Pasilip na naman po sa Mortem para po hindi po masyadong mabagot ang mga nasanay dito. Continuation po ito ng 1st Stab.
Yaweh's POV
Linggo ngayon at kailangan ko ng tulog pero hindi pwede, may trabaho pa ako pag weekend.
5 na ng hapon kaya naisipan ko nang bumalik sa Sanguinem. Gusto ko ngang ipagpabukas na lang kaso hindi pwede.
8 na ng gabi nang makarating ako sa Sanguinem. Papasok na sana ako sa bahay nang harangin ako ni Allan sa pinto.
"Nasaan ang kapatid ko?" taas noo nyang tanong
"Wala na! Pinatay ko na! Umalis ka nga sa daan ko!" lalagpasan ko na sana sya nang higitin nya ulit ako pabalik sa kanya
"Sabihin mo sa akin kung nasaan ang kapatid ko!" tanong nya ulit kaya napairap na lang ako
"Namatay na nga! Pinatay ko! Ang kulit mo! Umalis ka na nga at dadan ako!" sigaw ko sa kanya at lalagpasan na sana nang higitin nya ulit ako
"Ano ba! Sabi na ngang pinatay ko sya eh! Ang kulit mo talaga! Ano pa bang gusto mong marinig mula sa akin? Gusto mo ikwento ko pa sayo step by step kung paano sya namatay? Sige! Itinapon ko lang naman sa kanya ang bagong lutong kanin at binuhusan ko pa ang ulo nya ng sandamakmak na kumukulong tubig hanggang sa nanghina sya at nawalan ng malay! Ngayon, itatanong mo naman siguro kung nasaan sya ngayon? Nasa may basement ko lang naman sya kasama ng ibang mga inuuod na bangkay! Ngayong alam mo na, maaari na ba akong pumasok?" tanong ko sa kanya
"Hindi ako naniniwala!" mahina nyang sagot kaya natawa naman ako ng sarcastic
"Ayaw mong maniwala edi wag! Hindi kita pinipilit maniwala! Umalis ka nga sa dinadaanan ko!" sigaw ko sa kanya at hinawi paalis kaso hinawakan nya ang braso ko at buong lakas na itinumba sa sahig
"Dalhin mo ako sa kapatid ko! Ngayon na kung ayaw mong mabalian pa ng mas marami pang buto!" sigaw nya kaya naman napangiti ako! Ooow, nice! Sya na kusang nagdadala sa kanya sa kamatayan nya!
"Okay! Let's go!" Walang kagatol-gatol kong sambit sabay tayo at nagtungo sa kotse ko
"Sure ka? Pupunta tayo?" napatingin naman ako sa kanya ng di oras sabay irap
"Kakasabi mo nga lang diba na dalhin kita sa kanya? Kay naku Allan! Nakakasawang makipag-usap sa mga tangang katulad mo! Kung ayaw mo edi wag!" papasok na sana ako ulit nang sya na ang humigit sa akin patungo sa kotse ko
11 na nang makarating kami sa bahay ko. Dumiretso na ako sa basement kung saan madadaanan ang kusina. Oo nga pala, hindi ko pa nilinisan ang kusina ko mula kahapon. Nandito pa rin ang mga bubog ng vase kong mamahalin na nasira ni Hanna, yung nangangamoy nang panis na kanin, at basa pa yung sahig dahil sa mainit na tubig kahapon.
"Teka, anong nangyari sa bahay mo? Bakit may dugo?" oo nga pala, meron pang dugo na naiwan sa sahig. Nakakatamad maglinis
"Dugo yan ni Hanna. Itinumba ko lang naman sya sa sahig dahil binasag nya ang mamahalin kong vase na galing pang Barcelona." alam ko na ang susunod nyang gagawin kaya dali-dali kong kinuha ang kutsilyo sa tabi ko at dali-dali ring lumingon para ihampas ito sa kanya. Sakto lang pala ang timing ko, susuntukin sa sana nya ako pero hayun, nahagip ng matalim kong kutsilyo ang kamay nya at naputol pa ang apat nyang daliri. Napasigaw naman sya dahil sa sobrang sakit samantalang ako ay sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa.
"Oh ano? Sisigaw ka na lang ba dyan forever? Ayaw mo nang tignan ang kapatid mo?" tanong ko sa kanya at umalis na. Naramdaman ko namang sumusunod na sya sa akin
"Ayan, nandyan ang kapatid mo. Pakihanap na lang at ayoko nang isa-isahin pa yang mga bangkay dyan!" Sabi ko nang mabuksan ko na yung pinto ng imbakan ko ng mga bangkay.
"K-k-kuya?" Narinig kong bulong ni Hanna mula sa loob ng silid. Oh great, grand reunion ng magkapatid! Pero malas lang nila at hindi magiging happy ang reunion nila dahil dito na rin magwawakas ang buhay nila
"HANNA!!!" Sigaw ni Allan nang marinig si Hanna. Madilim kase ngayon sa underground kase maliban sa walang ilaw ang silid na ito, maghahating gabi pa, at tanging ang maliit lang na bumbilya ang ilaw namin mula sa basement.
"Ano? Sisigaw na lang dyan forever? Puntahan mo na ang kapatid mo, GO!!!" Sabi ko sa kanya sabay sipa sa puwetan nya kaya naman nahulog sya sa imbakan ko. Narinig ko pa syang sumigaw at nagmura dahil na rin siguro sa mga mga new friends nya sa loob. Kaso nga lang wala nang buhay. Kahit naman hindi ko na makita ang mukha nya, halata naman sa boses nya ang magkakahalong galit t takot.
"I'm so happy para sa inyo guys! Nagkita ulit kayong magkapatid! Nakaka-touch talaga ang muli nyong pagkikita! At dahil mabait ako, makakasama nyo ka ang isa't-isa forever and ever hanggang kamatayan man! So alis na ako! Baka makaistorbo pa ako eh! Bye guys!" Pagpapaalam ko at isinara na ang pinto ng underground. Narinig ko pa nga ang sigaw ni Allan, but who cares? Napahikab na lang ako dahil sa sobrang bagot kaya naman naisipan ko nang bumalik sa Mortem para makapagpahinga na.
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...