- - - - - S A N G U I N E M - - - - -
Jayson's POV
Halos lahat sa room ay tahimik dahil hindi talaga sila makapaniwala na si Chris pala ang killer.
"Grabe, akala ko mabait syang bata! Pinapaikot lang pala nya tayo!" sabi ni Lester sa tabi ko. Hindi naman ako nakasagot dahil kanina pa akong lutang sa mga pangyayari.
"Nga pala, nagawa mo ba yung assignment natin?" tanong ulit nya sa akin kaya tumango lang ako
"Pwedeng pakopya?" tanong nya kaya tumango ulit ako.
"Heto susi, kunin mo sa locker ko!" sabi ko at ibinato sa kanya yung susi.
Lumabas na sya at heto ako ngayon, tulala pa rin! Sa kakaisip ko, ewan ko kung bakit bigla na lang pumasok sa isip ko si Allysa. Yung mga memories, moments na kami lang magkasama. Yun bang mga ganoon? Nakakakonsensya nga minsan kay Lester. Paano kung once na malaman nya? Kami na nga lang dalawa ang natitirang buhay sa barkada. Tapos yung itinuring pa naming bunso sya pa pala ang killer! Hay naku! Naalala ko tuloy yung picture namin ni Allys... Teka!!! Nasa loob ng locker ko yung picture namin ni Allysa!!!
Agad akong tumakbo patungo sa locker ko at nakita ko doon si Lester na hawak yung picture namin.
"L-lester!" tumingin naman sya sa akin
"Ano to?" tipid nyang tanong
"Ah, eh. Ano yan. P-picture! Tama p-picture yan! hehe." sagot ko na lang sa kanya
"Oo, alam ko namang picture ito. Ang ibig kong sabihin bakit may picture kayo ni Allysa?" napalunok naman ako sa tanong nya
"K-kase, remembrance! hehe" sagot ko ulit.
"Bakit ang saya nyo dito?" tanong nya ulit. Huminga naman ako ng malalim para hindi na ako mabulol. Halatado na kase masyado.
"Yung camping natin yan noong 1st year high school. DIba nga tayo ang magkakasama kaya ang saya natin noon? Hayan yun." buti naman at nagawa kong hindi mabulol. Binuksan naman nya ang locker nya at inilabas ang picture frame.
"Tignan mo ito. Ikumpara mo nga! Bakit ang saya nyo dyan sa picture nyo samantalang hindi makangiti si Allysa dito sa amin? Ano? Kayo ba dati? Niloloko nyo lang ba ako?" tanong nya
"Hindi! Ano ka ba! Hindi ko sya inagaw sayo! At wala akong balak agawin sya sayo!" mahinahon kong sagot
"Sinungaling ka!" sigaw nya.
"Totoo yun!" sigaw ko na rin
"Pero mahal mo ba si Allysa?" mahinahon nyang tanong habang nakayuko
"Ano ka ba? Sabing wala nga akong balak agawin sayo si Allysa." sagot ko
"HINDI YAN ANG TINATANONG KO! MAHAL MO BA SI ALLYSA!!!" sigaw nya
"OO!" sigaw ko na lang. Bumilog naman ang kamao nya at akmang susuntukin na ako. Ipinikit ko na lang ang mata ko para hindi ko na makita ang gagawin nya. Hihintayin ko na lang na dumapo sa mukha ko yung mga suntok nya.
bogsh
Napadilat naman ako dahil hindi sa mukha ko ako sinuntok ni Lester. Sinuntok nya yung locker sa likod ko sa tabi mismo ng ulo ko
"Gago ka ba! Bakit mo sinuntok yung locker! Gawa pa naman ito sa bakal." nakita ko pang nayupi ang locker kaya paniguradong masakit yun.
"Sana mukha ko na lang sinuntok mo! Ayos lang naman yun sa akin eh. Malaki ang kasalanan ko sayo! Sorry pero hindi ko sinasadyang mahulog sa girlfriend mo noon! Pero maniwala ka! Wala talaga akong balak agawin sayo si Allysa!" paliwanang ko
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...