahaha! Anong gusto mong gawin ko? Umiyak? Magmakaawa? Hahaha! Wala yan sa bukabularyo ko Grace! At isa pa, wala na kayong magagawa! Kahit patayin nyo ako, mauubos at mauubos pa rin kayo!" mas lalong nainsulto si Grace kaya sususgod sana ulit ito nang yakapin ulit sya ni Kyle mula sa likod.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ni Grace at nang makaalis na sya sa pagkakayakap ay agad nyang sinampal si Kyle sa mukha. Pareho naman silang nabigla sa ginawa ni Grace.

"Sorry!" bulong ni Grace, pero hindi nagsalita si Kyle at lumabas na sa storage, nakaramdam naman ng guilt si Grace pero pinabayaan na lang nya ito. 

"Ano? Uwi na tayo? Ipaalam na natin ang magandang balita na ito sa subdivision?" tanong ni Christian at binuhat si Gemel, yung buhat na nakasabit sa balikat nya. Naglakad naman itong palabas ng pasimpleng ilagay ni Joseph ang paa nito sa daanan kaya nadapa si Christian at naitapon nya si Gemel. Nabwisit naman si Christian at agad itong bumangon sabay suntok kay Joseph, tumayo na si Joseph, susuntukin sana ulit ito ni Christian nang hawakan ni Lito ang balikat ni Christian,

"Ipaubaya mo na sa akin ito," bulong ni Lito sabay suntok sa mukha ni Joseph

"Pwede ba? Wag kang mangialam dito!" sigaw ni Joseph at susuntukin sana nya si Lito nang inunahan syang suntukin ni Zandrex

"Ano ba yan, magsitigil nga kayo! Lalo ka na Joseph!" sigaw ni Troy sa apat na lalaki, nagsitigil naman sila pero umangal si Joseph

"Teka lang naman! Bakit ako? Ako na nga ang natadtad ng suntok dito eh!"

"Stop it Joseph! Sino ba ang nag-umpisa? Ikaw right? Kaya wala kang karapatang magreklamo kung ikaw man ang sinisisi namin!" sagot ni Mara. Narinig naman nilang tumawa si Gemel sa sahig. Nabwisit naman si Joseph kaya tinadyakan nya si Gemel ng malakas.

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon