1st Stab

1.2K 29 2
                                    

Author's Note:
GUYSSS!!! Alam kong may iba sa inyo ang nakakamiss sa mga nakasanayang characters ng Baryo! So, tara na't bumalik muna sa Mortem at i-check kung ano nang ganap sa kanila! So parang special chapter lang ito, pero may revelation. Kung ano? Edi basahin nyo! Hahaha!

Allysa's POV

Sabado ngayon at wala akong balak na lumabas ng bahay. Nandito lang ako sa kwarto at naglalagay ng rainbow-colored nail polish sa kuko. Sa kasamaang palad, kasama ko sa bahay si lintang April. Oo alam kong nagbago na ugali nya pero linta pa rin sya sa paningin ko! Nasa kabilang kama lang sya at nakatingin sa kawalan. Maya't-maya ay titingin sa akin at ngingiti. Iniirapan ko lang naman kung ganoon.

"Ally, magkwento ka nga!" sabi nya na lang bigla-bigla kaya sinamaan ko sya ng tingin

"Hoy bruhilda! Sino ka ba naman para kwentuhan ko? Close ba tayo? Magkaibigan ba tayo? Kung gusto mo ng kakwentuhan, doon ka sa pre-school! Puro story telling dun!" sigaw ko sa kanya at ibinaling ulit ang atensyon ko sa kuko ko.

"Yun nga eh, gusto kong makipagclose sayo!" nakangiti nyang sambit habang nakahiga pa rin sa kama nya

"Duh? Parang sinabi mo na ring tinubuan ako ng betlog! Hindi yun mangyayari no?" prangka kong sagot sa kanya kaya napatawa na lang sya

"Tatawa-tawa mo? Laughing too pabebe won't make you pretty! It will make you looks so idiot! Sabuyan kita ng nail polish dyan eh!" sigaw ko na lang sa kanya at ipinagpatuloy ang paglagay sa kuko ko. Kaliwete kase ako kaya ang hirap maglagay ng polish sa left hand ko. Paano ba to? Sa outside world kase hindi ko ginagawa ito eh! Like duh? Bakit pa ako magpapagod eh may pambayad naman ako sa mga salons!

"Akin na nga yan! Ako na!" nagulat na lang ako nang hablutin sa akin ni April ang nail polish at sya ang naglagay nito sa kuko ko.

"Waaa!!! Don't! Ayokong mabahiran ang kuko ko ng kalandian!" tili ko habang hinihila ang kamay ko kaya naman nalagyan na ang balat ko

"Yan, ang likot kase! Napaka-childish!" sabi nya at itinuloy ang ginagawa. Pinipigilan ko na lang ang inis ko para lang matapos na ang kuko ko

"Hayan tapos na!" pagmamalaki nya at pumapalakpak pa! Mas lalo naman akong nainis dahil sa nakita ko. Puro emoticon ang design ng kuko ko!!! Urgh!!! Tas may sungay pa sa may middle finger!

"Anong ginawa mo sa kuko kooo!!!" sigaw ko sabay sunggab sa kanya. Hinila ko lang naman ang ponytail nya at ibinagsak sa kama nya! Sinasabunutan ko lang sya buong oras nang may biglang sumigaw mula sa pinto ng kwarto

"Lo dyes! Lo dyes!" sabay naman kaming napatingin ni April kay Gil sa sumisigaw at sabay rin namin syang binato ng unan at sapul ang mukha, kapwa naman kami natawa ni April pero agad ko ding binawi. Oo nga pala, hindi pa kami bati

"Heto naman! Pakipot pa kase!" sabi sa akin ni April sabay sundot sa tagiliran ko kaya sinampal ko sya pero natawa lang sya

"Ayos ka rin no? Hindi ako pakipot! Ayaw ko lang nakikipagkaibigan sa mga tulad mo! DYan ka na nga!" sigaw ko sa kanya at tumakbo na palabas. Wala na akong pakialam kahit nabunggo ko pa si Gil

"Oh, may problema ba?" tanong ni Christian sa akin nang makitang mapaupo ako sa sofa sa sala. Nasa kusina kase sila ni Jorick, nagluluto.

"Yung girlfriend mo! Pinagsalitahan ako ng bad words!" sagot ko at niyakap na lang ang unan sa sala

"Talaga? Anong sabi?" tanong ulit nya na parang nababahala

"Gusto daw nya kaseng makipagkaibigan." tipid kong sagot

"Yun lang? Hindi naman bad words yun ah!" pagsingit sa usapan nitong si Jorick

"Hoy, bakit ka ba nakikialam? Bad words pa rin yun sa pandinig ko!" sagot ko kay Jorick nang may kumatok mula sa labas

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon