Paligang Sanguinemista

1K 32 7
                                    

Chris' POV

Dahil gusto kong makisali at makilahok sa school feast, pinilit ko si ma'am Mara na pumasok para maki-join. Nung una ayaw pa kaso napapayag ko rin kaso hindi daw ako pwedeng makisali o makijoin sa mga activities. Manood na lang daw ako para masigurado na hindi ako mabinat.

2nd day, nandito ang lahat sa basketball court para sa gaganaping basketball tournament ng school. Katuwaan lang. Part kase ng school feast. Actually representative ng klase namin sina kuya Joseph at kuya Zandrex. 

At sa huli, nanalo rin ang team nila kuya Joseph at kuya Zandrex kaya ganoon na lang ang sigawan namin. Lalo na si ate Teena na nasa tabi ko. Kahit ilang beses pa syang nabasted kay kuya Zandrex nandito pa rin sya para mag-cheer. Kabilib-bilib naman talaga si kuya Zandrex dahil kahit siyam lang ang daliri nya eh ang galing pa rin nyang magbasketball. Natanong ko nga minsan sa kanya kung bakit siyam na lang kaso nagalit sa akin. Bakit ko daw sya pinapakialaman? Magaling talaga magbasketball si kuya Drex pero mas magaling naman si kuya Joseph. Laging nakaka-3 points kaya naman nanalo sila sa score na 146-94. Saan ka pa diba?

"To all the students of SA, please proceed to the volleyball court now. To all the students of SA, please proceed to the volleyball court now."

Narinig namin sa speaker kaya naman naaligaga na si ate Teena

"OMG! OMG! OMG! Hindi pa pala ako naka-ready! Player rin pala ako volleyball!" sigaw nya sabay takbo papunta sa basketball court para puntahan muna si kuya Zandrex. Nakita kong bigla nya itong hinalikan sa pisngi

"Nice play Drex! Panoorin mo rin ako sa volleyball ko ah! Same to you Joseph! ANg galing mo! Nood ka rin ha?" sabi ni ate sabay takbo palabas ng court. Nakita ko namang pinunasan ni kuya Drex ang pisngi nya samantalang tawa naman ng tawa si kuya Joseph

Volleyball court,

Nandito ngayon ulit ang buo naming klase para manood. Sina ate Teena at ate Carmela naman ngayon ang pambato namin ngayon.

After the game, natalo ang grupo nila kaya naman malungkot na lumapit si ate Teena kay kuya Zandrex.

"Drex, paano yan? Natalo kami!" sabi ni ate Teena

"Ano naman?" tanong ni kuya Drex

"Hindi mo man lang ba ako sasabihan ng 'ayos lang yan, Teena' 'Maganda ka naman Teena' 'Mahal naman kita Teena'!" -ate Teena

"Hindi! Ano ba kita? Ano ka ba sa buhay ko? Pasalamat ka nga at nanood pa ako ng game nyo!" sagot ni kuya Drex at umalis na. Naiwan namang malungkot si ate sa kinatatayuan nya

"Hoy, wag ka na ngang magmukmok dyan! Bakit ka ba kase habol ng habol sa taong ayaw tumigil at ayaw kang lingunin man lang? Para kang tanga!" sabi ni ate Carla

"Wala kang alam sa pinagdadaanan ko!" mahinang sagot ni ate Teena

"Yes! Wala nga, pero duh, paano kami na nadadaanan mo? Naaapektuhan rin kami dyan sa ugali mo! Pwede bang bawas-bawasan mo ang pagiging malandi mo? Sorry for the word pero deserve mo ang salitang yan! Malandi ka Teena Maime Ramirez!" sigaw ni ate Carla kaya sinampal ito ni ate Teena ng napakalakas para mahulog at gumulong ito pababa sa bleachers. Mga 6 steps lang naman pero matataas bawat step. 

"Hindi porke maganda ka, hindi porke ikaw ang muse, hindi na kita papatulan! Dapat lang sayo yan! Hindi mo man lang iniisip ang nararamdaman ng iba! Sana napilayan ka na dyan! Sana hindi ka na makalakad forever!!!" sigaw ni ate Teena tsaka tumakbo paalis.

Carla's POV

Pagkatapos nyang tumakbo ay tinulungan naman ako ng mga kaklase ko na makatayo. Medyo masakit katawan ko pero feeling ko hindi naman ako nabalian. Medyo napahiya naman ako dahil sa medyo marami pang tao ang nandito ngayon sa court kaya tumakbo na rin ako palayo at nagtungo sa girls' CR

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon