Dare

920 23 3
                                    

Sanguinem

Krysta's POV

"Guys sorry pero mukhang hindi muna tayo makakapanood ng movie ngayon. Naiwan ko kase yung laptop ko sa bahay. So lecture na guys?" tanong ni sir kaya sari-saring reaksyon ang namayani sa room. Nag-walk out pa nga si Oliver

"Sir! Wag ka namang bitch! Akin na yung susi ng kotse mo, balikan ko yung laptop mo sa bahay nyo!" sigaw ko sa kanya

"Sure ka? Ke-babae mong tao marunong kang magmaneho? At alam mo ba bahay namin?" tanong ni sir

"Tss, ako pa ba hindi marunong magmaneho? Anong akala mo sa akin? Tanga ka?" Duh, hindi pa ako baliw para tawagin sarili ko na tanga "At sir, nakalimutan mo na ba? Magkapitbahay tayo! Kaya akin na!" dagdag ko pa at inilahad na ang palad ko sa kanya. Pero imbes na nakabukas ang palad ko, yung middle finger ko lang ang nakabukas at nakaturo sa kanya kaya natawa na lang sya

"Oo na, heto na! Hahaha" sabi na lang ni sir at isinabit nya ang susi sa middle finger ko sabay ngisi. Pasimpleng attitude huh!

"Nandyan na ang susi ng gate at ng bahay ko." dagdag pa nya pero di ko na sya nilingon at nagdiretso na sa paking lot. Nakalabas na ako ng gate na hindi nasisita ng guard dahil yung kotse ang basehan nya at hindi ang driver. Hindi man lang nya napansin na estudyante ang nagdri-drive? Oh bitch please! Pinaandar ko na lang ang radyo. In fairness may taste itong si sir! Pareho pa talaga kami ng hilig, rock music!!! Ipinlay ko yung 'You Give Love a Bad Name'

Habang kumakanta, nagulat na lang ako nang may biglang sumabay sa akin mula sa likod ng driver's seat kaya bigla akong napapreno

"Hi bitch!" bati nya sa akin

"Bakit ka nandito bitch? Bumaba ka nga! Bumalik ka na sa room! Bitch! Panira ka ng moment!" sigaw ko kay Oliver

"Wag na, ituloy mo na lang ang pagda-drive! Nag-eenjoy ako eh!" sagot nya at ipinatong pa talaga ang dalawang paa sa ulunan ko? 

"Pwes ako hindi! Umalis ka na! Bumaba ka! Bitch!" sigaw ko sa kanya habang hinihila ang paa nya na nakapatong sa upuan ko

"Ang layo na kaya natin sa school! Tsaka malapit naman na yung bahay ni sir." wala na akong nagawa kundi magmaneho ulit.

Pagkarating namin ng bahay ni sir, bumungad agad sa amin ang napakalaki nyang chandelier. Aba, mayaman si bitch!

"Ang taray naman ng chandelier ni sir! Lakas maka-Sia!" hindi ko na sya pinansin at hinanap na agad ang kwarto ni sir. Sigurado ba talaga syang bahay nya ito? As in, ang laki kaya ng bahay na ito? Ang luwang na parang kapre ang naninirahan! Sa wakas ay nahanap ko na rin ang kwarto nya. Ini-expect kong magara rin ang kwarto nya, na parang kwarto ni Michael Jackson o ni Lebron James, pero mali, parang ang-jeje tignan nung kwarto nya. Kama na gawa sa kahoy, mga upuan na gawa sa drum ng tubig, mga graffiti sa buong pader. Yung pinakanapansin ko ay yung sa right side na pader na doodle art. Initials lang ng pangalan nya ang nakalagay na letters. Ang taray! May pagka-artistic pala si bitch! Pero inuna ko na ang laptop at baka naghihintay na sila sa school. Lumabas na ako at nakita ko si Oliver na nakahiga sa sofa. Astig! Bahay nya, bahay nya? Iwanan ko na nga lang dito!

"Huy, alis na tayo?" sayang napansin nya ako. 

"Ako lang bitch! Maiiwan ka dito!" sagot ko at dumiretso nang kotse

Chris' POV

Dahil pinalabas muna kami ni sir sa room, nandito kami ngayon sa ilalim ng puno sa pinakalikod ng school kasama nila kuya Derrick, kuya Lester, kuya Jayson at kuya Danilo. Nagbabasa kase ako ng libro kanina pero pinilit nila akong isama

"Anong gagawin natin dito kuya? Naiwan ko yung libro sa room!" reklamo ko

"Hayaan mo na yun! 1 week namang walang gagawin! Bakit ka pa magbabasa?" tanong ni kuya Danilo

"Tara, laro na lang tayo ng spin the bottle!" pagyayaya ni kuya Derrick

"Siguraduhin nyo lang na walang kamanyakan yan ah!" matabang sa sagot ni kuya Lester

"Pare, ano ka ba? Bakit ba ayaw mong maging manyak kahit isang araw lang." dahil sa sinabi ni kuya Jayson, sinuntok ito ni kuya Lester sa mukha pero tumawa lang sila

"Wag mo nga akong igagaya sayo! Dyan na nga kayo! Sabi na nga ba't may kamanyakan itong laro nyo eh! Tara na Chris! Wag kang sumasama-sama sa kanila! Dudumihan lang nila isip mo!" sigaw ni kuya Lester at hinila na ako paalis

"Teka lang naman!" sabi ni kuya Danilo at hinila si kuya Lester. Hinila na rin ako pabalik ni kuya Derrick.

"Kayo naman! tara maglaro na ng spin the bottle!" pagyaya ni kuya Jayson kaya naupo na lang kami

"Wait lang, para hindi na humaba, tag-isa na lang tayo ng dare!" sabi ni kuya Derrick at ngumisi kay kuya Lester

"Ano na naman?" sigaw ni kuya Lester

"Wala, ikaw muna ang mauna Chris kailangan mong i-prank si sir! Kahit anong prank!" utos sa akin ni kuya Derrick

"Huh? Bakit si sir pa?" tanong ko sa kanya

"That's life! Dare nga eh!" sabi ni kuya

"Tapos ikaw Danilo, dahil broken hearted ka pa, kailangang mapaniwala mo ang mga kaklase natin na nagwawala ka talaga sa loob ng room. Itapon mo ang mga gamit, sigawan mo ang mga tao, lahat gawin mo para maniwala sila." nakangising sambit ni kuya Derrick

"Ikaw naman Jayson, pumunta ka sa bahay ng ex ni Lester at maghanap ng anumang bagay na ibibigay mo sa kanya na makakapagpaalala sa ex nya. Alam mo naman kaseng wala yang remembrance sa girlfriend nya bago mamatay! Tapos tutol pa ang parents ni babae sa relationshit nila! Hahaha!" pasigaw pang sabi ni kuya Derrick

"Manahimik ka nga! Bakit ba kailangan mo pang ipaalala?" sigaw din ni kuya Lester

"Dude! Para naman hindi ka na maging bitter dyan! Ang pangit mo kaya kapag bitter! Hahaha!" deretsahang sagot ni kuya Jayson

"Hindi! Ayoko! Ayoko nyan!" pagtanggi ni kuya Lester

"Hoy! Bakit? Sinabi ko bang ikaw ang gumawa? Dare ito ni Jayson! Ang sayo, makukuha mo lang ang remembrance na yun kapag niligawan mo ng sabay sina Rommel at Jhomar!" -kuya Derrick, kaya nagtawanan kaming lahat

"Ano? Ayoko nga! Mas mabuti nang malibing na lang ako sa madilim na nakaraan kesa makulong sa kasinungalingan!" sigaw ni kuya Lester

"Ano? Ang hirap hukayin! Ang lalim!" sigaw din ni kuya Danilo

"Wag kang mag-alala, para makatulong ako, at para na rin sa dare ko, ako na ang bahala na maghanap sa kung sinuman ang pumatay sa girlfriend mo!" pagboboluntaryo ni kuya Derrick kaya napapalakpak ng mabagal si kuya Jayson

"Wow! Hanep! Lupet mo tol! Siguraduhin mo lang yan ah! Basta kung sinuman ang hindi makakagawa ng task, ipapalaplap natin sa buwaya!" sagot ni kuya Joshua at nagsibalik na kami sa room... Wala lang, hahaha
.
.

.

.

.

Author's Note:
Sorry, pero bibitinin ko po muna kayo ng konti. Gaya ng title, hahaha. 4 letters? Hahaha! Nakakabitin! Pero by the way, kahit bitin, pipilitin ko po ulit na gawing siksik ang susunod na chapter. Yan po ang continuation ang dare ng limang characters. Magagawa ba nila ang dare nila? Or better question, may makakagawa ba? May ipapalaplap ba sa buwaya? Hahaha, yan po ang ating mababasa sa susunod na chapter! Kaya kapit lang sabi ng tarsier! Hahahaha, BYIEEE!!!

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon