Badly Goodness Sake

1.9K 37 9
                                    

Troy's POV

8pm na nang dumating sa room sina Rowena at Christian

"Oh, nakita nyo na si ma'am?" tanong ko pagpasok nila sa room 

"Wala nga eh. Pumunta na rin akong gubat kaso wala talaga. Ni anino ni ma'am hindi namin nakita." sagot naman ni Christian

"Talagang di nyo makikita anino nya, gabi eh." pagsabat naman ni Allysa. Sinamaan naman sya ng tingin ni Christian

"Uy to naman! Masyadong seryoso!" sabi ni Allysa at nagtago sa likod ni April. Hinawi naman ito ni April at itinulak pa kay Christian. Sa sobrang taranta ni Allysa, napasugod na lang ito kay April at sinabunutan ito na parang naghe-head bang. To the rescue naman si Christian at inilayo agad ang tumatawa pang si April kay Allysa. Heto namang si Grace ay sinabunutan rin si Allysa

"Tama na nga! Napaka-warfreak mong babae! Hayaan mo na! Sarili mo rin namang kagagahan yan eh." sasampalin pa sana ni Allysa si Grace pero inunahan na nya ito

"Sabi kong tama na eh." dagdag pa ni Grace. Napaupo na lang sa isang upan si Allysa dahil sa mga ginagawa ni Grace

"Good evening ladies and gentlemen." pormal na pagbati ng matandang babae na pumasok na lang sa room, sya yung principal namin.

"Good evening rin po ma'am." matamlay naming bati

"I thought you will have your night class? Where is ma'am Mara?" tanong nito

"Wala pa nga po eh. Kanina pa po namin hinihintay." sagot ko naman 

"Kaya nga po. Hinanap na rin po namin ni Christian pero wala po sya. Di po namin makita." dagdag pa ni ate Rowena

"Why? Where is she? Okay, I'll talk to her right away. I'll contact her. But tonight, sorry for disappointment. You may now go home." at ayun na nga, ibinigay na namin ang number ni ate Rowena at umuwi na rin kami.......

Kinabukasan
Third Person's POV

Nagising na lang ang lahat ng estudyante dahil sa ingay ng mga concrete mixer truck at iba pang mga kagamitang ginagamit sa pag-aayos ng sink hole

"What is that noise! Its sooo irritating!" reklamo ni Vina

"Mas nakakairita kaya yang boses mo!" sabi ni Judz. Sinamaan naman sya ng tingin ni Vina. Papalapit ito nang papalapit kay Judy Ann, samantalang papalayo naman ito ng papalayo dahil sa mas matangkad si Vina

"You, ugly little bitch! You have no any rights to give comments of what I am saying! Saying those non sense comments won't make you pretty! And hey, just in case giving comments on other people makes them pretty, I am pretty sure that it can't affect animals especially to dogs like you! So if I were you, stop barking around and mind your own fucking business! Because I believe and also proved that there is no medication or operation in insecurities! Arasso?" sabi ni Vina sabay finger snap. Heto namang si Judy Ann, kahit matapang ay ayaw rin nyang nasisisgawan at napapahiya kaya medyo mangiyak-iyak na ito

"H-hoy! Di ako nai-insecure sayo ah! Mukha mo! Bakit naman ako mai-insecure sa isang tulad mo! Para mo na ring sinabing virgin pa si Kris Aquino! Tsaka kung makaasta ka dyan parang ang ganda-ganda mo ah! GGSS ka na masyado!" sigaw rin ni Judy

"Exactly! Masyado kase akong maganda para manahimik na lang! Kailangan ipagsigawan sa buong mundo na ako ang panakamagandang diwata na na-reincarnate bilang tao! Pero mukhang hindi na kailangan. Kase mukha ko pa lang, naghuhumiyaw na sa kagandahan kaya di na kailangan pang ipalandakan. And hey, what is with that GGSS thingy? Gorgeous, Glamorous, Stunning and Sexy? Thank you Judy! That is very me!" -Vina

"Hindi! Gahaman, Gaga, Salbahe at Sira-ulo! Akala mo naman kung sino kang magandang makapag-react ka naman dyan akala mo naman kung napakagandang babae! Sabunutan kita dyan eh." -Judz

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon